#EATPChaptero3
~~Dug dug dug dug... ~~
Bigla bigla akong nagising ng maalala ko yung nangyare sakin kagabi, ang bilis ng tibok ng puso ko! kinapa-kapa ko pa ang sarili ko at pinagmasdan ko ang paligid. Umaga na pala pero ang pagkakaalam ko talaga nahulog ako dun sa bintana kagabi, pero bakit wala akong sugat o galos man lang? Wala din akong nararamdamang sakit sa katawan.
Lumapit ako sa bintana, nakabukas na ito at nasisilaw na din ng araw yung mukha ko. Naalala ko ulit yung taong nakita ko dun sa may puno, sino kaya yun? Paano ako napunta sa higaan eh nahulog talaga ako sa mga oras na yon.
Yumi gising kana pala bakit ka nandyan?(lumapit siya sakin)hmm maganda yung panahon ngayon ahh(bigla siya napaisip)ahh! alam ko na! punta tayo sa mall. "
“Mall?” tanong ko. Ano yun?
“Oo, lika na magbreakfast na tayo para makapasyal tayo!” hinila nanaman niya ako, nasanay na akong hinihila niya.
“Pero paano si papa kuya?” ngumisi siya tsaka niya sinabing magagabihan na si papa makakauwe dahil sa trabaho.
Ano pala trabaho ni papa?
Pagkatapos naming kumain ay nagpalit na din ako, binilhan naman ako ni papa kahapon ng mga damit at buti nalang nagkasya naman lahat.
Jizhelle's PoV :
Kumaway ako kay ate Beh na palabas na ng gate namin. Papunta na siya sa work niya, siya ang ate beh ko mabait, mapagmahal, maaalalahanin at higit sa lahat mahal ako at tinuturing niya akong parang kapatid na. Hindi namin siya kadugo pero dito na siya nakatira samin at myembro na siya ng pamilya namin at isa pa lalaki siya pero puso at galaw niya ay babae 'bakla' kumbaga. Parang sa mundo ng mga tao.
“Anak umalis na ba si ate mo?” si papa.
“Oo pa kakaalis niya lang, san kayo pupunta?” tanong ko at ang sabi naman niya punta lang siya sa office niya duon sa pinagtatrabauhan niya, kaya naiwan naman kami ni mama dito sa bahay.
Nagutom ako kaya nagslice ako ng apple.
“A-aray!” nasugatan ko tuloy yung kamay ko huhu ang clumsy ko talaga pagdating sa matutulis na bagay. Itinapat ko yung isang kamay ko sa isa kong kamay na nasugatan at unti unti naman itong naghilom, ilang sandali lang ay nakakaramdam na ako ng pagod. Sa tuwing ginagawa ko itong Healing Aesper ko na kahit sa sarili ko eh nanghihina parin ako, dahil narin ito sa hindi ko pa lubos na nakokontrol ang Aesper ko.
Naalala ko nung nasa mundo pa kami ng mga tao, sa isang lugar kami na kung saan iilan lang ang nakatira duon. Palipat-lipat kasi kami dahil sa mga humahabol na mga gustong gamitin kami sa ilegal na paggagamot para kumita sila ng napakalaking pera, na yung mga iba naming kasamahan ay namatay dahil sa walang katapusang paggagamit at walang pahingang gamutan na pinapagawa ng mga taong iyon. Naaawa ako sa tuwing naaalala ko sila.
[ Flashback...
Nang makalipat kami ulit ng bahay naging maayos naman ang pamumuhay namin, walang gulo at kasama ko ang mga magulang ko. Ngunit isang araw, naglalaro ako di kalayuan sa bahay sa isang puno may narinig akong umiiyak kaya lumapit ako para makita ko.
BINABASA MO ANG
Enchanted Ace: The Protectors
FantasyGenre : Fantasy/Vampire Language : Tagalog/English [Date started : Nov.2016 Date Ended : ????] What kind of Creature are you? A pure Human? An Alfha? Vampire? Werewolf? Witch? Fairies? Or Demons?. Which Group suits you? In the Gifted Group?, the Bet...