LRTG CHAPTER 4: NEW FRIEND

80 12 0
                                    



ANGEL

*Ssshhh (Tunog ng shower)*

Napapikit ako at tumingala habang ninanamnam ang maligamgam na tubig na nanggagaling sa shower. Nandito parin ako sa S.U at kasalukuyang naliligo dahil narin sa itsura ko kanina.

Nakakahiya mang isipin ulit pero habang kausap ko pala si Mr.Kamenashi kanina ay madumi pala ang damit ko, siguro dahil narin sa pagbagsak ko kanina. Ni hindi man lang ako inabisuan nung Drake tungkol sa itsura ko, pero sabagay magagalit pa ba ako doon sa tao eh tinulungan na nga ako non kanina.

Ang dapat talagang kagalitan ko iyong lalakeng nambato sakin ng bola.

Kung hindi ako nabato, hindi ako mahihimatay, hindi ako late makakapunta kay Mr.Kamenashi at sa hindi ko malaman kung malas ba o hindi hiningan pa ako ng pabor.

"Hay Angel, ang ganda naman ng first day of school mo." Mahinang bulong ko sa sarili ko at yumuko nang maalala ang sinabi ni Mr.Kamenashi kanina sakin.


FLASHBACK

"About that, My Son is 19 years old."  

"S-son? 1-19 years old?" Pag-uulit ko. I was hoping na baka nabibingi lang ako but Mr.Kamenashi nodded it means TOTOO NGA.

"May problema ba iha?" Napatingin ako kay Mr.Kamenashi at umiling-iling.

Pero ang totoo? Hindi ko na alam ang gagawin k...

"You know what iha, me and my son  I don't know but it seems we are far away from each other."  Tumingin ako sa kanya, kitang-kita sa mata ni Mr.Kamenashi ang lungkot.

Hindi sila close? 

"When his a kid, we used to bond together. I gain his trust, but in one mistake he changed. Nakikita ko nga siya lagi iha but I know there are things he didn't tell me anymore." 

Mistake? gaano bang kalaki iyong pagkakamaling nagawa ni Mr.Kamenashi?

"I know there are things that when kids grow up they distance themself to their parents. Pero iba kami ng anak ko. We look stranger living in one roof, kung hindi lang inirereport sakin ang mga kalokohang ginagawa niya hindi ko pa malalaman." Napahilot ng sentido si Mr.Kamenashi na parang iniisip niya iyong mga gulong ginawa ng anak niya.

Hindi ko alam kung parte ba talaga ng mga kabataan ang magloko gayong sakin hindi ko magawa dahil kami nalang ni Nanay ang magkasama. Gagawa pa ba ako ng kalokohan kung wala namang magandang dulot sakin. Mahirap na nga kami tapos hindi ko pa aayusin ang buhay ko, edi saan kami pupulutin non?

Saka sa stado nila Mr.Kamenashi na mayaman tingin ko hindi exception iyon para gumawa ng kalokohan o hindi sila mag pansinang dalawa. 

"All I want is to help him and to be a good father to him again." Malungkot kong tinignan si Mr.Kamenashi na nakatingin sa picture frame na nasa gilid ng lamesa niya. Hindi ko makita nang eksakto kung sino ang nasa larawan na iyon pero palagay ko nakatingin siya sa picture ng anak niya.

Nakaramdam ako nang ingit, iyong Tatay ko kaya kung nasaan man siya iniisip niya rin ba ako- o baka wala lang talaga sa kanya kami ni Mama.

Hay! bakit ko ba iniisip iyong tao na iyon. Kung hindi ko man naranasan iyong kalinga ng Ama dahil wala ako non sana kahit man lang sa iba magawan ko ng paraan hindi ba?

Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon