Chapter 23

194 13 4
                                    

Sumimsim ako sa napaka lamig na iced tea. Mom is here for a quick chit chat with me. Galing sa mga kaibigan at naisipang dalawin ang nag-iisa at magandang anak na babae.

Humaba ang usapan na dapat ay saglit na kamustuhan lamang.

Nakalimutan kong tawagan si mom at buti nalang napadaan siya.

Saktong gising ko siya agad ang bumungad sa akin. I had a nap for an hour, natulugan  ko nalang basta ang pinapanood na movie. Sinabihan ako ng aming kasambahay na  buksan ko raw ang aking phone dahil may message ang apat sakin.

They texted me that they'll be late for lunch, ang kaso 3 pm na wala parin ang apat kong asawa.

Kami lang ni mom ang kumain sa niluto kong menudo. Excited pa naman akong pagsilbihan sila sa hapag.

Binaba kong muli ang telepono dahil unattended ang phone ng apat, bagay na aking pinagtataka. Isang ring palang kasi sasagutin na nila agad, pero ngayon...

Ay! Baka masyadong lang talagang busy.

Hinimas ko ang aking tiyan para balikan si mom sa living room. Iniwan ko muna siya saglit para kumuha ng inumin namin. 

"Ito lang po ba, Ma'am? Nauna na pong hinatid ang mga tinapay." Tumango lamang ako. "Susunod na ako. Pakihatid itong wine na gusto ni mom."

Nagtipa ako ng isang mensahe bago finorward sa bawat numero ng mga asawa ko.

[Ingat po sa work hubbies. Pasalubong kong apple pies, ha? I love you four.]

Bumuntong hininga ako para iwaksi ang mga bagay na iniisip kong hindi makakatulong sa akin. I should not worry but I cannot help it. Sguro, sobrang rami ang tinatapos nilang apat na trabaho kaya shutdown ang mga cellphones so they could focus.

I need to stop worrying baka mapaano pa ako. My husbands are just busy at work. Huwag na dapat akong mangulit, hintayin ko nalang sila umuwi.

Nakatalikod si mom habang nakapameywang patalikod sa aking direksyon. She is on her phone talking angrily to someone.

Bagamat hindi malakas ang kaniyang boses, dinig ko ang bawat sinasabi nito dahil sa maluwag ang living room at kaunti lamang ang gamit. Ayaw ko sa maraming abubot sa bahay.

Nasisikipan kasi ako.

"Inutil ka! Kagaya ng mga tauhan mo! You failed me six years ago and until now! Wala ka pang nagagawang tama! I'm always cleaning up the messed you've made. Napaka simple ng inuutos ko pero dahil tanga ka, iba ang ginawa mo." Gulat itong humarap sa akin at agad na pinatayan ang kausap.

Mom was kinda different, I mean sa tanang buhay ko kasama siya hindi nito pinakita ang ganiyang galit na expression. The way she talked was not like her. Soft spoken.. malambing ang mom ko....

Kibit balikat akong umupo. Kuryos man sa kaniyang kausap hinayaan ko nalang si mom. I cared about her and I love Mom. Hindi ko nalang inusisa bakit siya galit, she has her own life now.

Ang tanging pinansin ko lamang ay ang pamu-mutla niya. Tila nakakita ng masamang espiritu sa aking anyo.

"Why do you looked so shock?" Hinati ko sa dalawa ang strawberry croissant. It's delicious, sweet and sour at the same time.

Pasalubong ni Lysimachus ito no'ng galing siya ng Japan. Hindi nga nagpatalo ang tatlo kasi kinabukasan may mga iba't-ibang flavor ng croissant na nakahanda sa dining room.

Hindi ko syempre mauubos baka magka diabetes pa. Tinago ko ang tig dalawa sa bawat Isa sa kanila. The rest binigay namin sa mga tauhan at kasambahay.

"I'm not. Investments really gave me problems and headaches." Tumabi siya sa akin. Okay? Sobra naman ata ang pagpapawis ni Mom. The whole living room was air-conditioned, pinalakasan ko nga kaninang umaga. It's a summer season and I'm wearing leotard prints maternity dress.

The Sub Rosa [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon