"Gimme, gimme (more), gimme (more), gimme, gimme (more)" Swaying my hips while jamming with the song of Britney spears. Hinalo ko ang seasoning sa nilulutong sopas kasama ang aking pagmamahal para sa mga asawa. Ang aga kong nagising kasi gusto ko silang lutuan ng almusal.
Naaawa na nga ako dahil pagod sila sa work pero maagang uuwi para pagsilbihan ako. Ayaw magpapigil tuwing sasawayin ko sila at yayaain para samahan nalang akong magpahinga. Halos sila na ang lahat nang gumagawa kaya minsan pakiramdam ko walang kwenta.
Napatigil ako sa paghalo nang sabay-sabay sumipa ang mga anak naming babae. Ayaw ata nila sa gimme more. Pinalitan ko agad ng kantang Baby One More Time.
"Oh, baby, baby, Oh, baby, baby, Oh, baby, baby, How was I supposed to know-Ay!" Napatili ako nang may pumalo sa aking pwet. Bagong gising na Ptolemy ang bumungad sa akin. Magulo ang buhok, walang damit pang-itaas, kinukusot ang kaniyang mata pero ang isang kamay nito pumipisil sa pisngi ng aking puwetan. Ang galing!
"Morning." Medyo paos ang boses nito. Music to my ears. Hinipat ko ang kaniyang bewang palapit sakin kaya napamulat ito at medyo namula ang dibdib. "Morning too!" I tip toe to kiss his chin. Hanggang doon lang ang kaya ng maliit kong biyas. Saklap.
Yumuko siya para maabot ako. "Ang bango mo." sininghot niya ang buhok ko bago humalik sa aking pisngi. Talaga ba? Hilamos at toothbrush palang ginawa ko tapos diretsong kusina na.
"Gutom ka na ba?" Mahinang tanong ko habang dinadama ang bawat haplos nito sa aking malaking tiyan. "Gutom sayo." Ay naku naman umagang-umaga. Ang aming mga mata ay nagtapo ganun din ang palit naming labi sa isa't-isa.
"Morning!" Masayang sigaw ni Seleucus kaya naudlot ang mainit sanang halikan. Lumapit ito sa akin para ako'y hagkan, parang nalugi ang mukha ni Ptolemy na kumuha na lamang ng malamig na tubig sa despenser. "What are you cooking, Baby?" Sinabi kong sopas, nag tanong pa ito kung nasaan daw ang mga kasambahay at bakit hinahayaan akong magluto mag-isa.
"Huwag niyo silang pagalitan ha. Ako ang nagpumilit magluto rito ng walang tulong nila. Pwedeng tikman niyo kung tama lang ang timpla?" Pinaalalahan ko na agad baka malingat ako saglit tapos sermunan nilang apat ang mga kasama namin sa bahay.
"Ok. Fine." Inabot ko ang mangkok sa dalawa. Hinihintay ang komento sa lasa kung may dapat ba akong baguhin o ano.
Pumikit pa si Seleucus habang humihigop ng sabaw. Por pavor ang bastos ng aking utak.
"Ang sarap mo." Ako rin mismo tumitikim ng aking niluto namasid sa narinig. "magluto." Dugtong niya. Kinuha ko ang inabot ni Azrael na basong tubig. Gising na silang lahat. Agad akong uminom pero parang malulunod naman ata ako sa bawat mainit na titig nila, hindi lang basta simpleng mainit, parang nang-aakit.
Lumayo ako at nagpaypay ng pat holder sa sarili. "Lakasan po ang Aircon, Manang! Ate!" Nakita kong dumaan sa gilid ang mga ito kaya tinawag ko.
Alam ng mga taong nasa mansion kung anong relasyong mayroon kaming lima. Nakasaad sa kontratang nilagdaan nila ang pagtatago nito hanggang sila ay mamatay. If they failed may mabigat ding kapalit.
"Baby." Tumatawang humalik sa aking leeg si Azrael. Tinampal ko nga ang hubad niyang brasong pumulupot sa aking bewang. "Nakakatawa ako?" Sarkastikong anas ko. Nakangiting sinuklay ng mga daliri niya ang aking buhok.
Maingat kong nilagay ng sopas sa limang medium size na bowl. Nakaalalay ang apat sa aking gilid at likuran. Nakaka-alibadbad minsan kasi masikip ang paligid ko at hindi ako masyado maka-galaw. Ang kaso pagwala naman sila hinahanap ko. "Your chocolate milk is ready." Nilapag ni Lysimachus ang inumin ko tuwing umaga. "Thank you." I scrunched my nose while our tips brushed against each other. A quick, soft kiss on the lips.
BINABASA MO ANG
The Sub Rosa [Completed]
RomanceIn the world of lies, can five hearts learn to forgive and forget? If those moments they shared were planned by the wicked minds, then all of it was just an act. They fake it until they make it. They played her hard. But did they really play her, or...
![The Sub Rosa [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/325538442-64-k948706.jpg)