[Bonus Chapter]

3.2K 53 0
                                    

[Bonus Chapter]

Mel's POV

Three years ago na rin simula nung ikasal kami. Marami rin ang mga naging pagbabago sa mga bagay na nasa paligid. Ngayon ay nandito ako sa Korea at nagbabakasyon kasama ang maga-ama ko.

Ang bait ni God. Kasi binigyan niya ako ng perfect life. Hindi perpektong perpekto pero para saakin ay perfect na rin. Kahit na binigyan niya ako ng mga magulang na may pagkukulang, hindi naman siya nagkulang sa pagbigay saakin ng asawang mapagmahal at mapagkumbaba. Plus! Mga anak na mababait at masunurin. Hindi tulad ko na parang alien at may sariling mundo!

"Mel.." sabi ni Nic na nasa tabi ko. Nakahiga kami dahil maaga pa. Hinigpitan niya ang yakap at ibinaon niya ang ulo sa leeg ko. Nakikiliti parin ako hihihi dahil na rin siguro sa stubbles niya.

Humarap ako sakanya at hinawakan ang noo niya..ang ilong niya..at ang labi niya kaya kinagat niya ang hintuturo ko.

"Aray" sabi ko habang hinihimas-himas ang daliri ko. Ngayon naman ay dinikit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Nic, bangon na tayo? Baka naghihintay na si Leahn?"

"Mamaya na."

"Anong oras na? Tara na." Sabi ko. Ngayon kasi ay magkikita kami ni Leahn dahil ipapasyal na pa kami dito. Ang mga bata ay tulog pa ata. Sinubukan kong bumangon pero hinila niya lang ulit ako pabalik.

"Diyan ka lang." nakapikit na sabi niya. Bigla ko siyang hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan ang labi niya saka binilisang umalis sa kama. Ha! Pagtingin ko sakanya ay tumatawa-tawa pa siya. Sira ulo to ah haha.

"Hello Mel? Nasan na kayo?"

"Malapit na ikaw?"

"Nandito na sige hihintayin ko kayo."

"Sige babye." sabi ko at cinall end na.

"Si Leahn?"sabi niya at tumango ako. Pagbaba namin ay wala si Leahn dun. Sa cafe daw kasi kami magkita pero wala naman siya, pero si Tanya ay nandun.

"Mel?" Sabi niya. Pareho kaming nagulat ni Nic. Ngayon ay hindi na ako galit sakanya. Antagal na rin naman kasi nun saka mga bata pa ang isip namin nun. Si Nic ay nakayukom ang palad. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Tanya?"

"Mel sorry. Sorry. Sorry." Sabi niya at nagsimula nang umiyak at humawak saakin.

"Mel sorry sa mga nagawa ko. Alam mo bang hindi ko mapatawad ang sarili ko simula nung nangyari yun? Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo nun." Umiiyak siya kaya naiyak na rin ako nun. Bakit ba minsan mabilis ako maiyak at madala?

"Minsan tuwing maiisip ko na pano kung nawala nga yung baby mo, hindi ako pinapatulog ng konsensya ko nun. Gabi-gabi yun ang nasa isip ko."

"Nung kasal ni Leahn, nakita kita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya umakto na lang na parang hindi kita kakilala."

"Nung kasal mo dapat kakausapin kita bago ka humarap sa altar. Kaso naisip ko na baka makasama lang ako dun."

"Sabi ni Leahn magpapaKorea ka daw para magbakasyon. Kaya sinabi ko agad sakanya na gusto kong makipagkita sayo. Sorry talaga." Matagal din bago ako nakaimik.

"Okay lang. Matagal na kitang napatawad." sabi ko at ngumiti. Niyakap niya naman ako at niyakap ko rin siya. Pagkatapos nun ay humarap din siya kay Nic.

"Nic, sana rin ay napatawad mo na ako." Sabi ni Tanya. Matapang ang mata ni Nic pero kalaunan ay ngumiti rin.

Pagkatapos ng madramang tagpo ay dumating na rin si Leahn. Sabay kaming pumasyal at lumibot sa Korea. Ang saya ko. Kasi sa wakas naayos na rin namin ang dapat ayusin. Yun ay dahil kay God kaya nagpapasalamat ako ng marami sakanya.

Kinabukasan ay bumyahe kami papuntang Jeju. Buong araw ay nasa Beach lang kami kasama ang mga bata na masayang naliligo. Ako rin ay naligo pero umahon din agad. Iba na talaga kapag may anak ka na. Imbis na pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo ay hindi na, dahil mas importante ang ikasasaya ng mga anak mo. Si Micci naman ay maingat na binabantayan ang kapatid niya.

"Nic!!!! Ibaba mo ako!! Ahh" at hinulog niya ako sa may dagat. Urrgh! Binasa ko siya ng binasa. Kasama ang mga alon ay masaya kaming nagkulitan ng maga-ama ko. Gumawa kami ng sand castle at pinicturan pa. Nang mapagod ay umahon na kami. Maggagabi na rin kaya pumasyal lang kami saglit at nagdinner na. Pagkatapos ay pinatulog ko na ang mga bata.

"Mel.."

"Po?"

"Tulog na ba sila?"sinilip ko muna ang mata nila.

"Oo na. Bakit?"

"Tara." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Madilim ang dinaanan namin kaya di ko masyadong makita. Papunta pala kami sa pampang sa may lighthouse.

"Anong gagawin natin dito?" Natatawang sabi ko.

"Wala. Maguusap?"

"At ano naman ang paguusapan natin? Ha?"

"Maupo ka nga dito." Sabi niya at tumabi kami sakanya. Nakaupo kami sa bato.

"Ano bang problema mo?" Natatawang sabi ko.

"Wala."

"Tss. Ano nga? Haha."

"Namiss kita." Sabi niya at yumakap. Ang init niya! Bagay na bagay lalo na't malamig ang simoy ng hangin.

"Namiss? E magkasama na tayo."

"Hindi ba pwedeng namimiss parin kita kahit ganun?"sabi niya at hinalikan ang noo ako. Ako naman ay tumingin sa langit.

"Pwede. Kasi namimiss din kita e." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap saakin.

"Bakit ganun Mel? Mahal na mahal kita."

"Bakit akong tinatanong mo?" Natatawang sabi ko. Bakit ba ako natatawa? Pfft.

"Kasi kasalanan mo to. Nababaliw ako sayo." Magasawa na kami pero nakakakilig pa din huhuhu. Nababaliw daw siya

"Ako din. Mahal na mahal din kita."kiniss ko naman ang cheeks niya.

"Forever?" Sabi niya at nilabas ang pinky niya.

"Forever."


-----

Hello guys! Long time no watty ako hehe. Thank you for reading and supporting and commenting and voting haha. <3<3

Fight for this Love COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon