[10] Red Allert
Kyaaa!! Hanggang kalian ba ako mamalasin. Yung totoo lang ha.. Kasi naman. Sa dinami-dami ng number and days sa month why now?? Ba't ngayon pa ako nagkaron?!! Haay. Yellow pa naman ang aming uniform..vSabihin nyo sakin anong gagawin ko?
Eh kung wag na kaya ako dito lumabas? Tutal di naman kami ngayon pinapapasok ni ma’am sa class nya eh.
WRONG IDEA. XP tanga ko talaga.
Eh kung umuwi ako ng ganito??
A big no no no!! tagos eh. Hiya-hiya rin pag may time.
Haaaay. No choice. Wala akong ibang maisip kundi sabihin sakanya. Baka may maisip syang idea.
“Nic…” binuksan ko ng kaunti yung pinto.
“Tapos ka na ba?"
Para na ako ditong natatae yung mukha ko. Pisti kasiii.
“Ano kasi—“ sabi ko ng pinutol nya. “Basang-basa ka? Naalala ko may PE uniform pala ako sa locker ko tara kunin natin.” Sabi nya… para naman akong tanga na nagliwanag yung mukha from natataeng reaction.
“Talaga? “
“oo meron. Sige kunin ko muna” sabi nya saka umalis. After ilang minutes ay bumalik na rin sya. Ni-lock ko na rin yung pinto at naghugas ng legs ng maalala ko na meron pala ko. Now, the big question is.. SAAN AKO NGAYON KUKUHA NG PADS? Wala pa naman akong extra sa bag. Hay. Kung minsan ay nagtataka ako.. babae ba talaga ako? Ba't di ko man lang inisip ang mga pagkakataong ganito?? Hay. Binuksan ko ng kaunti yung pinto para kausapin sya.
“tapos ka na?” sabi nya.
“ano kasi…”
“Ano?”
“Meron ako ngayon.”
“Haaay. Bakit ba kasi ngayon pa.. Sige na nga. Sandali lang.” Sabi nya sabay gulo ng buhok ko at tumakbo papuntang store katabi ng cafeteria.
Nic’s POV
“Ate pabili nga po ng napkin. “ sabi ko.. Bakit parang natawa sya? Di bale na nga.
“Anong brand?” tanong nya na parang nagpipigil ng tawa. Seriously? Anong nakakatawa? Haaaaay. Naku naman ate. As if naman na may alam ako tungkol sa brand brand na mga yan e lalake ako diba?
“Kahit ano na lang po.”
“Meron po kami ditong modess, whisper, sisters, at spirit. Ano po ba?” sabi nya.
“Whisper na lang po ate.” Yun na lang ang sinabi ko. Napanood ko kasi yun sa tv e.
“Ilan po ba?” sabi nya.. may tingi pala nun? Kala ko kasi by pack lang.
“Isang pack na lang po ate saka po kung pwede pakibilisan.” Sabi ko. Inabot nya sakin yung isang supot ng napkin saka ko inabot yung 100 pesos na bayad at tumakbo papuntang cr. Keep the change na. Baka kasi 90 pesos ang price sakanya na lang yung ten. Magkano ba? Haaaay. Nevermind. Pinuntahan ko na sya sa cr at inabot sakanya yung pack. Pagkatapos ng ilang minutes ay lumabas na rin sya.
“Okay ka na ba?” tanong ko at tumango naman sya. Maglulunch break na pala kaya niyaya ko na syang pumunta sa cafeteria para kumain. Pagdating naming dun kami palang yung student dun. O diba may benefit yung pagpapalabas samin?
“Anong gusto mo kainin?” tanong ko sakanya. Kahit ano na lang daw kaya naman pareho na lang nung akin yung inorder ko sakanya. Pumunta na kami dun sa dulong table. Malambot kasi ang mga upuan dun kya maganda dun. Nagsimula na kaming kumain ng walang imikan. Medyo naging awkward yung athmosphere kaya nagsimula na ako ng topic.
BINABASA MO ANG
Fight for this Love COMPLETED
Teen FictionI never thought that it would be like this. But what can I do? I'm just a young lady madly inlove. And now desperate to take the risk and FIGHT FOR THIS LOVE.