Protectors XIII: Aumsville's Festival

24 1 0
                                    

#EATPChaptero13

Narrator's PoV :

Ilang buwan narin ang nagdaan dumating na ang buwan ng Pebrero. Ang buwan kung saan ginaganap ang Festival sa Aumsville City. Pinagdidiriwang ang ibat-ibang klase ng palaro, sayawan, kantahan, booths at iba pa. Abala ang mga napiling Alfha sa Aumsville City kung saan sila ang maghahanda at mag-aayos ng mga dekorasyon sa gaganaping Festival.

Nagkaroon ng Festival ang Aumsville City dahil narin iyon ang araw na naging malaya ang mga nilalang na nakatira dito laban nuon sa mga masasamang kalaban, na gustong angkinin ang Aumsville City lalo na ang katawan ni Ehva na nasa Underground ng Moonlight Sorcery Company.

Taon-taon ito pinagdidiriwang. Masaya at magiging maingay ang tatlong araw ng Festival. Madami kang makakasalamuhang ibat-ibang nilalang sa paligid, tulad ng mga Good Witch, Fairies, Elves, at mga Alfha na nakatira sa Bayang ito. Madaming nagkalat na mga pwesto ng mga nagtitinda ng pagkain at mga palamuti.

Dadalo din ang mga nilalang na matataas ang posisyon sa Moonlight Sorcery Company ng Aumsville City. Ang General, Lieutenant General, Lieutenant, at ang mga Squad Team.  May mga studyante  din ng Ace Academy ang makakasalamuha mo. Mahigpit din ang pagbabantay ng mga Aumsville's Security Unit at ng mga Hunters sa oras ng Festival, upang walang kahit na sino mang masasamang nilalang ang makakapasok o makakapanakit sa oras ng Festival.

Jizhelle's PoV :

[ Pebrero.15.2039, Lunes 7:00 am ]

Masaya akong papunta sa bahay nila Andrew at Yumi. Sabay-sabay kaming pupunta sa Bayan para dumalo sa Festival. Yey! masaya talaga 'tong festival dito. Taon-taon ginaganap ito, madaming mga Alfha at iba pang nilalang na nagkalat sa paligid. Madaming mapapanood at isa na kami sa sasayaw mamayang alas-nwebe ng umaga.

“Yumi, Drew! Dalian niyo! Kailangan pa nating magpraktis para hindi tayo magkamali sa sayaw mamaya!.” Sigaw ko mula dito sa labas ng bahay nila.

“Nandiyan na pala si Jiz. Dalian mo Yumi sigurado nag-uusok na sa galit ang ilong niya.” Rinig kong sabi ni Drew. Langya talaga to.

“Oo andyan na kami lalabas na! Wait lang.”

Ilang minuto pa ko naghintay dito sa hardin nila bago sila lumabas. Ahy salamat.

“Ang tagal niyo nemen.” Sabay sabi namin ni Drew. Alam na alam niya linya ko pag ganitong naghihintay ako sakanila. Pinukpok ko naman ng dala kong pingpong sa ulo niya.

“Aray naman Jiz. Bakit mo ba ako lagi binubully.? Bat ka pala may dalang ganyan? ” Nagpout pa siya, yuck di niya bagay. Tss.

“Hihiramin ni Ella. ” sabi ko.

“Hahaha! Okay. Tara na baka malate pa tayo. ”

• • •

“Guys! Umayos kayo! Last praktis na natin to kaya galingan natin!.” Sigaw ng Leader namin sa P.E. Nandito kami ngayon sa harapan ng stage para dito na daw kami magpraktis. Sa stage naman gaganapin mayang gabi ang mga sayaw ng mga Teachers at kung sino pang mga nakatataas.

“Yes Sir!.” Sigaw naming lahat.

Inayos ko na ang linya ko at ganun din sa iba. Napatitig naman ako sa mga nakasabit sa paligid. Nagagandahan  talaga ako pag Festival na ng Aumsville, parang favorite month ko na talaga ito, hehe.

Jizhelle Lenon umayos ka!.”

Nawala ang pag-iimagine ko sa paligid ng tawagin ako ni Leader Sungit. Hehe, hindi nanaman ako nakikipag participate. Kanina pa pala nagsimula yung tugtog na sasayawin namin. Humingi nalang ako ng tawad sakanya. Pasensya na ganito lang talaga ako mag-imagine eh.

Enchanted Ace: The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon