[EPILOGUE]
HUDSON POV
NAKALIGTAS kaming dalawa ni Addison ng dumating ang grupo nina Vincente bago talaga ako pumanta sa lugar kung nasaan si Addison ay pinuntahan ko muna si Vincent labag man sa loob ko humingi ng tulong sa kanya ay linunok ko nalang ang pride ko para kay Addison. Gumawa ng paraan si Vincent na ipalabas sa publiko na tuluyan na kaming namatay ni Addison para sa ganun ay hindi na kami ma sundan ng mga kalaban.
Pagkatapos maitulak ng mga tauhan nya ang kotse ni Addison sa bangin ay binaril ako sa balikat ni Maddison at mapait syang ngumiti sakin, tinutok nya ang baril sa ulo nya at kinalabit iyon. Kaya patay na sya ng maabutan ng mga pulis.
Pinili namin manirahan sa isang isla malayong-malayo sa Maynila. Masaya na ako sa ganitong buhay basta kasama ko si Addison. Hinalikan ko ang noo nya dalawang taon narin ng dito kami ni Addison namuhay. Binili ko ang isang Mansion dito sa isla malapit sa dagat dahil gusto nya ang mga iyon. Inayos ko ang kumot na bumabalot sa hubad nyang katawan. Masyado syang napagod ka gabi dahil hindi ko sya tinigilan, bumalik ang mga alaala ko kung paano ko sya nabuko.
Ang totoo nyan wala naman talaga akong ideya na nagpanggap sya sadyang gumawa lang talaga ako ng trap para magaling sa bibig nyang mismo na hindi sya si Maddison.
Hindi nga ako nabigo dahil mismong mga bibig nya ang nasabi na nagpanggap sya bilang si Maddison para gantihan ako. Marami kasi ang nagbago sa kanya kaya bigla akong na curious. Dahil si Maddison ang tipo ng babae na mahirap magbago at magpanggap. Natutuwa ako sa tuwing inaasar ko sya lalo na sa hita nya sobrang kinis kasi at mahaba ang mga iyon kaya hindi ako makatimpi na hawakan.
Sa tuwing kasama ko sya ay may kung ano akong naramdaman na ang hirap ipaliwanag. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin sa kanya na tutulungan ko sya sa isang kondisyon na maging alipin sya. Siguro masyado na talaga akong hibang pagdating sa kanya. Lahat ng babae na dumating sa buhay ko sya ang naiba. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa kanya ko pa naramdaman ang mga iyon.
Nung araw na nakulong sya dahil pinagkamalan syang sya si Maddison dahil sa tattoo nito sa leeg nya ay hindi na ako umimik dahil alam kung may binabalak si Maddison. Nang makita ko ang mukha nyang natutunaw dahil sa asido ay hindi ko mapigilan ang galit ko kay Maddison gustong-gusto ko na syang patayin pero hindi ko ginawa dahil alam kung matalino sya. Sobrang tindi ng selos ko ng makita na magkasama silang dalawa ni Vincent hindi na ako nagulat sa bagong mukha nya dahil palihim akong nagpaimbestiga para malaman kung maayos lang sya pagkatapos na sunugin ni Maddison ang presinto. Mabuti nalang ay maayos sya at nakilala nya si Vincent.
Pero hindi ako kampante na dikit na dikit sya kay Addison at nakakaasar ang pagtawag nya kay Addison ng Mrs. Castillo hindi bagay sa kanya mas bagay sa kanya ang apelyido ko-
Addison Miranda Sandoval
Mas bagay iyon sa kanya at maging asawa ko. Napaayos ako ng dahan-dahan nyang dinilat ang mga mata nya napangiti ako ng ngumiti sya sakin.
"Goodmorning Mrs. Sandoval!"sabay higa ko sa kama at tabi sa kanya, mahigpit ko syang niyakap.
"Nagugutom ka na ba?"tanong ko sakanya hinalikan nya ang mga labi ko kaya napangiti ako. Hinaplos nya ang mukha ko kung nasaan nandoon parin ng peklat galing sa sunog wala na akong balak magpa-opera pa. Pero si Addison ay binalik nya ang dating mukha nya. Sabi ng mga doctor ay baka maging komplikado ang lahat dahil ilang beses na sya nag pa opera pero sabi nya ayaw nyang kunin ang mukha ng babaeng minahal ni Vincent dahil hindi nya deserve ang mukhang ito. Kaya humanap ako ng magaling na doctor para sa operasyon sa mukha nya at nagtagumpay ang mga ito naibalik ang dating mukha ni Addison.
BINABASA MO ANG
SWEET REVENGE
RomanceSWEET REVENGE [REVENGE SERIES 2] Bumalik sya para kumuha ng hustisya para sa kapatid nya. Nagpanggap sya bilang si Maddison ang asawa ng isang CEO na si Hudson. Sa pagbabalik nya sisiguraduhin niyang lahat ng sakit na naranasan ng kapatid nya ay ipa...