#EATPChaptero5
~~> Aerin's Necklace...
Yumi/Aerin's PoV :
“Aerin...”
Gulat na gulat akong nagising dahil sa narinig kong pagtawag sakin ng 'Aerin' nung lalaking nagpakita sakin kahapon.
Palingon-lingon ako sa paligid pero wala naman yung lalaking yun, akala ko totoo pero panaginip lang pala. Sumabay pa yung pagtunog ng alarm clock ni kuya.
Pinatay ko muna ang alarm clock bago nagligpit ng higaan. May biglang nagbukas ng pintuan. Si kuya lang pala.
“Goodmorning Yumi! Tara na sa baba breakfast na.” masayang bati ni kuya, napansin kong hindi pa siya naka-uniform. Tinignan ko naman kung anong oras na bago ako lumapit sakanya.
“Goodmorning din kuya, ahm 7:30 na bat dika pa nakauniform?” tanong ko habang pababa na kami ng hagdan patungo sa kusina.
“Eh nakalimutan mo na Yumi? diba sabi ko kahapon wala ako pasok ngayon kaya ako magbabantay sayo?” takhang tanong niya, hehe oo nga pala no nakalimutan ko tuloy. Kung ano-ano kasi iniisip ko.
Kinamot ko nalang ang ulo ko tsaka ako ngumiti. “Sorry kuya nakalimutan ko, hehe.”
Bigla niya ako inakbayan, namula tuloy mukha ko sa ginawa niya. “Ikaw talaga!.” sabi niya habang ginulo-gulo niya yung buhok ko.
Napatingin naman ako sa mata niya. Bat ang cute ni kuya Drew? Halla! Ano ba tong pinagsasabi ko?!
Nakarating na kami ng kusina at nandito na din si papa habang nagbabasa ulit ng newspaper.
“Goodmorning papa.” bati ko.
“Goodmorning din anak, oh lika na magbreakfast kana din.”
Inalis na ni kuya ang pagkakaabay niya sakin at nagtungo siya sa heater at kumuha siya ng...
Wow! Hot Chocolate.
Nilagyan niya yung tasa ko at ganun din sakanya. Sarap kasi ng chocolate eh, unang tikim ko palang nung unang araw ko dito nasarapan na talaga ako. Favorite na favorite ko talaga yun, hehe. Sana lagi kami pumunta kina Jizhelle para lagi ko matikman yung chocolate na gawa ng mama niya.
Tumayo naman na si papa at inayos ang gamit niya. “Oh siya, mag-iingat kayo ah? Ikaw Drew bantayan mo si Yumi, ikaw nang bahala dito sa bahay.” nagtungo na siya sa pintuan ng bahay kaya sumunod naman kami ni kuya Drew.
“Yes commander!” sabi niya sabay saludo.
Lumabas na si papa kaya kami nalang naiwan dito sa bahay.
“Ano kaya pwede nating gawin ngayon?” tanong niya habang nag-iisip ng pwedeng gawin ngayong maghapon. Pero ako syempre uubusin ko muna yung iniinom ko, hehe.
BINABASA MO ANG
Enchanted Ace: The Protectors
FantasyGenre : Fantasy/Vampire Language : Tagalog/English [Date started : Nov.2016 Date Ended : ????] What kind of Creature are you? A pure Human? An Alfha? Vampire? Werewolf? Witch? Fairies? Or Demons?. Which Group suits you? In the Gifted Group?, the Bet...