#EATPExtraProtector
Hunter's PoV :Pakiramdam ko may sumusunod sakin habang pauwe ako ng bahay. Hindi ko nalang iyon pinansin. Nagmadali nalang akong umuwi para malaman kuna kung totoo ba ang kwintas ng bata.
Napaka-imposible na magkaroon ang batang iyon ng ganuong kwintas na katulad nong nakita ko nuon sa isang Haring bampira. Alam kong iilan lamang na bampira ang nagmamay-ari ng ganuong kwintas. Paanong napunta lamang iyon sa isang batang babae? Huwag mo sabihing anak siya ng isang bampira?
Pero napaka-imposible dahil matagal ko nang kilala si Dany at ang kanyang asawa na si Andy. Hindi sila nagkaroon ng anak nuon dahil alam kong ang anak nilang si Andrew ay ampon lang nila. Paanong nagkaroon ulit ng anak tong si Dany eh hindi na siya nagkaroon pa ng ibang karelasyon.
Sino ang batang babaeng iyon? San niya yon napulot. Kailangan kong alamin!.
Hinanap ko lahat ng papel na may larawan ng kwintas ng bata. Tinago ko lahat ng iyon at nagbabasakali akong makakita ulit ng ganoong kwintas at ito na nga yon, nakakita ulit ako.
*Click! click...
“Kailangan kong alamin kung isa bang bampira ang batang 'yon. ”
Inayos ko lahat ng kakailanganin ko para sa paghuli ko sa batang iyon. Alam kong hindi pa ako nakakasiguro pero aalamin ko agad iyon... Kapag nalaman kong isa nga siyang bampira hindi ako magdadalawang-isip na kunin siya at patayin.
“Patawarin mo nalang ako Dany sa kung ano man ang magagawa ko sa anak mong si Yumi. ”
[ Wed. 5:00 am at Aumsville Hunters Unit ]
Maaga akong nagising para makapunta na ako sa Unit para makapag-iwan ng Leave Note. Alam kong isasama ulit ni Dany sa trabaho ang batang iyon at duon ko gagawin ang kailangan kong gawin para malaman kong isa nga ba siyang bampira.
May tunnel sa likod ng Aumsville Hunter's Unit at duon ako papasok papunta sa loob ng walang nakaka-alam para kung nagkabukingan na dito ako dadaan palabas dala-dala ang batang iyon.
Pagkarating ko sa Unit, nagmadali nakong pumasok ng gate. Nakuha ko sa Guard ang susi ng pintuan nang Unit ng walang kahirap-hirap dahil masarap pa ang tulog niya.
Pagkapasok ko sa loob naalala kong may Cctv pala sa labas at siguradong makikita nila yung mukha ko pero huli na, hindi ako nakapaghanda ng pantakip sa mukha dahil sa kakamadali kong pumunta dito. Hinayaan ko nalang. Nagtungo nalang ako sa Research Lab dahil nandito ang pintuan papuntang Tunnel sa likod, dito ako lalabas pag-nagkataong alam ko na ang totoong siya.
Ilang oras akong nagtago dito sa Reaserch Lab at hinintay ko lamang na dumating si Dany kasama ang batang si Yumi. Walang pumupunta dito sa Research Lab. kapag wala namang nahuling bampira o lobo.
Ilang minuto lang ang lumipas naririnig ko na ang mga katrabaho ko na binabanggit na nila ang pangalan ng batang iyon. Nandito na nga sila.
Inayos ko ang dinala kong laruan na kinokontrol dahil ito ang gagamitin ko para mapansin niya ito para makapasok siya dito sa Research Lab. Bata palang siya kaya alam kong susundan niya ito hanggang sa makakuha ako ng tyempo para makuha ko siya.
Yumi/Aerin's PoV :
Kanina pa ko tawang-tawa kay kuya Drew dahil sa pilit niyang sinasabi kay papa na gusto niyang sumama sa amin sa trabaho ni papa pero wala parin siyang nagawa, hindi parin siya pinayagan na um-absent sa klase niya.
BINABASA MO ANG
Enchanted Ace: The Protectors
FantasyGenre : Fantasy/Vampire Language : Tagalog/English [Date started : Nov.2016 Date Ended : ????] What kind of Creature are you? A pure Human? An Alfha? Vampire? Werewolf? Witch? Fairies? Or Demons?. Which Group suits you? In the Gifted Group?, the Bet...