#EATPChaptero8
[ July. 19, Saturday 4:30 am ]
Eumira Fleur's PoV :
Dahan dahan kong binuksan ang kabaong ng aking mahal na asawa. Dito siya natutulog ng mahabang panahon pero kahit ganuon nananatili parin sakanya ang kanyang napakaperpektong mukha. Binata pa ang kanyang itsura. Para na kaming mag-ina kung nabubuhay man siya.
“Hindi na ako makakapaghintay pa mahal kong asawa. Gusto na kitang makitang buhay na hindi na lamang ganito na kinakausap lang kita diyan sa kabaong mo. Gusto ko nang marinig ang boses mo. ” Sambit ko sa aking asawa na ngayon ay nananatili paring nakapikit ang kanyang namumugtong mga mata.
Hinaplos ko ang mukha nitong maputla-putla na dahil sa matagal nang nakahimlay ang katawan nito sa kabaong. Pero ang kisig parin niyang tignan.
“Kunting panahon nalang mahal kong asawa. Mabubuhay kana ulit. Hahanapin ko si Aerin para sayo para lamang sa iyong muling pagkabuhay. Hindi na ako makapaghintay pa! Hahaha! ” tumawa ako ng malademonyong tawa sa harapan niya. Kahit na patay na siya, sinabi sakin ni Tandang Amanda na naririnig parin niya ang mga sinasabi namin sakanya. Kahit patay na ang kanyang katawan, nananatili parin sa katawan niya ang kanyang kaluluwa at naririnig niya mga salita namin.
“Mahal na Reyna! Ayaw paring kumain ng batang 'yon. ” napasimangot ako sa biglaang pagsulpot ni Amanda sa likuran ko.
“Istorbo ka talagang matanda ka. Nagmomoment ako dito pakilamera ka!. ” sambit ko sa mababang tono, ayaw na ayaw kong sumisigaw sa harapan mismo ng asawa ko. Baka magising hindi pa naman ako nakapag'prepared. Tss.
“Paumanhin Mahal na Reyna pero si Mi--”
“Kung ayaw niya kumain, pilitin mo!. Si Aze, nasaan nanaman ba ang batang 'yon?.” tanong ko.
Nasaan nanaman ba ang anak ko? Kung saan saan sumusulpot!. Si Aze lang naman ang kaisa-isa kong anak, pero hindi niya totoong ama ang aking asawa ngayon.
Tinungo namin ni Amanda ang silid ng bata.
“Paano mo nakuha ang bata, tandang witch?.” tanong ko.
“Nakita ko siya sa isang kubo sa Izona malapit sa kastilyo ng mga Lysander, Mahal na Reyna. Hindi ko inaasahan na makukuha ko ang loob niya, siguro dahil narin sa natatakot siya sa mga oras na 'yon. ” sambit niya.
“Ang kapatid nitong si Aerin, bakit hindi mo siya nakuha?.” sunod kong tanong.
Sa oras ng mapatay ko ang mga kalaban ng aking mahal na asawa na sina Haring Zell Lysander at Reyna Yu Lysander ay hindi ko nakitang kasama nila ang dalawa nilang anak. Pero nakuha naman ni Amanda ang isa sa mga bata, ibig sabihin nakatakas na si Aerin sa sandaling yon?!.
“Ano bang iniisip mo Mahal na Reyna?. ”
“Wala kang pakialam!. Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko tanda. ” nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sakanya.
“Pasensya na Mahal na Reyna. Hindi ko--”
“Alamin mo kung paano nakatakas ang batang si Aerin. Huwag ka titigil hanggat hindi siya nahahanap!. Naiinip na ako, gusto ko nang mabuhay muli ang aking asawa.”
“Masusunod Mahal na Reyna.” tumungo siya bilang respeto.
Binuksan ko ang pintuan ng kanyang silid. Nakita ko agad ang bata kaya pumasok na kami ni Tandang Amanda.
BINABASA MO ANG
Enchanted Ace: The Protectors
خيال (فانتازيا)Genre : Fantasy/Vampire Language : Tagalog/English [Date started : Nov.2016 Date Ended : ????] What kind of Creature are you? A pure Human? An Alfha? Vampire? Werewolf? Witch? Fairies? Or Demons?. Which Group suits you? In the Gifted Group?, the Bet...