Protectors XV: Primary's Graduation Day

33 0 0
                                    

#EATPChaptero15

Andrew's PoV :

[ April.30. Friday ]

~Primary's Graduation...

"Woooh! Ang gaganda niyo ngayon Yumi at Jizhelle ah! " sabi ko sakanila na ngayon ay nasa harapan na kami ng gate nang Primary School kung saan gaganapin ang aming Graduation Day.

"Taena Drew kami nanaman trip mo. Huwag ka maniwala sakanya Yumi. Nagjojoke lang yan." natawa naman si Yumi sa sinabi ni Jiz.

"Kayo talaga nagsasabi naman ako ng totoo eh haha!. Si Yumi oh valedictorian galing galing talaga ng kapatid ko." sabi ko sabay akbay ko sakanya.

"Kuya naman eh." Namumula na siya dahil sa sinabi ko.

Lumapit mga kaklase namin at binati si Yumi.

"Uy congats ahh."

"Salamat. "

"Congrats Yumi ikaw ang valedictorian sa section natin. Diba sabi nila kung Top1 ka magiging scholar ka sa isang Academy. May napili kana bang papasukang Academy next school year?." Tanong ni Ken na kaklase namin.

"Ah oo meron na Ken sa Ace Academy ang napili ko." Sagot ni Yumi.

"Wow good choice Yumi. Mas maganda kasi daw duon sabi ng Ate ko. Matuturuan ka ng mabuti duon lalo na ang Aesper mo. Oo nga pala dalawang taon na kitang kaklase pero hindi ko pa alam ang Aesper mo."

"Ahh ano kasi.."

Sumingit nako sa usapan nilang dalawa.

"Kasi hindi pa alam ni Yumi pano ilabas ang Aesper niya pero alam kong darating yung araw na magagawa niya din ito." Sabi ko kay Ken.

"Ahhh. Pero kailangan na niyang praktisin ilabas ang Aesper niya para hindi siya mahirapan mag-aral sa Ace Academy. "

Nangamba ako dahil sa sinabi niya. Sana nga mailabas na ni Yumi ang Aesper niya sa lalong madaling panahon.

*Graduation song...*

Nagsimula na ang graduation song kaya niyaya na kami ng mga kaklase namin sa quadrangle para makaupo na.

Nandito na din sina Papa at Tito Geo. Ganun din ang parents ni Jizhelle na sina Tita Jean at Tito Hilar.

"Ahemm! Goodmorning Ladies and Gentlemen...As of today..."

Napatigil ako sa pangungulit kay Yumi nang may nagsalita sa stage. Alam ko ang boses na ito.

Napatingin ako sa nagsalita. Siya nga hindi ako nagkakamali...Si Mr. General Olivier Smithe, siya ang Papa ni Heather. Siya nga pala ang mag-eemc sa aming Graduation Ceremony. Hinanap ko sa paligid si Heather kung nandito din ba siya pero hindi ko siya mahanap.

"Bakit Kuya sino hinahanap mo?." Tanong ni Yumi.

"Si Heather. Baka kasi nandito din siya kasi nandito ang Papa niya."

Namiss ko din kakulitan non. Ang alam ko Graduation din nila ngayon eh. Sana okay lang siya.

(Pagkalipas ng ilang araw...)

"Kuya tara na dalian mo!." Nagising ako dahil sa kaingayan ni Yumi. Kanina pa niya pinipilit na mamasyal sa Ace Academy. Ang alam ko talaga hindi pinapapasok ang mga hindi naman studyante dun eh. Lalo na't wala kami permiso ng mga nakatataas.
Si Papa sana kaso maaga siyang umalis ng bahay dahil sa trabaho.

Naalala ko matagal din wala ko narinig sa mga Bampira na nahuhuli nila Papa. Wala ko nababasa sa dyaryo at ganun din sa Tv. Siguro nga hindi na sila gagawa ng mga kasamaan dito sa Aumsville. Mas mabuti nalang yung ganito dahil baka hindi ko mapigilan sarili ko na mapatay ko sila.

Enchanted Ace: The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon