[35] Save the last dance
Nakapili na ako ng susuotin ko para sa Seniors' Night. Si Ley kasi di ako tinatantanan. Kilala nyo ba si Ley? Si Leahn. Shortcut.wew.hehe
Nag-absent na kami ngayong umaga. Sa isang five star hotel na hindi ko sasabihin kung saan gaganapin ang ball. Kinakabahan nga ako sa tuwing maiisip ko yun eh. Ano kayang mangyayari mamaya? Magiging first and last dance ko kaya sya? Naku naman......
*cling-cling-cling.cling-c-cling-cling-cling!**
Sinagot ko agad yung phone. Si Ley.
'Hi Ley!'
'uy! Ano na? Nagpaayos ka na ba?'
'OA mo ha! 1 pa lang oh!'
'Eh anong oras ba ang ball? Ediba 5:30 dapat naandun na?'
'ang aga pa kaya! saka six naman ang talagang simula eh.'
'Maaga ka jan! Magpaayos ka na! Baka malate ka!'
'osige sige.HAHA. babye!'
'babye!' sabi nya at ibinaba na. Wew. Ang aga pa diba? Pero kunsabagay...actually, masquerade ang ball na ito so hindi ako magpapasundo kay Nic. Tradition kasi ito ng school. Kaya dapat, mahulaan ni Nic kung asan o sino ako. HAHA. Ang ipinagtataka ko pa nga eh. Bakit kailangan pang mag-make up eh matatakpan lang naman? Pero kunsabagay. Tatanggalin rin naman namin ang mask kapag 11:11 na. Ewan ko kung bakit? Meron din palang awarding. Pero dahil nga di nila marerecognize ang mga mukha namin eh gagamit na lang daw kami ng number para idikit sa gilid ng damit. Naligo na ako at nagbihis saka nagsuklay. Kumain ulit ako at nagsipilyo para ayos na. Si papa ang magahatid saakin dun. Nirequest ko eh. Hehe. Sakto pagkatapos ko, nandito na rin ang mga magme-make up saakin na may dala-dalang make-up kit.
Sinimulan na nila akong make-upan. Sabi ko wag masyadong makapal yung light lang. Sila na daw bahala saakin. Magrelax lang daw ako.HAHA. 4:00 nang matapos ang make-up session at hairdo nang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Gandang-ganda kasi ako.HAHA. Bagay nga talaga saakin ang make-up.
"Naku Mel! Manang-mana ka talaga saakin!" sabi nya na tuwang-tuwa. Nginitian ko lang sya. HAHA. Natutuwa rin kasi ako ngayon.
Umakyat na ako sa taas para magbihis kaya lang nang susuotin ko na, ba't parang sumikip at di ko masara? Naku lagot na! Bumaba ako at hinanap si mama. Nadatnan ko sya kasama yung mga nag-make up saakin sa kusina na kumakain ng meryenda kaya biglang umatake ang katakawan ko at sumubo ng pagkain gamit ang tinidor ng mama ko.
"O anak bakit di ka pa magbihis?" napatigil ako sa pagkain at tumingin sakanya saka tumayo.
"Eh ma! Hindi na saakin nagkakasya yung gown!"
"Ano?! Sira ka! Bakit ka kasi kumain ng kumain ngayon? Anglaki tuloy ng tyan mo! Tara nga!" sabi nya at umakyat sa kwarto ko. Sumunod din yung dalwang make up crew. At ayun nga. Ipinagpilitan nilang tatlo na masara yung damit at thank God!! Nasara din! Ang fit naman kasi nitong damit na to eh! Buti lang napaliit yung tyan ko. Huehue. Isinuot ko na rin ang pumps ko at 5:20 nang dumating si papa. Nagpaalam na ako kay mama at sumakay na sa kotse dala ang purse ko at maskara ko. Wew. Pinagpapawisan ako eh. Haha. Magsi-six na nang makarating kami. Traffic rin kasi eh. Buti nga hindi pa nagsisimula. Nakita ko rin sa parking lot ang BMW nya. Sure ako nandito na yun. Bigla akong kinilig lalo na't Valentines pa naman ngayon! Wew.
Ihinatid ako ni papa hanggang lobby ng hotel at ako lang na ang mag-isa na pumunta sa main venue. Isinuot ko narin ang mask ko habang nasa elevator ako. May mga ilan akong nakasabay dun. Di sila nagsasalita. Ayaw siguro mabuko kung sino sila. HAHAHA Wew. Pagkaakyat ako, parang malalaglag ang panga ko. Ang laki. Perfect! Ang sosyal! Marami na rin ang nandun. Di ko nga lang marecognize kung sino-sino sila kasi nga nakamask kami. Ang enggrande ng decorations sa venue! HInahagilap ng mata ko si Nic nang may pumalo sa pw3t ko.
BINABASA MO ANG
Fight for this Love COMPLETED
Ficção AdolescenteI never thought that it would be like this. But what can I do? I'm just a young lady madly inlove. And now desperate to take the risk and FIGHT FOR THIS LOVE.