RUSSEL
Bwiset. bwiset. bwiset talaga...
"HOY! Mag focus ka sa pagdadrive 'pag namatay ako nang maaga mumultuhin talaga kita." Tumingin ako sa kanya nang masama, nakakainis 'tong girlalu na 'to ah, siya kaya pagdrivin ko ng kotse bwiset talaga.
"'Wag kang mag alalala ayokong mamatay nang maaga kung ikaw pa ang makakasama ko." Nababanas na sagot ko bago ibalik sa harap ang tingin.
Naiimbyerna talaga ako, hindi ko na alam kung ano na bang itsura ng mukha ko pero hindi ko keri ang nagaganap ngayon. Who have thought na ang girlalu na nabato ko ng bola na nagbato rin sakin ng pasta at lumalandi kay Fafa Drake ay YAYA KO.
Pasimple akong naparoll eyes, this can't be happening. Parang gusto kong mag walling sa nangyayari sa life ko. Hanggang ngayon parin kasi naiimagine ko pa kung pano ngumisi etong si Girlalu, like there's something bad will happen to me oras na makaapak na siya sa pamamahay namin.
Sumawsaw pa si Fatherlalu at sinabihan pa siyang gawin lahat nang makakaya nito para lang mapatino ako. Duh, kung pwede lang talagang tumili kanina sa nangyayari edi sana nagawa ko na.
Kaya ngayon were flying to go home at ilibot-libot 'tong girlalu sa Mansyon ko. Hay nako swerte talaga niya sa akin ako pa nagdadrive para sa kanya alangan naman kasing siya, baka wala pang isang minuto talagang nadedoks na ang beauty ko.
Naiimagine ko tuloy ngayon, ano kayang niyang gawin? Is she really capable to be my maid kaya mukhang tiwalang-tiwala sa kanya si Father...
"Saan ba bahay mo?"
"AYPUTAKTE!!!" naibreak ko agad ang kotse nang mag salita si girlalu. Juskulord!! ano ba naman 'tong babae na 'to walang pasabi kong mag sasalita siya, nakakagulat. Papatayin talaga ako nito nang maaga.
Inis akong tumingin sa kanya seeing her face na mukhang na shokot sa pagbreak ko. Ang ayoko naman sa lahat ang may nang gugulo sakin sa pagmamaneho. Saka magugulatin ako, aminado ako doon.
"Ano bang problema mo at nang gugulat ka?" Inis na tanong ko sa kanya. Hindi ko parin iini-istart ang kotse at hinihintay ang sagot niya. Hindi talaga ako mag dadrive kung hindi niya ititikom ang bibig niya.
"Iba ang nagtatanong sa nang gugulat Russel Kamenashi. Tinatanong ko lang kung nasaan ang bahay mo baka maligaw tayo." Napataas na ang isang kilay ko sa sinabi niya.
Talaga bang sinabi niya sakin na baka maligaw kami? Maliligaw kami pauwi sa BAHAY KO! WHUAHH ano bang meron sa babaeng ito at ang sarap sipain.
"What do you think of me, ulyanin?" Napipikong tanong ko at humarap na talaga sa kanya.
Kaunti pang pang-iinis Gurl makakasampal at sabunot na ako sayo.
"Ikaw na nagsabi na ulyanin ka. Saka pansin ko kasi mukhang kanina ka pang lutang, parang may iniisip ka."
"Kanina pang lutang? Paano mo naman nasabi ha?" Tumingin siya sakin nang masama.
"Kasi kanina pa kita inoobserbahan. Kung hindi lang ako nagsalita kanina edi sana hanggang ngayon hindi ka pa rin kumukurap. Baka mamaya mabunggo tayo."
Nga nga.
Napanganga talaga ako sa sinabi niya, kanina niya pa ako inoobserbahan? It means kanina niya pa ako tinititigan? Naloloka ang beauty ko parang may dumaang ghost sa katawan ko, kashokot.
Sarap niyang sampalin to the left to the right tapos manaknock out siya parang sa mga natalo ni Pacquiao.
"Baba." Ayon nalang ang nasabi ko, 'di na keri ng pasensiya ko ang kakulitan niya. Baka hindi kami makauwi ng bahay nito.
BINABASA MO ANG
Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)
Novela JuvenilLove is LOVE, it CAN'T be EXPLAINED... "Hinding-hindi ako mag kakagusto sa babae dahil lalake ang type ko..." Iyan ang mga salitang binitawan ni Russel Kamenashi matapos makumpirma sa sarili na isa siyang bakla. Ang kaso ang mag karoon ng isang bus...