LRTG CHAPTER 3: 19 YEARS OLD

96 14 0
                                    

CONTINUATION

RUSSEL

Anong mafefeel mo kung masasightsung mo ang long time crush mo na iba ang binibigyan niya ng pansin kaysa sa dyosang katulad mo? Tapos habang nagdadrama ang puso mong nasasaktan tatawag ang fatherlalu mo, na kawarla mo kagabi dahil maghahire naman siya nang panibagong julalay sa buhay mo? Nakakajirita dibwa?!

Naiistress ako mga dhay!! Feeling ko magkakakulubot na ako sa mukha!

"Si Tito tumatawag, ano tititignan mo lang iyan?" sabay sundot sa akin ni Lary sa bewang. Masama ko siyang tinignan.

"Excited ka dhay? Oh kunin mo, ikaw nang sumagot ng tawag." naiiratang lahad ko sa kanya ng phone ko. Pakealamerang froglet.

"Bakit ako ba tinatawagan? Ako ba anak? Baka mamaya pagalitan ako." 

Tumikhim nalang ako at umirap sa kanya bago sagutin ang tawag nang dakila kong ama.

"(MV) Hello, bakit ka napatawag?" Hindi ko talaga keri ang mag pakahombre voice. Sa ilang taon ko na jusko! kailan ko kaya maibabalandra ang binibining boses ko.

"Have you seen the girl?"

Napataas ako ng isang kilay, sinong babae ang tinutukoy niya? Wititit ko namang mahula eh. May pinapahanap ba siya kanina?

"(MV) Babae?" Takang tanong ko na ikinarinig ko naman sa kabilang linya ang paghinga niya nang malalim na parang nawalan siya ng pag-asa, me ganon. Malay ko ba sa babae niya, nakakasira naman ng ganda oh.

"The girl that I'm talking is Angel, Angel Han Go is her full name. Do you see her?"

Napatingin agad ako kay girlalu na mukhang zombie na sa mata ko. So siya pala iyong pinapahanap samin kanina? Tsk pakers ko ba. Napaikot nalang ako ng mata at tumango na parang kaharap ko si pudra.

So ang pinapahanap pala samin kanina ay ang bagong scholar nitong school, tsk. Akala ko panibagong babae niya eh.

Napatingin ako sa gilid seeing Drake na kalalabas lang ng banyo, may dala siyang bimpo at lumapit kay girlalu. Mas lalong tumaas ang kilay ko nang simulan niyang punasan ang ilong nito. Shems how to be someone's ilong?

Nagsisisi tuloy ako, kung kanina ko pa pinapunas sa walanghiyang magkapatid ang ilong ni girlalu edi sana hindi si Fafa Drake gumagawa niyan ngayon. Edi sana wala siyang tinititigan nang malapitan ngayon.

Some part of myself saying na talagang caring si fafa Drake but... I feel envious!! how I wish na ganyanin din niya ako.

Nakakabanas na talaga si girlalu gaano ba kalakas ang pagbato ko sa kanya ng bola at hindi pa siya nagigising ah? Parang ang sarap tuloy ireplay iyong kanina, pero this time sadya ko na talagang ibabato sa kanya iyong bola tapos mas malakas pa. Hmmmp!

"(MV) She's with me, nasa clinic kami." Sagot ko nalang sa kabilang linya habang masamang nakatingin sa kanilang dalawa.

"What? Bakit kayo nandiyan, is there something happen?" Duh anong tanong iyan, malamang may nangyari noh para naman siguro kaming sira kung tatambay lang kami sa clinic.

"(MV) Long story, she lost her consciousness. I'll go to your office." I bongga umienglish ako hahaha nakakatamad naman din kasi mag explain sa phone noh, you know its kinda boring kasi hahaha.

"Okay sino namang mag babantay sa kanya?"

"Don't worry my friends are here. Bye." At inend ko na iyong tawag, napatingin ako kala Rex.

Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon