[38] Ano sa tingin nyo?...

1.8K 29 3
                                    

[38] Ano sa tingin  nyo?...

Naging mabilis ang pagdaan ng araw. At ngayon ay napakasaya ko dahil....tenenen!! Debut ko  na. May 20!! At guess kung sino ang escort ko? Sino pa ba? HAHA. Mabuti nga pinagbigyan sya ng parents nya. Kaya lang naiisip ko, ito na ata ang last fantasy? Kasi  nga sa September ay ikakasal na sya? Nakakalungkot. Pero susulpot nanaman yung kilig sa tuwing naiisip ko na may nangyari na saamin.

At alam nyo ba na naulit pa yun? Hanggang sa naulit ng ulit. [wag gagayahin] Nagrea-ready na ako para mamaya. Kinakabahan na nga ako e. T_T

"Mel!! Tara naaa!"-Leahn

"Oo. oo. wait lang."

"Anung wait ka jan? 6 na o!"-Ailee

"Osige na nga. Bababa na."sabi ko at lumabas na silang dalwa. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng room. Sa baba ay may hagdang mahaba at si Nic ay naghihintay sa baba. Ang gwapo nya sa White nyang suit na may pink na necktie. Pink kasi ang motif ko. Parang kasal lang! Ako naman ay naka-pink na gown na pamprinsesa pero di naman katulad kina Snow white o sa kaninumang Prinsesa sa Disney.

Nagsalita na ang emcee na bababa na raw ang debutant which means... ako! Dahan-dahan akong naglakad pababa. Iniangat ko ng kaunti yung damit para wag kong matapakan. Tumingin naman ako sa harap. Lahat ng tao, nakangiti kaya't mas lalong lumawang ang guhit sa mga labi ko.

Tumingin ulit ako sa lalakeng pinapangarap kong maging akin panghabang buhay. Feeling ko, kami na lang ang tao dito sa lugar na ito. Na parang wala ng iba.

"You're so beautiful."sabi nya bago hawakan ang kamay ko. Uminit naman yung mukha ko dun. Kahit may nangyari na saamin, nahihiya parin ako ng kaunti. Di naman ako ganito dati ah?

"Thanks."sabi ko at naglakad na kaming mabagal. Lumapit kami sa mga taong malalapit saakin. Kina mama, papa, pati na rin yung dalwa kong kapatid sa ama. Remember Ralph? and si Mirco. Mga kuya ko sila. HAHA. Ang g-gwapo. Pinuntahan din namin ang mga barkada namin both highschool and college. Nagsimula na ang mga ritwal ng may debut. Nag-opening prayer muna. Nauna ang 18 candles, gifts, shots, at anu pang achuchuchu. Sunod na yung 18 roses <3.

Sinimulan patugtugin ang kanta. Isang lumang kanta na if I am not mistaken ay Queen of My Heart ang title. Ang ganda nyang pakinggan. Binigyan ako ni papa ng pink rose kiniss sa noo saka sinimulang isayaw. Sinadya talagang pink iyan. Alam nyo naman ako. HAHA.

"Mel. Forgive me for not being a complete father to you. I know you understand." sabi nya.

"Opo." naiintindihan ko na. Ang tanga ko naman noon. Magrebelde daw ba? Naiintindihan ko na na hindi natin kailangan magrebelde dahil sa mga magulang natin. Kailangan lang natin sila unawain tulad ng pagunawa nila saatin. Dapat tumanaw tayo ng napakalaking utang na loob sakanila sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga buhay natin. Wala rin silang ibang hangad kung hindi ang nakabubuti saatin. Wala namang magulang ang gustong mapasama ang anak nila e. Sadyang mahirap intindihin pero kailangan.

Nagkwentuhan lang kami ni Papa hanggang sa lumapit na ang susunod na magsasayaw saakin. Si Ralph. Sunod si Mirco. Syempre kahit kailan lang kami nag-meet, kapatid ko parin sila. Sunod ang 5 kong pinsan. Sunod si Stephen, na ex ko dahil trip ko. Sunod si Gab AKA Gabriella,  si Kean AKA Kiana, at si Chan AKA Chandara. Mga baklaaaaa kong kaklase ngayong college. Hello? Fashion designing ang course ko. HAHA. Bihira ang lalake dun saka hindi na rin naman ako nakikipagkaibigan sa kahit sinong lalake no. . Sunod si Gerald. Matagal na kaming bati kasi nagsisisi na sya sa kachildish-an nya. Buti naman! Sumunod si Elijah na baklita. Ika-15th si Louis, tapos Patrick, 17th si Mico at 18th si Nic.

NP: Almost is Never Enough

I'd like to say we gave it a try

I'd like to blame it all alive.

Fight for this Love COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon