Protectors XII: The Moonlight Sorcery Company

30 1 0
                                    

#EATPChaptero12

~~> Moonlight Sorcery Company image (A/N : Ganyan po talaga ang MSCompany kung saan mas mataas yan kaysa sa mga bahay bahay sa baba niya. Yan narin ang itsura ng Aumsville City. Okay kayo nalang bahala mag-imagine. Hehe.)

Euri Sylvier's (The Princess of Aumsville City) PoV :

Princess Euri, kayo nalang po ang hinihintay.” sabi ng kakapasok palang na isa sa mga comrade ng Reinforcement Squad.

Tumayo ako saking kinauupuan tsaka ako humarap sakanya.

Napaka-formal niyo naman akong tawagin. Hindi ba sabi ko nung last meeting na huwag na isali ang 'Princess' sa pangalan ko?. Ms. Euri or Lieutenant General is good enough to call me.” kinuha ko ang backpack ko na napakadaming foods sa loob. May pagbibigyan ako nito, nagbabasakali akong makikita ko na siya ngayon. Hihi.

I'm sorry Prin- ah, Lieutenant General. Kayo nalang po talaga ang hinihintay. Tayo na po.

“Oh. Wait pakisabi hindi ako dadalo sa meeting ah?. May aasikasuhin lang ako, okay? B-bye!.” sabi ko at dali-dali na akong lumabas bago pa siya makapagsalita. Hehe.

Mabilis lang akong nakalabas dahil sa bintana ako dumaan ng makalabas ako saking office. Hindi kasi nabubuksan ang bintana sa loob ng aking office kaya kailangan ko pang makadaan sa hallway para makalabas sa bintana.

Lipad lipad kaya kong lumipad!. napapakanta ako. Ewan ko ba parang excited lang akong makita siya. Nagbabasakali lang naman ako. Matagal ko na siyang hindi nakikita.

Dumapo ako malapit sa lawa. Itinago ko na ang aking napakagandang wings, may pakpak ako dahil ako ang Princess ng mga Fairies dito sa Aumsville. Oo, isa nga akong Fairy ang prinsesa ng mga Fairy. Itong Aumsville City ang pinakaiingatan naming bayan dito sa Enchanted Ace. Dahil narin sa kami ang nangangalaga sa katawan ni Ehva. Iniingatan namin si Ehva dahil siya lang ang makakabalik sa dating ganda ng Enchanted Ace. Sana mahanap na ng mga Susi ni Ehva ang kanilang tagapangalaga para magising na siyang muli. Ito ang tungkulin ko bilang Lieutenant General ng Aumsville City.

Naalala ko kung bakit ako pumunta dito sa napakaganda at napakalinaw na lawa.

Kung saan dito ko laging nakikita ang batang 'yun, ilang taon na ang nakalilipas. Malaki na siguro siya ngayon. Walong taong gulang lang siya nuong makilala ko ang batang yun. 2039 na, kung hindi ako nagkakamali labing apat na taong gulang na siya ngayon.

Hahawakan ko na sana ang malinaw na tubig ng lawa ng may sumigaw na bata.

Aze?! sigaw ko. Hindi ako nakakasiguro kung siya ba talaga ang sumigaw. Si Aze, siya ang batang nakilala ko nuon dito at siya yung hinahanap ko. Matagal ko nang hinihintay na pumunta siya dito.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw. Napunta ako sa likod ng lawa kung saan masukal na dito.

Aze?!” muli kong sigaw.

AHH!.

Nakita ko na ang hinahanap ko.
Pero hindi siya si Aze. Isa lang siyang batang hawak hawak ng isang Phantom. May umaaligid palang Phantom dito!.

Hinanda ko ang aking sarili at ang aking Aesper.

HEY!. tawag ko. Nakuha ko ang atensyon niya kaya ibinaba niya ang bata at unti-unting lumapit sakin.

Pero bago pa siya makalapit ng tuluyan sakin ay inilabas ko na ang pana ko. Ang lagi kong ginagamit kapag may kalaban.

Tinamaan ko siya gamit ang pana ko bago pa niya ko malapitan. Naging abo ito ng mapatay ko siya. Lumapit ako sa bata habang hingal na hingal siya sanhi ng pagkakasakal ng Phantom sakanya. Napansin ko namang may sugat siya sa  paa.

Enchanted Ace: The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon