[CHAPTER 13]
3 YEARS AGO!
NAPAMURA ako ng sunod-sunod ng putok ng baril ang pinatama sakin.
"Nasaan na ba kayo?"bulong ko umalis ako sa pader at pina-ulunan sila ng baril.
"Miranda"napalingon ako sa paparating na Vincent agad nya akong hinila ng muntik nang tumama ang baril sa akin. Pinapatok nya ang baril headshot ang lalaki.
"Damn! Bakit ngayon lang kayo!"inis syang lumingon sakin at kinasa ang baril nya.
"Malamang hindi madali ang pumasok dito kasalanan mo masyado kang padalos-dalos"singhal nya sakin at nagtago kami sa pader ng meron na namang dumating at pinagbabaril kami. Nakinig lang ako sa mga sermon nya.
"Tsak na alarma na ang dati nung asawa"
"Wala akong pakialam"sabi ko at lumabas pader at pinagbabaril sila rinig ko ang malakas nyang mura dahil sa ginawa ko. Hindi ko nakakalimutan ang sinabi ko sa sarili ko na babalik ako para gumanti.
"Let's go"sabay hila nya sa akin ng meron na namang dumating ng mga tauhan ni Hudson nilusob namin ang isa sa mga negosyo nya.
"Bilisan nyo"sigaw ni Irina ng bumukas ang pinto ng van pinauna ako ni Vincent bago sya sumunod.
"Hindi natin sila kaya"natatawang sabi ni Enrile. Binato ko sa kanya ang bonet at nasalo nya iyon.
"Mayaman na naman tayo!"sabay apiran nina Michael at Daniel samantalang busy naman sa pagmamaneho si Zandra.
"So anong plano ang sunod nating gagawin madam?"masama kung tinignan si Enrile pero tumawa lang ito napalingon ako kay Vincent parang wala lang sa kanya ang ingay. Minsan hindi ko natitiis na ikapagkumpara sya kay Hudson dahil pareho silang masungit pero minsan lumalabas ang pagiging pilyo nito.
"Ano?"inis nyang lingon sakin umiwas ako at bigla akong nakaramdam ng kahihiyan dahil mukhang nahuli nya akong tinitignan ko sya.
"Wala!"
"Tsk"
Tanging yung tatlo lamang na lalaki ang maingay sa van hanggang sa pagdating namin sa bahay na kung saan sama sama kaming nakatira ay maingay parin sila. Napalingon ako kay Vincent nang pumasok ito sa kwarto ko.
"Anong kailangan mo?"masungit kung tanong habang sinusuklay ang mahaba kung buhok sa malaking salamin na nasa harapan ko.
"Don't move!"malamig nyang sabi at meron syang kinuha sa bulsa nya naikagat ko ang pang-ibabang labi ko ng makita ang kumikinang na kwintas na sinusuot nya sa akin.
"Saan mo nakuha ito?"
"Hindi ko yan ninakaw pinag-ipunan ko yan dahil hindi ako nakapagbigay sayo ng regalo ng birthday mo!"
"Tsk nag-abala ka pa!"matabang kung sabi kahit ang totoo ay natutuwa ako sa binigay nya hinaplos ko iyon.
"Bagay sayo Miranda"sabi nya yumuko sya ay pinatong ang ulo nya sa balikat ko.
"Lalo na ang bago mong mukha ngayon"sabay haplos nya sa pisngi ko agad ko iyon tinampal pero nakangisi ang mga labi nya.
"Nakuha mo man ang mukha nya pero hindi ang ugali nya!"
"Umalis kanalang Vincent!"inis kung sigaw sa kanya at tumawa sya.
"Fine wag mung kakalimutan mamayang gabi!"sabi nya bago sya lumabas ng kwarto. Napabuntong ako ay muling tignan ang sarili naikagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kamukhang-kamukha ko ang dating asawa ni Vincent. Sinabi ko sa kanya na wala na akong balak na ipaayos ang mukha ko at lalo na gayahin ang mukha ng dati nyang asawa na namatay at makulit sya. Magaan ang trato nya sakin dahil nakikita nya sa akin ang asawa nya.
Tama sya kuhang-kuha ko ang mukha ng asawa nya pero hindi ko nakuha ang pagiging mahinhin nito. Sa tuwing nakikita ko ang mukha nito ay sobrang inosente at mala anghel pero sa oras na magsalita ako ay ibang-iba na.
Inayos ko na ang sarili ko dahil sa event na mangyayari mamaya excited na akong makita silang lahat. Lalo na ang kapatid ko. Pinili ko ang tube dress ang peklat sa dibdib ko ay linagyan ko ng cream para hindi makita ganun din ang tattoo na linigay sa leeg ko ni Maddison para magpakamalan na talagang ako sya. Kasabay ng pagbabago ng mukha ko ay hindi ko narin ginamit ang pangalan na Maddison ginamit ko ang second name ko na si Miranda at hindi rin sinasadya na parehas kami ng pangalan ng asawa ni Vincent lahat nalang talaga parehas.
"Are you ready?"tanong nya sakin tumango ako bago kami pumasok sa loob napalingon sa amin ang lahat. Naikuyom ko ang kamao ko ng matanaw ang dalawa dito pareho nila ako sinuri ng tingin.
"Let's go ipakilala ko kayo kay madam"saad ng lalaking lumapit sa amin. Hindi ko alam kung paano magawan ng paraan ni Zandra na iayos ang pangalan namin para makapasok kami. Humigpit ang hawak ni Vincent sa bewang ko ng makatayo na kami sa harapan nya. Hindi parin nag bago ang lola ni Hudson ganun parin maamo at kita sa postara nito na makapangyarihan sya.
"Senyora sila ang sinasabi ko na naging kleyente natin sa bagong business natin!"tumango lang ang matanda.
"Senior"tawag nya kay Hudson at tinuro kami. Naglahad ng kamay si Vincent.
"Vincent Castillo and my wife Mrs. Miranda Castillo"ngumiti lamang ako tignan lamang iyon ni Hudson.
"Mabuti pa doon tayo sa opisina at magkaroon tayo ng privacy"saad ng matanda. Dumidilim ang paningin ko ng pumulupot ang kamay ni Maddison sa braso ni Hudson.
"Are you okey?"seryosong sabi ng katabi ko.
"I'm fine Vincent"walang ganang sabi ko. At nagsimula na kaming umakyat pagkarating namin sa opisina ay pinag-usapan ang tungkol sa shares. Si Vincent ang nakipag-usap dahil sinabi nya sa mga ito na hindi ako gaano kaalam ang mga share at totoo naman iyon. Humigpit ang hawak ko sa dress ko ng maramdaman ang matutulis na titig ni Hudson sakin mabuti nalang ay merong lamesa sa harapan namin para hindi makita ang panginginig ng kamay ko.
Bakit hindi ko kayang huminahon sa mga titig nya na sobrang tagos sa buong katawan ko.
Damn!
MoonLoverPrincess2
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

BINABASA MO ANG
SWEET REVENGE
Storie d'amoreSWEET REVENGE [REVENGE SERIES 2] Bumalik sya para kumuha ng hustisya para sa kapatid nya. Nagpanggap sya bilang si Maddison ang asawa ng isang CEO na si Hudson. Sa pagbabalik nya sisiguraduhin niyang lahat ng sakit na naranasan ng kapatid nya ay ipa...