#EATPChaptero14
Aerin/Yumi's PoV :Kaumagahan...
Pagkagising ko ay minadali kong magbihis at ayusin lahat ng gagamitin ko mayang hapon para sa contest. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil talagang hindi ako makapaniwala na makakasali nako sa unang beses ng Painting Contest nato. Hindi talaga ako sinukuan ni Kuya Drew para turuan magPaint nuon at ngayon na nga sasali nako sa contest. Sana maging maayos ang paligsahang 'to para sakin.
*Cross finger*
• • •
"Yumi!" Rinig kong tawag ni Jiz.
"Makakanood kaba sa Violin Contest ko Yumi?. Nasan si Drew?." Hingal niyang tanong.
"Oo Jiz makakapanood pa ako, mayang 2:00 pm pa naman ang Painting Contest."
"Yey! Salamat Yumi! Pero si Drew nasan nanaman ba yun?." Palingon lingon ito sa paligid.
"Nagbihis lang siya saglit. Magsisimula na rin kasi yung basketball nila. " pagkasabi kong yun ay bigla nalang siya nagsisisigaw.
"ANO!? NGAYON NA BA YON? HALLA NAKALIMUTAN KO! ANO BA YAN." Halos mapatingin lahat ng mga nasa paligid namin dahil sa ingay niya.
"T-teka Jiz huminahon ka *pfftt*" hindi ko narin mapigilan ang matawa sa reaksyon.
"Uy uy ano yan bakit yan? Para kang nakalunok ng mikropono sa lakas ng boses mo Jiz. Hahahaha!" bwisit talaga 'tong si Drew.
"Heh! Wala kana don!." Dinelatan ko siya.
[ All students of Aumsville's Primary School who will participate the Basketball Tournament, please proceed here at the Soccer Field. ]
Narinig na namin ang hudyat kung saan magsisimula na ang Basketball Tournament nila Drew. Ito na kasi ang Finals at malalaman na kung sino sa mga Basketball Team ang magiging Champion sa taong ito. Nuong nakaraang taon nanalo sina Drew kaya kasama na sila ngayon sa Top Finalist. At kapag sila ang nanalo ngayon ibig sabihin sila na ang magiging Champion. Malaking pera din matatanggap nila. Ang saya diba? Hehe.
Ilang minuto din ang lumipas ay nagsimula na ang laro nila. Nakakakilig kasi yung mga shooting style ng mga ka-team ni Drew dahil ampopogi nila! Kyah!.
"WHOOAH! GALINGAN NIYO GUYS!." Pagchecheer ko sa Team ni Drew.
"GO KUYA KAYA NIYO YAN!." nagulat ako dahil ngayon ko lang narinig si Yumi na sumigaw. Haha! Mas malakas pa ang pagchecheer niya kesa sakin.
Ilang oras din ang lumipas nang matapos ang laro nila. Pero sa kasamaang palad natalo sina Drew at ang nanalo ay ang katabi naming classroom, ang Section B. Nasa Section A kasi kami nila Drew kasama ang mga ka-team niya. Sila lang na Section talaga ang may kayang humabol sa Score ng Team A.
"Pano ba yan talo kayo Drew. Hahaha!" rinig kong bulong ng leader ng Team B.
"..." hindi nalang umimik si Drew dahil baka kung sinabayan niya ito ng galit ay baka magkagulo pa silang lahat.
"Drew okay lang yan. Huwag mo isipin ang sinabi niya. Pagsubok lang yan." Pagpapagaan ko ng loob niya.
"Narinig mo yun Jiz? Pasensya na sainyo hindi namin nakuha ang Championship. "
"Okay lang yun Kuya. May nextime pa naman." Sabi ni Yumi.
Kahit na ako'y naghihinayang dahil alam ng lahat na mas malakas ang team nila Drew kaysa sa ibang team pero dahil sa kayang makipagsabayan ang team B sakanila ay sila ang nanalo sa paligsahan.
BINABASA MO ANG
Enchanted Ace: The Protectors
FantasyGenre : Fantasy/Vampire Language : Tagalog/English [Date started : Nov.2016 Date Ended : ????] What kind of Creature are you? A pure Human? An Alfha? Vampire? Werewolf? Witch? Fairies? Or Demons?. Which Group suits you? In the Gifted Group?, the Bet...