LRTG CHAPTER 14: ANGELINA MILLER

83 9 1
                                    

ANGEL

"Water I need water!" histerikal na sigaw ni Naomi na biglang umupo sa gilid ko dito sa upuan sa Gym. 

Tagagtag ang pawis nito na kulang nalang mapagkamalan siyang nabasa sa ulan. Agad ko namang kinuha sa gilid ko ang tumbler niya at binuksan bago iabot sa kanya.

Mabilis naman niya iyon kinuha at nilagok. Ilang sandali pa ay inabot niya iyon sa akin pabalik. Saglit kong tinignan ang laman non at nakitang nasa kahalati nalang ang tubig ULIT. Nakailang refill na ba ako nito? Tatlo? Apat? Teka parang kakarefill ko lang nito ah.


"Angel anong mangyayari sa akin kung wala ka rito, mygosh baka matege na ako sa dehydration." Tumingin ako sa kanya at natawa. 

Inabot ko sa kanya ang towel na nasa gilid ko rin. Kinuha niya naman iyon at sinimulang punasan ang pawis niya habang nakatingin sa field. 

Two weeks. 

Two weeks nalang at gaganapin na ang Sports Fest dito sa S.U. 

Nandito kami ngayon sa Gym/Cover court kung saan nagpapractice si Naomi at ibang kasama niya ng Volleyball.

Punong-puno ang Gym ngayon ng mga players katulad ng badminton, volleyball, at may nakikita rin akong mga cheer dancers.

Hay! parang kailan lang noong unang punta ko rito sa S.U ay dito rin ako dumaan para puntahan si Mr.Kamenashi sa office niya kaso ayon nabato ako ng bola.

Naalala ko pa kung gaano kalikot ang mga players non na parang napilitan lang sumali sa club pero sa ngayon na nakikita ko, karamihan sa kanila halatang nagseseryoso na. 


"Wala naman ako rito kung hindi dahil kay Ms.Jin." Pag-amin ko kay Naomi at tumingin sa kanya. 

Nakasuot siya ng sando ngayon at maikling short na uniform ng mga players ng Volleyball. Nakapusod din ang maikli nitong buhok na kahit papano ay nakuha pa ang maliit na hibla ng buhok niya. 

Sumandal siya sa likod ng upuan at tumingin sa camera na nakasabit sa leeg ko. 

"Kompleto na ba iyong shots na pinapakuha sayo ni Ms.Jin sa labas?" tanong niya sakin na tinutukoy ang Soccer team nitong S.U.


Napatango naman ako at tinanggal sa pagkakasabit ng camera sa leeg ko. Saglit na may pinindot ako doon bago lumapit sa kanya at pinakita ang mga kuha ko sa mga players ng Soccer Team.

May mga kuha ako ng field ng Soccer field, group pictures ng mga players na inabot pa ako ng ilang minuto dahil nakailang pose sila sa camera, may ibang shots din na nagwawarm-up sila, at meron din akong kuha na mismong naglalaro na talaga sila sa field.

"No doubt kung bakit ka pinush ni Cyfrina sa maging photographer ng News Paper Club, ang gaganda ng kuha mo!" Natutuwang sabi ni Naomi na proud na proud sakin.


Napatawa naman ako at pinindot ang next sa camera. Sa sumunod na litrato ay biglang napatili nang ipit si Naomi at hinampas ako. Napangiwi ako saglit na napalitan din agad ng ngisi dahil sa reaksyon niya.

"Shems nakuhanan mo talaga siya? Ang gwapo talaga ni Arthur oh. Tignan mo iyong buhok niya grabe parang endorser ng shampoo." tukoy niya sa lalake sa picture na kinunan ko kanina. 

"Sabi ko na nga ba matutuwa ka eh." Nakangiting sabi ko. Sunod-sunod siyang tumango sakin at napahawak sa bandang dibdib niya.

"I love you so much besty, isa kang mabuting kaibigan hahahaha." natawa ako nang itinaas niya ang isang kamay niya kaya tinaas ko rin ang kamay ko at nakipag-apir sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon