CHAPTER 4

489 10 0
                                    

[CHAPTER 4]

NAPALINGON ako kay Hudson permanente itong nakaupo sa tabi ko. Para kaming hari at reyna dahil sa itsura naming dalawang. Lumingon ako kay Rose nanlilisik ang mga mata nitong tinignan ako pero tinaasan ko lang sya ng kilay at ngumisi sa kanya na maslalo pang nagpamula sa mukha nya.

"Dahil ikaw ng asawa ng apo ko ay ibinibigay ko sayo ang kalahati ng negosyo ko Maddison at sa oras na magkamali ka ay mawawala sayo ang lahat"saad ng matanda at binigay sa akin ng isang papel na naglalaman ng isang kasunduan nang kamatayan.

"Hindi kana makakatakas sa oras na pirmahan mo na yan at kung hindi mo naman pipirmahan mawawala ang bisa ng kasal nyo ni Hudson"napatingin ako kay Hudson pero blangko lamang ang mukha nitong tinignan ako. Ito pala ang dahilan kung bakit nya ako kinulong hindi pwede na ganito lang matatapos ang lahat. Sa pagkamatay ng kapatid ko ay kailan merong magbayad at hindi iyon matatapos hangga't walang nagbabayad.

Hindi ako nagdalawang isip na kinuha ang ballpen at pinirmahan sa dulo non ay merong karayom tinusok ko ang daliri doon at ay linagay sa perma.

"Good!"nagpalakpakan ang lahat ng may ngiti sa labi maliban kay Rose na napipilitan yata ibig sabihin nito ay lahat ng meron sa kanila ay akin narin.

Pagkatapos ng araw na iyon bihira ko nalamang makita si Hudson na umuuwi sa mansion mukhang binahay nya na ang kabit nya. Pinagtuunan ko nalamang ang pansin ko sa trabaho sa kompanya ni Hudson kahit doon hindi kami nagsasalubong na dalawa. Kahit sa board meeting ay wala sya at secretary nya ang nandito. Natapos ang meeting ay walang dumating na Hudson mahusay naman ang secretary nya dahil nakukuha nitong sumagot sa mga katanungan ng board. Nagdalawang isip pa ako nalipitan ito pero kailangan kung malaman kung nasaan ang lintik na si Hudson hindi ko magagawa ang plano ko pagwala sya.

"Hindi ko po alam madam kung nasaan si Sir"pagsisinungaling nito hindi na ko nangulit dahil alam ko naman hindi nya sasabihin ang totoo. Pero isang balita ang nagpagulat sa akin ng malaman na nasa hospital si Hudson merong balak na pumatay sa kanya nakasama sya sa pagsabog ng kotse nya pero nakaligtas sya pero sunog ang kalahati ng mukha nya.

"Tangina umalis kayong lahat"sigaw nya sa amin. Umiyak ang mama nito pero wala silang nagawa ng umalis sa loob ng kwarto ni Hudson. Dapat hindi ako maawa sa kalagayan nya pero tangina ng makita ko ang itsura nya parang bumalik ang lahat ng trauma ko nung bata ako. Nanlalabo ako ng maalala ang lahat kung paano nila ako buhusan ng asido sa mukha. Nakaranas akong ng pangbu-bully noon maraming mga babaeng inggit sa itsura ko kaya nagawa nila sa akin. Walang nakakaalam na kambal kami ni Maddison dahil sa hirap sa buhay ako lamang ang nakakapasok sa skwelahan at pag kauwi ko ay tinuturuan ko si Maddison. Nang dahil sa nangyari sa mukha ko ako ang nakulong sa bahay at hindi lumabas ng ilang taon ganito pala ang pakiramdam ni Maddison pag nakakulong sa bahay. Nang mamatay ang magulang namin ay si Lola na ang nag-alaga sa amin pero pumanaw din ito. At ngayon kapatid ko naman ang nawala binigay ni Maddison ang perang na ipon nya sa akin bago sya mamatay at yun ang ipananggamit nya sa akin para bumalik ang dati kung kamukha na kahawig sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo dito?"sigaw nya sa pagmumukha ko. Mabuti nalang ay walang luhang pumatak sa mga mata ko ang isang kamay nya ay tinatakpan ang kalahati ng mukha nyang nasunog. Tanging mga mata nya lang ang naayos pero ang mukha nyang nasunog ay hindi dahil kailangan maghintay ng ilang taon para masimulan ang operahan dahil hindi pa humihilom ang balat ng mukha niyang nasunog.

"Akala ko namatay kana sayang naman yung kabaong na pina reserve ko"nakangising sabi ko para mawala ng awa na nararamdaman ko para sa kanya. Bumagsak sya sa kama nya at tiningnan ang kisame.

"Get out"malumanay nyang sabi lumapit ako sa kama.

"Hudson"lumingon sya sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakuha kung ngumiti sa kanya ng totoo na ikinagulat nya.

"Mukha ka nang halimaw sa itsura mo para ka yung sa halimaw sa kwentong beauty and the beast"asar ko ulit dahil alam ko na ayaw nyang kinakaawan sya dahil yun ang ikinagagalit nya kanina ng makita ang pamilya nya at lalong lalo na ang mommy nya na umiiyak sa harapan nya at paulit-ulit na sinabi sa kanya na magiging maayos din ang lahat.

"Shut up bitch"singhal nya sa akin umupo ako sa upuan na malapit sa kanya.

"Sunog na nga ang mukha mo pero masungit ka parin dapat pala yung kaluluwa mo nalang ang nasunog baka naging mabait ka pa"sabay tawa ko doon lang ako napatigil ng marinig ang sinabi nya.

"Your change a lot Maddison"diin ang mga salitang iyon nabiglang nagpakaba sa akin pero hindi ko pinahalata.

"Sinabi ko na sayo Hudson marami"tumingin na naman sa kisame.

"Yeah marami ang nagbago sayo naging palaban ka hindi tulad noon-"bigla syang lumingon at ngumisi"Iisipin ko na parang hindi ikaw si Maddison"naitikom ko ang bibig ko ng marinig ang sinabi nya.

"Magpapahinga na ako kaya umalis kana"agad akong tumayo.

"Dapat pagbisita ko ulit dito dapat nasa morge kana"at sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ko ang pagtawa nya, tawa na walang halong plastic at galit.

"Mamatay lang ako pagkasama ka"sumbat nya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"Gago"saad ko at tumalikod pagkalabas ko ng kwarto ay napahawak ako sa dibdib ko. Hindi pwedeng ganito. Addison umayos ka dapat hindi ka maawa sa kanya dahil hindi sya naawa sa kapatid mo.

Tama!

Hindi ko sya dapat kaawaan kasabay nang pag-alis ko sa hospital na iyon ay may kakaibang pakiramdam ang bumalot sa buong sistema ko na kinakatakot ko ng magpatuloy hanggang sa lamunin ako nito

Hindi pwedeng mangyari ang bagay na iyon!

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon