#EATPChaptero11
Drew's Krise~~>image
Yumi's PoV :
“Yumi halika na ano pang tinatayu-tayu mo diyan? Malalate na tayo.” pagmamadali ni Kuya. Pakiramdam ko ayaw ko na pumasok, natatakot ako. Sasaktan ako ng mga kaklase ko dahil...dahil wala akong Aesper.
“Yumi!.” nag-alingan pa akong lumapit sakanila ni Jizhelle. Sabay sabay kami na pumapasok sa school sa nasa section A kami pareho. Hindi ko sinasabi kina Drew at Jiz na may nangangaway sakin sa school. Baka kasi kung ano gawin ni Kuya. Sabi niya kasi kung may mam-Bully man sakin sabihin ko agad sakanya at siya na gagawa ng leksyion sakanila. Ayaw ko namang mapapaaway pa si Kuya ng dahil sakin.
Nakarating na kami ng school. Yung tibok ng puso ko hindi na normal. Palaging ganito pakiramdam ko. Pero hindi ko pinapahalata kay Kuya Drew at Jiz.
“Ay Drew Yumi mauna na kayo sa classroom ah kasi kailangan ko pang ibigay tong report kay Mr. Teny para sa science mamaya. B-bye! ” dali daling umalis si Jiz. Naiwan naman kami ni Kuya.
“Mauna kana sa classroom Yumi. Tutulungan ko lang si Mrs. Gwen sa pagbubuhay ng libro. ”
“Samahan ko na kayo Kuya. ”
“Hindi na Yumi mahihirapan kapa at isa pa baka mahuli ka pa sa klase punta kana dun sunod ako. Saglit lang to. ” tumango nalang ako bilang sagot.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa classroom.
Pagkapasok ko laging ganito ang nakikita sa klase. May mga grupo ng kaklase ko na gumagawa ng ingay sa likod, may mga nagtatakbuhan, mga nagbabatuhan ng papel, mga nagtsitsismisan o kahit na ano pang hindi magandang gawain ng mga kapwa ko studyante. Pero may iilan din namang tahimik lang at nag-aaral sa gilid.
Pumasok ako at dahan-dahan akong lumapit saking desk. Pero nagulat nalang ako nang may mga sari-saring sulat na gawa sa chalk ang desk ko, basang-basa din ng tubig ang aking upuan. Ito nanaman ang bago nilang trip sakin. Ako lang ata ang binubully nila sa klase at alam ko kung sino sila.
Mas gumagaan pakiramdam ko kapag kasabay ko sina Kuya at Jiz sa pagpasok sa classroom dahil hindi nila pinapakita sakanila na binubully nila ako. Pero kapag mag-isa ko lang sa daan o di kaya ay hindi ko kasama sina Jiz, panigurado may bagong trip nanaman mga kaklase kong bully.
Tinignan ko isa-isa ang mga kaklase kong kanina pa nakatingin sakin. Ang iba'y nagtatawan, may mga umiiwas lang ng tingin. Pero mas napansin ko ang grupo ng mga babae kong kaklase. Sina Fiona, Ella at Chris. Sila lang naman ang alam kong gumagawa nito sakin dahil hindi lang ito ang unang beses na nangyare sakin.
Ngumisi lang sila ng nakakaloko. Kailangan ko nang malinisan ito bago pa dumating si Teacher.
Pero nagulat ako nang may lumapit sakin na kaklase ko. Si Dave, hindi ko siya kaibigan pero mabait siya sa lahat, matalino din.
Pinunasan niya ang upuan ko kasabay narin sa desk ko. Pilit kong kinuha sakanya ang pamunas pero humindi siya. Pagkapasok ng Teacher namin sa Science Subject nagtaka siya kung bakit basang-basa ang upuan ko, sinabi ko lang na natapon ko ang hawak kong tubig.
Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na din sina Kuya at Jiz. Ilang oras din nagturo ang teacher at naging maayos naman ang aking pag-aaral.
Tapos na ang klase at uwian na. May pinagawa pa sakin ang aming Science Teacher kaya pinauna ko nalang sina Kuya sa gate at dun nalang nila ko hintayin.
Naglalakad ako sa hallway ng mapansin kong nasa gilid ang magkakaibigan na nambubully sakin. Nilampasan ko lang sila.
“Hey Human Girl.”
BINABASA MO ANG
Enchanted Ace: The Protectors
FantasyGenre : Fantasy/Vampire Language : Tagalog/English [Date started : Nov.2016 Date Ended : ????] What kind of Creature are you? A pure Human? An Alfha? Vampire? Werewolf? Witch? Fairies? Or Demons?. Which Group suits you? In the Gifted Group?, the Bet...