(Note: This chapter is dedicated to my loyal supporter @sheilamarbungag and @MJKAW23 for always voting every chapter of this story. Hope you will like this.)
ANGEL HAN
"Newspaper club is asking kung may kakilala ba raw akong estudyante na wala pang club to join them. At dahil sa bagong studyante ka naisipan kong ikaw ang ibigay ko sa kanila. Anong sa tingin mo?" Napatuwid ako nang tayo at tinuro ang sarili ko.
Naguguluhan kong tinitigan si Cyfrina, saglit din akong tumingin sa likod niya kung nasaan nakasarado ang pinto ng room na inaatenan ko ng klase ngayon.
Sa bintana, naaaninag ko sa loob si Naomi na nakaupo sa gitnang row. Nakatingin siya samin na may pagtataka.
Kung ako ang nasa posisyon niya maski rin ako magtataka kung bakit sumulpot bigla si Cyfrina at inexcuse ako sa klase.
Ilang araw narin kasi ang nakalipas mula nang mag kakilala kaming dalawa ni Cyfrina. Kung tutuusin Friday na ngayon at Tuesday ko siya nakilala, ni pagkatapos ko silang maencounter ni Rex ay ni anino nila hindi ko nakita nung mga nakaraang araw kundi ngayon lang.
Tapos ganito ang ibubungad niya sakin, ang alukin niya ako na sumali sa Newspaper Club na pinamumunuan ni Ms.Jin.
"Ano ng sagot mo? Para masabihan ko narin si Ms.Jin mamaya." Napasandal ako sa railings ng corridor at napaisip.
"Teka lang medyo nakakagulat kasi iyang pagsulpot mo. Saka pwede mo naman ako puntahan mamaya sa Cafeteria, nakita mo naman may klase pa ako." Katwiran ko at tinuro ang katapat naming room.
Tinignan niya lang ako na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya.
"So? Instructors will let us excuse someone dahil myembro kami ng SSG. They know that time is precious to us. Kaya hindi ko rin magagawa ang sinasabi mo na lunch kita puntahan dahil gusto ko rin kumain nang maayos. This is the only time that is available to me kaya pinuntahan na kita dito."
"Imposible." wala nang pag-asang sabi ko.
Alam kong matakaw siyang kumain pero gaano ba katagal iyong ilang minuto lang na kausapin ako sa lunch bago niya gawin iyon. Pero ano bang magagawa ko, nandito na siya eh.
" Gusto kong sumali sa Taekwondo Club." sagot ko.
Hindi makapaniwalang pinasadahan niya ako nang tingin mula paa hanggang ulo. Magkasing tangkad lang naman kami pero alam kong medyo may laman ang katawan niya kaysa sakin.
"Wala akong nabasa sa record mo na nagtataekwondo ka."
"Swimming ang sports ko dati pero nagtraining ako ng taekwondo." Pag-amin ko. Naalala ko kasi, maliban sa pinanlalaban ako sa academics ay sumasali rin ako sa sports competition dati.
Sumali ako sa swimming ng mag Grade 8 ako. Actually si Jay-R talaga ang nakiusap sakin na sumali ako sa sports na iyon.
BINABASA MO ANG
Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)
JugendliteraturLove is LOVE, it CAN'T be EXPLAINED... "Hinding-hindi ako mag kakagusto sa babae dahil lalake ang type ko..." Iyan ang mga salitang binitawan ni Russel Kamenashi matapos makumpirma sa sarili na isa siyang bakla. Ang kaso ang mag karoon ng isang bus...