Protectors VI: Who Kills The Hunter?

55 9 0
                                    

#EATPChaptero6

[ July. 17. Thursday 7:00 am ]

Dany's PoV :

*CRIINNGG!!...

Sinagot ko ang tawag ni Trisha. Kay aga-aga tumatawag ano naman kaya sasabihin non.

Oh? Trisha bakit ka-

Dany! Si-si Leo...” pautal-utal na sabi niya sa kabilang linya.

“Bakit, anong nangyare kay Leo? ” tanong ko bago ako humigop ng kape.

S-si Lheo, p-patay na! Dany patay na si Lheo!. hagulgol niya, napatayo ako sa sinabi niya, pero paano? Paano siya namatay?

Nagmadali akong nag-ayos ng mga gamit ko. Kailangan ko nang pumunta sa Unit.

Pa bakit ka nagmamadali?. tanong ng anak kong si Drew.

Anak ikaw muna bahala sa kapatid mo at huwag ka muna pumasok ngayon. Aalis ako, may kailangan lang akong asikasuhin.

Pagkarating ko ng Unit bumungad agad sa akin si Trisha na halatang namamaga na ang mga mata nito sa kakaiyak.

Dany.. lumapit ako sakanya at niyakap siya. Siya kasi ang pinakamalapit kay Lheo, dahil childhood friend niya ito at alam kong mas malakas ang impack nito sakanya sa nangyare sa kaibigan niya.

Paano?. yan lang ang tangi kong natanong. Kailan lang nung nakita at nakasama namin siya nuong isang araw.

Natagpuan siya sa Reaserch Laboratory na patay na, ni hindi nga natin namalayan na nanduon lamang siya dahil nakita naman nating lahat kahapon na nag-iwan siya ng Leave Note. ” sabi ni Mike na isa sa mga katrabaho ko.

Hindi ako malapit kay Lheo ngunit alam naman niya ang pagkatao at buhay ko nuong nakakasama ko pa si Andy, ang asawa ko. Siya at si Trisha ang unang nakilala ko sa unang araw ng pagiging Hunter palang namin nuon. Nakakalungkot ang nangyare sakanya.

Lumapit ako sa isang Investigator na nagsusulat malapit sa Crime Scene. Nakita kong wala na din ang katawan ni Lheo sa sahig na puno ng dugo niya.

Sir, ano bang nangyare sa ka-Team namin?. Paano siya namatay?. ” tanong ko.

Ayon sa bangkay ni Lheo Tim, may mga malalaking kalmot siya sa katawan. Nawalan siya ng madaming dugo kaya ito ang naging dahilan para mamatay siya. Hindi aksidente ang pagkamatay niya kundi pinatay siya.

Pinatay? Sinong pumatay?! Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Pero paanong pinatay? Ang pagkakaalam namin ay nag-iwan siya ng Leave Note kahapon ng umaga. takhang tanong ko, kahit ako'y naguguluhan na din.

Sir! Pwede niyo nang Ireview ang Cctv ng Unit. Dito tayo. sabi ng isang Investigator sa kausap kong Investigator.

Sir, pwede ba akong sumama para makita ko din ang Cctv?. tanong ko, tumango siya bilang tugon. Pinayagan niya ako dahil alam niyang isa din akong Hunter katulad ni Lheo.

Nakasunod lamang ako sakanilang dalawa habang papunta kaming second floor kung saan nanduon ang mga Cctv Room.

Binuksan ng isang nagmamanage ng Cctv dito sa Unit ang monitor at hinintay kong lumabas ang Video kung saan huling nakita si Lheo.

*CCTV [ July. 16 Wednesday 5:00 am ]

Pinanuod namin ito hanggang sa makita na namin siya sa video, agad mo siyang makikita na pumasok sa gate at siya din ang kumuha sa susi ng Unit sa nagbabantay na Guard na nakatulog naman kaya nakapasok si Lheo Tim nang walang kahirap-hirap. Sa oras naman ng bandang '5:20 am' ay may isa pang pumasok sa loob ng Unit pero hindi namin ito makita ang mukha dahil sa natatakpan iyon ng maitim na mahabang roba.

Enchanted Ace: The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon