CHAPTER 17

379 11 0
                                    

[CHAPTER 17]

MAAGA akong nagising umalis ako ay nagpaalam sa mg asawa. Sumakay na ako sa bus patungong Maynila. Napabuntong ako ng maalala ang mga kalokohang na sinabi nya. Muntik na akong bumigay sa kanya pero ang emosyon na nararamdaman ko ay bumigay nadala ako sa mga sinabi nya. Mabuti nalang ay pinigilan ko ang sarili ko. Napapikit ako at bumalik ang mga alaala na kasama ko sya. Hindi man ganun katagal ang pinagsamahan namin alam ko merong parte sa puso ko na naging mahalaga sya noon. Dahil hindi ako masasaktan ng nakita kung nag proposed sya kay Maddison. Naguguluhan na ako dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi nya ka gabi.

Pagkarating ko sa bahay ay agad nila ako nila akong sinalubong. Nag-alala ang mukha ni Vincent agad nya akong hinila sa kusina para mag usap kami.

"Bakit ngayon kalang?"napabuntong ako sa sinabi nya.

"Nasiraan kami dumagdag pa ang lakas ng ulan kaya nakituloy kami sa ibang bahay!"pagpapaliwanag ko.

"Bakit hindi mo ako tinawagan?"

"Naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto alam mo naman na hindi ako sanay sa gagdet!"kahit ang totoo naman ay nasa bulsa ko sadyang nakalimutan ko lang ka gabi at ayaw ko na syang abalahin.

"May ginawa ba sayo ang gagong iyon?"pagod akong umiling sa kanya.

"Wala Vincent magpapahinga na ako!"at tinalikuran ko na sya pagkarating ko sa kwarto ay agad akong naligo ulit. Napasandal ako sa pader at hinayaan na lumandas ang tubig sa shower sa hubad kung katawan. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang mga sinabi nya. Ang hirap talaga alamin ang mga katotohanan pag nagsasabi sya maliban nalang sa mga kalokohan nya na ang daling malaman na nagsisinungaling sya pero sa usapan ka gabi ang hirap alamin ang totoo.

Si Vincent na ang nag-asikaso ng lahat mabuti narin yun dahil gusto ko munang iwasan si Hudson. Tungkol sa paghihiganti dapat labas talaga si Hudson doon wala naman syang ginawa si Maddison ang sumira ng buhay ko dapat sya ang pinagtutuunan ko ng pansin. Lutang ako buong maghapon nagtanga ang mga tao dito sa bahay dahil masyado akong lutang. Gabi ng dumating si Vincent nakangiti ang mga labi nito sa akin.

"My good news ako sayo Miranda!"saad nito kahit ang mga kasamahan ko ay naghihintay narin sa sasabihin nya.

"Gumana ang plano natin na mapabagsak si Hudson matinding crisis ang kinakaharap ng pamilya nya ngayon at sigurado akong wala ng bisa ang pera nila sa problemang kinakaharap nila"tumango nalang ako ay hindi pinahalata ang pagkagulat ko.

Naging balita din ang pagdiskubre sa mga illegal na gawain ng pamilya nya at sabit sya dito. May tsansa na bumagsak nga sila dahil sa malaking balitang ito. Hindi ko nalang pinapansin ang mga tingin ni Vincent sakin ng kumain kami. Nasaan kaya si Maddison ano na naman kaya ang plano ng babaeng iyon.

"Mag shopping tayo!"yaya sakin ng dalawa tumango nalang ako para kahit papano ay mawala ang pag-isip ko tungkol sa problema ng pamilya ni Hudson. Sila lang yatang dalawa ang nag enjoy.

"Sa parking lot nalang ako maghihintay"saad ko ng pupunta sila ng banyo. Sumandal ako sa kotse linabas ko ang cellphone ko at nag search sa internet. Naikagat ko ang pang-ibabang labi ng makita na pinagkakaguluhan si Hudson ng mg reporter.

"Mr. Sandoval anong masasabi nyo tungkol sa binibintang sa inyo?"hindi sya nagsalita tuloy-tuloy lang syang naglakad. Hanggang sa merong bumato sa kanya ng itlog dahilan para mapatigil sya natamaan sya sa ulo at dibdib. Hindi lang iyon dahil may lumapit sa kanya at inalis ang maskara. Gulat ang mga tao ng makita ang sunog na kalahating mukha ni Hudson. Tila naging emosyonal ako ng mangyari iyon sa kanya. Humarang ang mga bodyguard para takpan sya.

"Halimaw!"sigaw ng mga tao umiling lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.

Parang ka gabi lang nakangisi pa ang mga labi nya ngayon para na syang binagsakan ng langit at lupa. Pinatay ko na ng cellphone ko at binulsa iyon. Nasaan na ba ang dalawang iyon ang tagal tagal. Napatingin ako sa motor na huminto sa harapan ko. Dahan-dahan nyang inalis ang helmet nya.

"Hudson!"saad ko ngumisi sya sakin at linahad ang helmet napatingin ako doon.

"Sumama ka sakin Addison!"tinawag nya na naman ako sa pangalang iyon.

"Pumanta kalang dito para sabihin sakin yan!"inis kung singhal nya.

"Kailangang nating mag-usap please!"sabay haplos nya sa mahabang buhok nya mukhang pagod na pagod sya. Napabuntong ako at tinanggap ang helmet. Lumawak ang ngiti nya ng sumakay ako. Hinawakan nya ang kamay ko para ilagay sa dibdib nya agad ko iyon inalis.

"Kumapit ka baka mahulog ko!"sabay haplos nya sa kamay ko binatukan ko sya dahil sa ginawa mo.

"Pwede ba umaayos ka dahil baba ako dito!"singhal ko sa kanya.

"Sorry sweetheart"umiling nalamang ako ng marinig ang tinawag nya sakin. Pinaandar nya na ang motor bahala ang dalawang iyon magpaliwanag kay Vincent kung bakit hindi nila ako kasama pag-uwi. Mukhang malayo ang pinuntahan namin huminto kami saglit bumili sya ng kumpol ng puting rosas dalaw ang binili binigay nya sakin ang isa tinanggap ko na dahil alam kung kukulitin nya ako. Ang isa hindi ko alam kung kanino nya ibibigay. Napangiti ako ng matanaw ko ang dagat. Sigurado akong hinahanap na ako ni Vincent ngayon at hindi ko na alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya pag nak uwi pa ako!

Nagtaka ako ng huminto kami sa memorial park. Sumundo lamang ako sa kanya hanggang sa huminto sya yumuko sya at linapag ang puting rosas.

"I'm sorry ngayon lang ako nakabisita!"saad nya lumapit ako at napagmasdan ang babaeng nasa lapida nanlaki ang mata ko ng makita ang pamilyar na babae ito ang larawan na pinakita sakin ni Hudson noon.

"Alam kung natatandaan mo Addison na sya ang babaeng sinasabi ko sayo na naging unang girlfriend ko pero hindi mo naalala na sya ang babaeng nag donate sayo ng puso para mabuhay ka!"saad nya sakin.

"Nadamay sya sa gulo naming dalawa ni Maddison!"bakit nya ako dinala dito para saan.

"Nagtataka ka kung bakit nandito ka!"saad nya at napalingon sakin.

"Gusto kung ipakilala kita sa kanya dahil nangako ako na ipakilala ko ang babaeng mahal ko sa babaeng naging espesyal din sakin!"emosyonal na sabi nya.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon