Prologue

504 88 104
                                    

#EATPPrologue


Nakabasa or nakapanood na ba kayo ng Storyang Fantasy na ang mga Characters sa kwento ay may ibat-ibang nilalang tulad ng Vampires, Werewolves, Fairies, Witch o kahit ano pa man yan na may kanya-kanya din silang mahika o elemento o magic. Dahil sa kwentong mababasa niyo ngayon ay may ibat-ibang nilalang ang makikilala niyo na may sari-sariling mahika. Hindi ito katulad sa ibang kwento na MAGIC lang ang kapangyarihan nila o dikaya naman ay simpleng bampira na sumisipsip lang ng dugo ng kanilang nabibiktima.

Obsessed talaga ako sa mga Anime(Otaku na ko kumbaga) na may mga Magic thingly, manuod ng Vampire Diaries, anything about Vampires at duon ko nga hinango ang ideya ko para gawin ang storyang ito.

Prologue :

Alam natin na ang 'MAGIC' ay hindi nag-eexist sa mundong ginagalawan ng tao. Dahil para sakanila, demonyo ang makakagawa lang nito. Ngunit may isa pang mundo ang umiikot kasabay ng mundo ng tao, ito ay ang Enchanted Ace. Ang Mahika ay totoo sa mundong ito, hindi lang mahika kundi mayroon ding mga ibat-ibang nilalang ang nakatira at walang sinumang tao ang pwedeng makaapak sa mundong 'to dahil pwede silang mamatay kapag nalaman nilang isa kang tao na napadpad lamang sa mundo nila.

Hindi alam ng mga tao na may kakambal ang mundong 'Earth' na ginagalawan nila. Ang dalawang mundong ito ay para bang hindi na kailanman mapaghihiwalay.

Nabuo ang Enchanted Ace dahil kay Aether na siyang tinatawag nilang 'The Creator'. Siya ang lumikha sa lahat ng mga bagay, mga puno at halaman, dagat at liwanag ng Enchanted Ace. At pagkatapos ay nilikha niya si EHVA, ang unang angel na nilikha niya at binigyan niya ito ng apat na makapangyarihang SUSI upang pangalagaan ang buong Enchanted Ace. At ang huli niyang nilikha ay ang mga nilalang na may kanya-kanya nang mahika. Nilikha niya ang mga ito upang may manirahan ng payapa at aalaga sa mundong nilikha niya.

Ilang daang taon na ang lumipas ay payapa ngang nanirahan ang mga ibat-ibang nilalang dito. Ngunit wala pang nakakakita kay Aether na lumikha sa mundo nila kaya ang napakagandang anghel na si Ehva ang siyang nagpapatunay na totoo si Aether na lumikha ng lahat. Pero ang iba'y hindi sila naniniwala dito dahil isa lamang itong haka-haka.

Sa pagdaan ng panahon naging payapa ang naging buhay ni Ehva malayo sa mga nilalang ng Enchanted Ace. Hindi payapa ang kanyang buhay kung malapit siya sa mga nilalang na gustong makuha sakanya ang apat na Susi na pinagkaloob sakanya ni Aether.

Gusto nila makuha ang mga apat na susing makapangyarihan na pagmamay-ari ni Ehva dahil may taglay ang mga ito na gawin ang gusto mo at may kanya-kanya din itong elemento. At kapag ito'y napasakamay na ng mga masasamang nilalang, ito na ang dahilan upang hindi na magiging payapa pa ang mundo ng Enchanted Ace at pwede nilang wasakin ang lahat. Kaya din nitong gawing kadiliman ang buong mundo.

Ang unang susi ay ang 'KEY OF LIFE'. May kapangyarihan itong magpabuhay ng patay. Pwede niya itong habaan o iklian ang buhay ng isang nilalang. Kahit na anong tungkol sa buhay ay kaya nitong kontrolin. Madaming may gustong makuha ang susi na ito dahil kahit na ang pinakamasamang nilalang ay mabubuhay nito.

Ang pangalawa ay ang 'KEY OF LIGHT'. Ito naman ay may kakayahan na magbigay ng liwanag sa kadiliman ng buhay ng kahit na sinoman. Kaya nitong kontrolin lahat ng liwanag.

Ang pangatlo ay ang 'KEY OF LOVE'. Punong puno ito ng pagmamahal, kaya nitong kontrolin ang nararamdaman ng isang nilalang.

At ang huli ay ang 'KEY OF DARKNESS'. Hindi ito dapat mapunta sa masamang nilalang dahil mas dodoble pa ang galit na mararamdaman nito. Kaya nitong kontrolin ang kadiliman ngunit kapag ginamit ito sa masama at nawalan ito ng kontrol ay pwede itong ipahamak ng may hawak ng susi na ito.

Enchanted Ace: The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon