[39] Final Confimation

1.9K 33 3
                                    

[39] Final Confimation

Pinagpapawisan ako ng malagkit,iniinitan kahit napakalamig. Feeling ko rin bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang kaba at hindi rin ako makahinga. Nagyon ko na kasi malalaman kung totoo nga ba o hindi. Kung totoo ba na buntis ako o hindi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot kapag totoo nga. At kung saka-sakali man, tanggap kaya ni Nic? Papanagutan nya ba ako? O iiwan nya rin ako kagaya ng iba? Nababaliw ako sa tuwing maiisip ko iyon. Naandito kami ngayong tatlo nina Leahn at Ailee sa Obgyne para i-confirm. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto kong mangyari. Sobrang naguguluhan pa ako.

"Leahn. Ailee. Kinakabahan na talaga ako." sabi ko

"Relax Mel! Think positive!" sabi ni Leahn.

"Tungags! Anong think positive ka jan?! Eh di chugi tong kaibigan natin kapag nagkataon!" sabi ni Ailee

"Ay oo nga. Sorry. Think negative!!" -Leahn

"Ewan ko sayo gaga."-Ailee. Pumakawala na lang ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Reyes." tawag saakin nung nurse.

Ayoko sanang tumayo dahil ayoko pang malaman ang magiging resulta kaya lang kailangan kaya tumayo na rin ako. Lumakad kami papunta sa loob ng pinto kung saan naroroon ang doctor.

"Melissa Reyes?" bungad ulit saakin ni doc. Kanina kasi ako nagpacheck at halos ilang minuto rin kaming nagintay sa labas.

"Doc, ano ho ba ang re-resulta?" utal kong tanong. Hindi na talaga ako makahinga sa sobrang kaba.

"Actually, hindi ko alam kung magiging good or bad news ba ito para sayo pero congrats! 1 month ka nang buntis!" masayang sabi nya. For once, tumigil ang mundo ko at ang pagtibok ng puso ko. Mixed emotions ako. Magkahalong saya, lungkot, takot at ewan!! Saya dahil alam kong kay Nic itong dinadala ko at nagbunga ang pagmamahalan namin. Lungkot dahil sa murang edad, ito ang p-problemahin ko. AT TAKOT. Takot na baka kapagnalaman nya na ito, iiwan nya na lang ako sa ere. Takot na baka hindi ko kaya ang mabigat na responsibilidad na kakaharapin ko. Ibinigay saakin ni doc ang isang envelope saka ako lumabas. Nakita ko na nagaabang sina Ailee sa labas.

"Oh ano girl?" sabi ni Leahn.

"P-positive!!"sabi ko at napayakap sakanilang dalwa at humagulhol.

"Shhhh. Kaya mo yan." sabi ni Ailee

"Andito lang kami para sayo gurl! Wag ka ng umiyak. Nakakasama yan sa baby." sabi ni Leahn. Somewhat, medyo napatahan ako dun. Nakakasama pala sa baby yun. Nung mahimasmasan na ako, umupo kami sandali at nag-usap.

"So pano mo to sasabihin kay Nic?" -Leahn

"At sa magulang mo?" sabi ni Ailee.

"s-sa totoo lang, tanggap ko ang sermon na aabutin ko mula kina mama. Wala na rin naman silang magagawa kasi andito na e. P-pero kay Nic, wala akong kasiguraduhan." napaiyak nanaman ako.

"Shh! Mamaya ka na nga umiyak! It won't help." seryosong sabi ni Ailee. Tama sya. It won't help.  Pero bakit feeling ko, ito lang ang kaya kong gawin ngayon??

"Tara na kay Nic." tumayo si Ailee at naglahad ng kamay saamin ni Leahn.

"As in now na?" Leahn

"Ano pa nga ba? Aba tara na!" Ailee

"P-pero papano kung..."

"Papano kung ano? Kung iwan ka nya at di tanggapin yan?" straightfrorward na sabi ni Ailee sabay nguso sa tyan ko. Masakit marinig yun.  "Babangasan ko ang mukha nya humanda sya! And besides, ginawa nya yan. Ginawa nyo yan. So you must face your consequences. Isn't it?" dugtong nya. Tama sya.

Fight for this Love COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon