Chapter 25

244 19 9
                                    

Sabunutan sa buhok ang nangyari sa pagitan ng dalawang babaeng kanina pa mainit ang ulo sa isa't isa.

Hindi magkasundo ang mag balaeng si Helga at Thrace. May hindi pa natatapos na hidwaan sa kanilang dalawa kung kaya't napang-abot ang mga ito nang magsisihan sa nangyari.

"I don't like your daughter for my sons! She's not important to find, and it's a damn waste of time!"

Hinawi ni Thrace ang kamay sa kaniyang balikat. Inayos ang magulong buhok.

Kahit pinakasalan ng kaniyang tatlong anak na lalaki ang anak ni Helga. She can't never accept Amastrise as her daughter-in-law. Malay ba nila kung anak ba talaga ng tatlo anak niyang lalaki ang batang dinadala ni Amastrise?

Hindi pa napatunayan, kung bulag ang anak niya, pwes siya hindi!

Walang sabi-sabi kung hindi nakikitaan ng pagkamalandi si Amastrise.

Marami siyang naririnig na hindi maganda sa anak ni Helga. Ang mga katangian na away niya sa isang babae ay taglay nito. Hindi siya nararapat para sa mga anak.

Kung siya lang ang ta-tanungin, kahit huwag nang pakasalan. Sustentuhan na lamang ng mga anak niya at maghanap ng matinong mga babae.

Hindi niya maintindihan kung anong nakita ng kaniyang kambal na panganay sa anak ni Helga na maski ang pangatlong anak ay ginusto ito.

Napakalawak ng mundo at maraming may-aral na kababaihang pwedeng pakasalan pero bakit ito pang Amastrise na anak ni Helga ang napusuan nila.

She's not even worth it. Hindi nakapagtapos, umaasa sa kaniyang mga anak at pamangkin at higit sa lahat manggagamit para lamang malustay ang pera ng kaniyang mga anak.

Hindi marunong mahiya at basta na lamang kung ano-anong binibili hindi naman sariling pera.

Amastrise is not rich kung hindi sa mga magulang nito at lalong hindi independent. Walang ambag sa buhay ng kaniyang mga anak at ngayon buntis, sa triplets na mga babae.

Pagka-panganak talaga nito ipapa-dna test niya ang mga bata dahil mahirap nang mahaluan ng ibang dugo. Swerte naman nito kung ipapaako sa mga anak niya kung hindi naman talaga kanila.

Pilit hinahablot ni Helga at gustong bangasan ang mukha ni Thrace. Sumusobra na ito sa mga sinasabi tungkol sa kaniyang anak na babae.

Balae my ass!

"Shut up, your useless mouth. My daughter is missing, and she's pregnant with your sons! Have some respect for the wife of your sons, you old, pathetic woman."

Bwelta niya sa sobrang inis.

Ang kapal namang sabihin nito na walang halaga ang kaniyang anak. Parang hindi kinikilalang apo ang nasa sinapupunan ni Amastrise.

Wala man lang siyang nakikitang pagmamahal at pagtanggap para sa kanilang mga apo, na anak naman talaga ni Lysimachus at Ptolemy.

Sarado ang utak nito dahil sa galit sa kaniya at sa kaniyang dating asawang si Martin na ngayon ay kinakasama na ng anak nitong si Arsinoe.

Hindi naging lihim sa kaniya ang pagtutol ni Thrace para sa pagpapakasal ng lima. Alam niyang lagi nitong tinatawagan ang tatlong anak na lalaki para kumbinsiheng huwag ituloy.

Sa gaspang ng ugali nito, alam niyang hindi kakayanin ni Amastrise at baka hiwalayan pa nito ang mga asawa. Kung ganito ito sa kaniya, paano pa sa anak niyang babae kung makakasalamuha nito si Thrace?

She must do something.

"Come on, baka naman kasi nanlalaki katulad mo?" Panunuya niya. Kung anong puno ay siyang bunga.

The Sub Rosa [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon