Protectors VII : Blaze, The Unknown one

42 8 0
                                    

#EATPChaptero7

[ July. 18, Friday 6:30 am ]

Dany's PoV :

Kaumagahan tumawag ang aming Lieutenant na si Johnson Quio at sinabing huwag muna kami pumasok ngayon sa Unit. Dahil na rin siguro sa pagkawala ng isa naming Team. Mahirap maki-alam sa mga Investigator sa kaso ni Lheo Tim dahil sila lang ang pwedeng mag-imbestiga sa kaso ng mga krimen.

Ang Investigator Unit ay hawak ni Captain Gyli Yan. May mga kanya-kanyang posisyon ang mga Unit. Una at ang pinakamataas sa amin ay ang Aumsville Army Unit, si Commander Jake Howert ang nasa posisyon, sila ang promoprotekta sa buong Aumsville. Pumapangalawa naman ang Aumsville Security Unit, si Lieutenant Commander Stephen Lee ang nasa posisyon. Sila ang mga humuhuli sa mga masasamang nilalang. Pumapangatlo naman kaming mga Hunter, ang Aumsville Hunter Unit, si Lieutenant Johnson Quio ang nasa posisyon. Ang aming misyon ay ang humuli ng mga Vampires at mga Werewolves. At ang huli naman ay ang Aumsville Investigator Unit, si Captain Gyli Yan ang nasa posisyon. Sila ang mga naglulutas ng kaso sa mga patayan sa buong Aumsville City.

Pa wala po ba kayong trabaho ngayon? ” bumalik ang pag-iisip ko ng magsalita si Drew.

“Wala anak, pinagpahinga muna kami ng aming Lieutenant. ” sabi ko bago ko hinigop ang kape ko sabay balik ko sa pagbabasa ng newspaper.

Ahh, sige po teka magluluto lang po ako... Ay pa alam mo nung isang araw may nakita akong Behemoth, grabe nakakatakot!...

May bago nanamang biktima ang mga bampira.

Pa? Nakikinig kaba sa kwento ko?

Tsk! Kaninang madaling araw lang to ah. Ilang araw na din kami hindi nakakahuli ng bampira.

Pa!

Ay! Bampira ka!... Ano ba anak ginugulat mo ko! ” sabi ko kay Drew.

Hehe sorry pa, pero bakit pa may nahuli nanaman ba kayong bampira? Mukha po kayong haggard.

Haggard?. Kung ano-ano sinasalita nitong anak ko.

Ahh wala pa anak, ilang araw na... Teka bakit ang tagal ni Yumi? Tapusin mo na nga lang yang niluluto mo Drew. sabi ko at buti nalang tumigil na siya.

Buti nalang naalala ko. Si Yumi nga pala.
Paano kung may kinalaman si Yumi sa pagkamatay ni Lheo? Argh! Sakit sa ulo ang mga nangyayare.

Ilang sandali lang ay bumaba narin si Yumi kaya pinagtimpla ko muna siya ng gatas. Umupo siya kaya dumeretsyo na ko sa kusina. Ito na ang pagkakataon ko. Dahan dahan kong kinuha ang kutsilyo sa lalagyan habang nagluluto at nakatalikod sakin si Drew. Dahan dahan akong lumapit kay Yumi, hindi niya ako mapapansin dahil nakatalikod din siya mula sakin. Inilabas ko ang kutsilyong kinuha ko at sinugatan ko ang aking palad.

"Tsk. " Ininda ko ang sakit pero okay lang ito sanay na ako sa mga sugat dahil na rin sa paghuli namin ng mga nilalang. Kailangan ko tong gawin. Kung sakali mang bampira na siya maaamoy niya ito.

May mabilis na humila sakin palabas ng bahay ng hindi ko man lang napigilan kung sino may gawa nito. Bumagsak ng napakalakas ang katawan ko sa damuhan,, iminulat ko agad ang mga mata ko, may isang nakatayong nilalang sa harap ko ngayon. Tsk! Isang Phantom! pero hindi ako sigurado kung Phantom ba siya dahil maliit na nilalang lang ang nasa harap ko ngayon, isang bata.

Mabilis akong tumayo at inihanda ang sarili. Kung isa nga siyang Phantom, mahirap silang kalaban dahil sila ang mga kalaban na kayang kunin sayo ang Aesper mo ng hindi mo namamalayan. Paano naman kaya siya nakapasok sa bahay ng hindi ko man lang nalalaman?!. Kailangan ko na siyang patayin kung hindi, ako ang mawawalan ng Aesper, hindi pupwede iyon.

Enchanted Ace: The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon