[8] Sweet Dream
Pagkapasok ko ng classroom...
Si Nic may katabing bulaklak at chocolates at may hawak na gitara. Pumasok na ko sa loob at nilagay ko ang bag ko sa upuan ko at tumugtog sya.
Nasayo na ang lahat.
Minamahal kitang tapat.
Nasayo na ang lahat
pati ang puso koooo.
Oooooh. Nanasayo na ang lahat.
Oooooh. Nanasayo na ang lahat.
Nasayo na ang lahat..~~
At ako naman.. eto.. kilig na kilig habang kinakantahan nya ako ng baduy na kanta ni Daniel. Pero.. mali ka Nic.. kasi wala pa saakin ang lahat. Wala akong utak! HAHAHA.
"Elisa, will you be my girlfriend AGAIN?" sabi nya habang inaabot sakin yung flowers and chocolates. Ano, sasagutin ko na ba??
"Anak! Bumangon kana malelate ka na!"
BADTRIP KA MAMA!!!!
Ayun na eh. Sasagutin ko na lang tapos... tapos.... tsk. Epic fail. XP saka isa pa, panaginip lang?! anong shet to?
"Melisa bumangon ka na nga dyan!" sabi ni mama
"oo na! babangon na po!" sabi ko at naligo na saka nagbihis. Pumunta na rin ako ng school. Naglalakad ako ngayon papuntang classroom para pumasok.. Buti nga di pa ako late.. Pumasok na ko ng classroom at sakto ay nagbell na. Nilatag ko na yung shoulder bag ko at lumabas na kaming lahat para pumunta sa quadrangle para sa flag ceremony. Pagkatapos ay bumalik na kami ng classroom ng haggard na haggard _._
Naguusap lang kami ni Nic at hindi namin namalayan na nandiyan na si Mrs Baraquel kaya sinaway niya kami.
"Mr. Santiago and Ms. Reyes, would you like to share to us what you two are doing?"
"Sorry ma'am" sabi namin.. Nakita kong may sinulat sya sa notebook nya.
"Elisa, siguro lupa ka.." sulat nya sa notebook.
"bakit naman?" sagot ko sa papel
"Kasi ulan ako. Kahit anong gawin ko sayo parin ako nahuhulog" sulat nya rin sa notebook. Wew. HAHAHA
"Eh ikaw, mais ka ba? Ang korni-korni mo kase!" sulat ko at nagtawanan kami.
"Class, ig-group ko kayo by pair. Seatmates nyo na lang ang pair nyo gaggawa kayo ng dessert. Sa next meeting tayo magluluto so it will be on Friday kaya marami pa kayong time para mamili. Now I'll give you time to discuss it with your partner." sabi ni ma'am. Naalala kong TLE pala namin ngayon? HAHA
"Ano Nic, kailan tayo bibili?" tanong ko sakanya. Magkaharap ang upuan namin ngayon para makapag-usap kami ng maayos.
“Elisa peanut ka ba?” banat niya nanaman.
“HAHA. Sira ka mamaya na yan.”
“Dali naa.” Ang kuliiit
“Osige na bakit?” sabi ko habang umiinom ng tubig.
“Kasi PEANUT-tibok mo ang puso ko. BOOM.” Muntik ko nangmaibuga yung iniinom ko. PSHH wew. HAHHAHAH
“Uy okay ka lang?”
“Oo okay lang ako. Ano, kalian??”
"Siguro sa Thursday na lang. Tutal half day lang naman tayo diba?" sabi nya.
"Mmm. Sige. Ano nga pala yung dessert?"
"Snow cone." sabi nya.
“Ang dali naman nun?”
BINABASA MO ANG
Fight for this Love COMPLETED
Teen FictionI never thought that it would be like this. But what can I do? I'm just a young lady madly inlove. And now desperate to take the risk and FIGHT FOR THIS LOVE.