PROLOGUE

1.1K 21 1
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or any information storage and retrival system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

This story is unedited so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and whatsoever error.

This story contains graphic depiction of violence, sexuality, strong language, and/or other mature themes.

There are few chapters are matured content so read in your own risk

Plagiarism is Crime

REVENGE SERIES 2: SWEET REVENGE [ON-GOING]

*****NAKANGITI ang mga labi ko habang naglalakad sa hallway tanging takong lamang ang naririnig sa bawat sulok ng hallway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*****
NAKANGITI ang mga labi ko habang naglalakad sa hallway tanging takong lamang ang naririnig sa bawat sulok ng hallway. Ngumiti ang guard at pinagbuksan ako. Nasa likod ko ang lalaking inupahan ko para idala ang bulaklak.

Pagkabukas ng pinto ay parang may masamang hangin ang pumasok at napatingin silang lahat sa akin, natigilan ang paguusap ng iba.

Masamang hangin talaga ako!

Pumasok na ako at naglakad sa bawat paglakad ko ay lumantad ang ang makinis kung hita dahilan parang luluwa na ang mata ng mga kalalakihan kakatingin sa akin. Ang kaninang matamis na ngiti ng bruha ay nawala ng makita ako. Hindi nya inaasahan na makita ako. Napatingin ako sa taas ng tarpaulin.

Happy birthday Rose Marie Opiana

Gusto ko ng tumawa at ilabas ang ngisi ko ng makita ang namumutla nyang mukha at labi. Para syang nakakakita ng bangkay na muling bumangon sa hukay.

"Oh my gosh dear! Akala ko may lamay lahat kasi nakaputi sa labas dapat kanina pa ako nakapasok dito pero hinintay ko pa dumating ang bulaklak"sinenyasan ko ang lalaking nasalikod ko na idala sa harapan nya ang bulaklak.

"I'm sorry dear I thought may lamay"paghingi ko ng tawad kahit gusto ko ng tumawa. Ganito para kasarap sa pakiramdam ang makita ang mga taong nanakit sa kapatid po. Masaya at nakakagigil na gumanti.

Nasa harap nya ngayon ang korona na bulaklak na para sa patay. Linabas ko ang sobre na naglalaman ng pera at winagayway sa kanya.

"Mag do-donate sana ako akala ko pinaglalamayan ka na dear birthday mo pala"hindi nya napigilan ang sarili nya nasampalan ako pero mabilis ko nahawakan ang kamay nya, gulat na gulat sya ganun din ang mga peke at plastic na kaibigan ng kapatid ko. Mabilis na lumipad ang kamay kung hawak ang pera at sinampal sa pisngi nya, nagkalat ang mga pera sa sahig.

"Maddison"sigaw ni Hudson ang asawa ng kapatid ko. Ngumiti ako at tinaasan sya ng isang kilay.

"Nilulugar ko lamang sya Honey masyado na kasi syang nakapulupot sayo nagalit tuloy ako akala ko kabit mo"kumislap pa ang mga mata ko ng sinabi iyon. Nagsimulang nagbulungan ang nasa paligid. Akmang hahawakan nya ako ng merong nagsalita sa stage.

"Goodmorning everyone I think simulan na natin ang pag blow ng cake Ms. Opiana pumunta na po kayo sa stage"saad ng emce para mawala ang tensyon sa pagitan naming tatlo.

"I'm sorry honey na carried a way lang ako! alam mo naman natatakot akong mawala ka sa akin"napamura ako sa isipan ko. Dahil ito ang kauna-unahang gagawin ko ito. Lumapit ako sa kanya tulad ng na ikwento ng kapatid ko ay hinahaplos nya ang pisngi ng asawa nya. Hindi ko pinahalata ang panginginig ng kamay ko na nasa pisngi nya. Pumulupot ako sa braso nya at bumulong.

"Para naman ito sa reputasyon mo honey"malambing kung saad bigla syang nateteme. Pinipilit nyang tinanggal ang kamay kung nasa braso nya pero hinigpitan ko iyon, lumingon ako sa knya.

"Manood nalang tayo"matamis kung ngiti.

"Thank you everyone"saad ng bruha at tumingin sa amin napatingin ako sa kamay nyang nakakuyom. Kita rin sa mukha nya na para nya akong gustong patayin. Nang masalubong ang mga mata namin ay ngumiti ako. Pasalamat sya hindi malakas ang pagsampal ko sa kanya baka may makapal na syang blush-on.

Lumabas ang cake kung saan ay may sorpresa ang humintay. Sumandal ako sa balikat ni Hudson at pinakita kay Rose ang karapatan ko bilang asawa ng lalaking inaahas nya.

"Gusto ko sanang samahan ako ng matalik kung kaibigan Hudson"saad nya mabilis na kumalas si Hudson sa akin at naglakad sa stage. Ngising tagumpay ang bruha pero ngumiti lamang ako sa kanya pabalik na ikinagulat nya.

Bakit namn ako magseselos hindi naman ako yung asawa ng walanghiyang yan.

"Thank you Hudson"malambing na saad ng bruha. Blangko lamang ang mukha ni Hudson mukhang pinanganak ito sa sama ng loob. Hinanda ko na ang kamay ko para pumalakpak. Pagkalapit ni Marie sa cake at pagkablow nya sa candle kasabay nun ang pagsampal sa mukha nya ng cake nya.

"Happy birthday"sigaw ko at pumalakpak sumunod naman ang iba. Nakatayo syang nanginginig ang dalawang balikat nya hanggang yumakap sya kay Hudson at umiyak. Lumingon si Hundson sa akin ngumiti ako sa kanya ay tinaas ng kamay ko at pinakita ang middle finger ko.

"Fuck you"bulong ko at tumalikod nagsisimula palang ako gumanti.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO REACT AND COMMENT

SWEET REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon