ANGEL
"May date kayo ni Sir.Russel?" Agad na tanong sa akin ni Ate Jenny nang nagmamadaling bumaba ako sa first floor dito sa mansyon.
Patalon-talon pa akong naglakad dahil hindi ko pa kompletong nasusuot ang sapatos ko. Nang makatapat ako sa kanya ay tipid na iling ang binigay ko at yumuko saglit para ayusin ang pagsuot ko ng sapatos.
"Ate Jenny ang kulit mo, kanina ko pa sinabi na sasamahan ko lang iyong amo ko." katwiran ko.
Kanina niya pa kasi ako inaasar mula nang iwanan kami ni Russel sa kwarto ko. Kung hindi ko lang siya tinulak palabas para makapag-asikaso hindi niya ako titigilan.
Tumayo ako nang maayos at tinignan siyang nakangisi na sakin, pinasadahan niya pa ang suot ko.
"Ay sus deny ka pa, mukhang ayos na ayos ka nga eh." Napangiwi ako sa sinabi niya.
Ayos na ayos? Inobserbahan ko ang suot ko? Ayos na ayos na ba etong suot ko eh simpleng shirt lang saka pantalon ang suot ko?
Saka sinong makakapag ayos sa loob ng kinse minutos? Nagmamadali na nga akong maligo kanina dahil sa kahihiyan.
Sa sobrang sarap ng tulog ko nakalimutan kong gumising nang maaga, ang nakakahiya pa pumasok pa sa kwarto ko iyong Russel na iyon para gisingin ako. Medyo napaisip tuloy ako sa itsura ko habang natutulog. Nakakahiya! ang panget naman ng itsura ko kanina nang tumingin ako sa salamin sa banyo.
"Huwag mo nang asarin si Angel, Jenny. Saka ikaw iha may usapan pala kayo ni Russel bakit hindi ka gumising nang maaga." Tumingin ako sa gilid at ngumuso sa kararating lang na si Nanay Felli.
"Wala po kasing sinabi kung anong oras kami aalis. Saka Nay, malay ko bang totohanin ng amo ko iyong isama ako sa gala niya. Alam niyo naman kung gaano umiiwas iyon sakin."
Akala ko talaga niloloko lang ako non ni Russel kahapon, sino ba naman kasi mag aakala na aalis kaming dalawa lang. Eh kulang na nga lang hindi kami magkinita din dito sa bahay nung mga nakaraan eh.
"Ano ba raw kasi gagawin niyo ngayon?" Tanong ni Ate Jenny, nagkibit balikat nalang ako. Wala kasi akong ideya kung saan kami pupunta o lutang lang talaga ako kahapon kaya hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Nga po pala nasan si Russel?" Tanong ko ng ginala ko ang tingin dito sa sala at wala ni anino ng amo ko, wag niyang sabihing iniwan niya ako?
"Nandon na siya sa labas, nakaparada na kasi sa harap ang kotse niya. Siguro makakapaghintay pa iyon, bakit hindi ka muna mag almusal? Nag-almusal na kasi iyon habang nag-aasikaso ka." Sagot ni Nanay Felli.
Umiling naman ako.
"Nako Nay kahit gustuhin ko man baka mag alburoto na iyon sa galit kung kakain pa ako. Siguro naman makakain pa ako mamaya." Kung hindi talaga ako makakain iiwanan ko talaga saglit ang amo ko. Tutal may kaunting pera naman akong baon, mag hahanap nalang ako nang murang pagkain.
"Sige po Nay, ate Jenny aalis na po ako." Paalam ko.
Nagtaka ako nang yakapin ako ni Ate Jenny.
"Nako Angel ang ganda mo ngayon promise, enjoy kayo sa date niyo ni Sir.Russel ah."
"Nanay oh." Sumbong ko, okay na sana iyong unang sinabi niya eh kaso iyong dulo nang-aasar na naman. Hinigit siya ni Nanay Felli para lumayo sakin.
BINABASA MO ANG
Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)
Novela JuvenilLove is LOVE, it CAN'T be EXPLAINED... "Hinding-hindi ako mag kakagusto sa babae dahil lalake ang type ko..." Iyan ang mga salitang binitawan ni Russel Kamenashi matapos makumpirma sa sarili na isa siyang bakla. Ang kaso ang mag karoon ng isang bus...