[49] The Proposal (M-Day P.2)

1.9K 33 9
                                    

[49] The Proposal (M-Day P.2)

Nic's POV

Matagal kong pinag-planuhan ang gagawin ko ngayong kaarawan niya at ngayon ay naghahanda ako. Hindi na ako nagdalawang isip pa kung sigurado na nga ba ako o hindi pa.. Dahil ang laman ng utak at puso ko ay nagkakaisa. Bago pa man dumating ang araw na ito ay pahirapan na na makuha ko ang basbas ng tatay niya para dito. Hinarana ko pa nga yun para dito e!

"O, guys. Kayo muna bahala ng mga nangyayari sa party ah? Maya-maya rin ay darating rin ako. Bibilhin ko lang ay kailangan kong bilhin. Tatawag na lang ako." sabi ko sa mga barkada ko na kasabwat ko.

"Oo naman, pre. Kami na bahala. Mag-ingat ka lang ha." ani ni Mico.

"Oo, basta. Ge, una na 'ko." sabi ko at lumayas na. Nagdrive ako at naghanap ng magandang jewelry shop. Alam nyo na siguro readers kung ano, ano? Oo, tama kayo ng hinala. Magp-propose ako sakanya ngayon birthday niya. Shhh. 'Wag nyo muna sabihin. I'm planning to surprise her syempre. Tumigil ako sa SM Town Jewelry Shop at pumasok doon ako naghanap ng magandang singsing na babagay sakanya. Alam ko ang size niya dahil nagbigay na ako sakanya ng singsing noon, naalala nyo?

Lahat magaganda pero wala akong mapili kaya nilibot ko muna ang mata at sakto ay naattract ako sa isang singsing doon. Silver siya at may diamond na hugis puso. Ewan ko ba pero pagdating sa mga singsing ay naaattract ako palagi sa hugis puso.

"Miss, pwede ko bang makita ito?" turo ko dun sa saleslady at pinakita niya naman. Sinuri ko muna ito ng maigi bago ko napagdesisyunang kunin na ito. Wala akong pakialam kung ano man ang halaga ng singsing na iyon basta't para sa babaeng mahal ko ay papatusin ko.

"Ito na po Sir."

"Thank you." sabi ko at kinuha na yung paperbag at lumabas na. Paglabas ako ay gabi na pala. Tanda ko ay pumasok ako dun ng alas singko at ngayon ay madilim na. 6:30 na. Halos isa't kalahating oras din pala ako dun? Dumaan muna ako sa Flower shop para bumili ng boquet ng white and red roses. Alas siete nang makapunta na ako ng venue. Ginawa kong excuse kay Mel ang trabaho ko para maka-kuha ng tiempo. Tinawagan ko muna sina Mico bago pumasok.

"O ano bro? Nandiyan ka na?"

"Oo. Ayusin mo na yung plano."

"Okay pumunta ka sa cottage sa likod ng bush malapit sa pool. Nandito kami."

"Teka, hindi ba kayo jan nakikita?"

"Hindi. Punta ka na."

"Osige." pumunta na ako agad dun at inayos ang mga dapat ayusin. Umalis muna si Patrick para patayin ang fuse nitong lugar at sina Mico at Louis naman ay kinidnap muna si Elisa para dalhin sa may ministage habang ako naman ay parang tangang kinakabahan. Hoooo. Puro hingang-malalim at buntong hininga ako ngayon dahil sa di maipaliwanag na kaba. Si Andrei ay siyang bahala sa spotlight para saakin. Ipinaayos rin nila na yung video presentation.

"Ahhh." nagsitilian ang iba nang magsara lahat ng ilaw. Maya-maya rin ay umilaw na at nagsimula na ang kanta. Hawak ko ngayon ang mic at boquet. Inilagay ko naman sa bulsa ko ang maliit na box ng singsing.

NP: Moving Closer

(PLEASE PLAY. :)--->

*instrumental music*

Kinakabahan na talaga ako. Wala pa yung spotlight at nagsimula na ang music kaya kumanta na ako kahit hindi pa nagpapakita.

When you smile, everything's in place

I've waited so long, can make no mistake~

All I am reaching out to you

I can't be scared, got to make a move

Fight for this Love COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon