Protectors I: Stoania City

113 11 4
                                    

#EATPChaptero1

~~> Image ng Stoania City...

Kwento ng isang babaeng taga-lupa, at isang Hari ng mga Bampira ang nagmamahalan at piniling manirahan sa mundo ng Enchanted Ace sa lugar ng Stoania City.

Alam nila na kahit magkaiba lamang ang kanilang mga lahi at pinagmulan ay nagmahalan sila ng walang alin-langan. Sumama ang babae sa kanyang asawang hari sa mundo ng Enchanted Ace upang duon na sila manirahan.

Pwedeng mamatay ang taong babae sa mundo ng kanyang asawa dahil sa tao siya at hindi siya kabilang dito. Iyon ang kauna-unahang pangyayare na nagmamahalan ang bampira at tao, dahil hindi maaring magkaroon ng koneksyon ang tao sa kahit na sinomang nilalang sa Enchanted Ace lalo na sa mga Vampire dahil sumpa ito, ngunit hindi sila nagpadaig dahil mahal nila ang isat-isa.

Mabait ang mag-asawa, hindi nagtagal naging maayos nilang pareho ang takbo ng kanilang pamumuhay at nang kanilang kaharian. Naging Reyna na ang babae dahil nagdadalang-tao na ito.

"Anong gagawin natin mahal kong Zell, nagdadalang-tao ako ngunit nag-aalala ako para sa ating magiging anak. Paano kung totoo nga ang sinabi ng kapatid mo tungkol sa sumpa? " nag-aalalang saad ni Yu habang hindi siya mapakali sa kakalad.

"Tumigil ka mahal kong Yu, huwag kang masyadong gumalaw dahil makakasama niyan sayo. Hindi ba't sabi ko sayo huwag kang mag-alala sa sinabi ng kapatid ko?. Hinding hindi iyon mangyayare sa anak natin. " pagpapalakas loob niya sakanyang asawa at niyakap niya 'to.

"Pero-"

"Shhh- pakiramdaman mo mahal ko, galaw ng galaw ang anak natin. Mahal kong Aerin, mahal na mahal ka ni mama at papa. " sabi ng hari habang hinahaplos nito ang tiyan ng kanyang asawa.

Makalipas ang isang taon...

"AHHH ZELL MANGANGANAK NA AKO! ANG SAKIT! A-RAY! "

Ngayon na ang araw kung saan ang kauna-unahang sanggol na ipapanganak ay may lahing tao at bampira.

Nag-aalala ang hari sa kalagayan ng kaniyang mag-ina, kung pwede lang na akuhin nalang niya ang sakit na nararamdaman ng kaniyang asawa ay ginawa na niya ngunit hindi naman puwede iyon.

"WHUUAH! WHUAAH! " malakas ang pag-iyak ng sanggol nang mailabas ito, ngiting ngiti ang mag-asawa dahil maayos at naging matagumpay ang panganganak ni Yu.

"Tignan niyo mahal na Hari at Reyna! may maitim na marka ang inyong anak. Totoo nga ang sumpa mahal na hari. " tinignan ng mag-asawa ang sinasabi ng matandang tagasilbi nila at totoo ngang may maitim na marka ang kanilang anak ngunit unti-unti naman itong nawawala. Kapag may sumpa ang isang nilalang at ito'y ipinanganak, may makikita kang itim na marka sa palad ng sanggol at kapag nakita na ito ng magulang ay maglalaho ito ng tuluyan.

Enchanted Ace: The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon