CHAPTER 9

441 10 0
                                    

[CHAPTER 9]

HINDI ko pinahalata ang pagkailang sa posisyon naming dalawa ni Hudson nasa kama sya at nakaluhod ako sa harapan nya habang ginagamot ang daplis lang pala ng bala. Inis ko itong nilingon ng marinig ang pagsinghap nya ng dumampi ang alcohol sa balikat nya mabuti nalang ay merong medicine kit sa kwartong ito.

"Fuck"mura nya.

"Ano ba Hudson wag ka ngang malikot"pagrereklamo ko dahil sa tuwing dumadampi ang cotton na may alcohol ay napapamura sya.

"Alcohol lang pala ang kinakatakutan mo"asar ko sa kanya nagmura na naman sya.

"Damn!"inis kung binato sa kanya ang cotton dahil kanina pa ako asar-asar sa kanya para syang butakti sa sobrang galaw.

"Ikaw na nga ang gumamot nyan!"inis kung singhal at tumayo sa pagkakaluhod pero hinawakan nya ang braso ko.

"Ano?"inis kung tanong pero ngumisi sya.

"Luhod ka ulit at gamutin mo ang sugat ko!"tinampal ko ang kamay nyang nasa braso ko at napalunok ako dahil sa sinabi nya iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya.

"Bahala ka sa buhay mo Hudson"padabog akong umalis sa harapan nya narinig ko pa ang pagtawa nito. Bigla syang napatigil ng pareho kaming napalingon sa pinto bumukas iyon mga pulis pala.

"Ayos lang po ba kayo?"tanong ng pulis sa amin.

"Yes we're fine!"at na una na akong lumabas sa kwarto. Mukhang maswerte ako ngayon. Ano bang pinasok ni Maddison at madaming maghahanap sa kanya. Ano bang gulo ang pinasok mo Maddison dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa dami ng mga taong gusto akong patayin.

Pagod na pagod ako ng umuwi sa mansion grabe antok na antok ako. Nagising ako sa mahinang katok dahan-dahan kung minulat ang mata ko at napatingin ako sa veranda sumisikat na pala ang araw. Inayos ko muna ng sarili ko bago buksan ang pinto nagtaka ako nang si Hudson pala it, anong ginagawa nya dito.

"Anong kailangan mo?"

"Wala manlang na goodmorning"nakangising sabi nya.

"Baliw tabi ka nga jan!"sabay tulak ko sa kanya pero sumunod sya sa akin.

"Ano hindi mo parin ba kailangan ang tulong ko!"inis akong lumingon sa kanya ay tinaas ko ang kamay ko at pinakita ang middle finger pero tumawa lang sya.

"So sweet Addison"mahina nyang bulong sa pangalan ko. Padabog akong bumaba ng hagdan at binilisan ko narin ang paglalakad ko. Asar na asar na asar na ako sa pagmumukha nya. Hindi ako sanay na ganito ang trato nya sa akin. Hindi tulad noon ng hindi nya pa nalaman na nagpapanggap ako ay marahas sya sa akin. Ramdam ko ang malakas nyang sampal sa akin at sobrang galit nito pero ngayon ay hindi nya na ako pinagbubuhatan ng kamay at sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa mga sunod-sunod na problema na binigay ng mga kalaban ni Maddison hindi ko alam kung saan ako magsisimula. At alam kung maraming alam si Hudson dahil hindi nya ako aalukin ng ganun kung wala syang alam sa tinatago ng kapatid ko.

Pero ano naman ang dahilan nya at gusto nya ako tulungan bukod sa gusto nya akong maging alipin ano pa ang kailangan nya sa akin. Kaya hindi ako dapat magtiwala sa kanya mahirap na.

Binaba ko ang kutsara ng maramdaman ang pagtitig nya sa akin kanina pa sya.

"Ano ba ang kailangan mo Hudson?"inis kung singhal pero ngumisi sya. Kami lang dalawa ang nandito sa dining area.

"Maraming sikreto ang tinatago sya at alam ko ang lahat ng mga iyon at ako lang ang makakasagot kung bakit gusto ka nilang patayin ng mga tao na umatake sa atin ka gabi!"mahigpit kung hinawakan ang kutsara. Oo alam ko naman na marami kang alam. Kinuha nya ang tubig at ininom yun habang nakatingin sa akin agad akong umiwas ng hindi ko matagalan ang kakaibang titig nya sa akin.

"Nandito lang ako kung magbabago ang isip mo!"tumayo sya at iniwan ako. Napasubsob ako sa mukha ko! pag lumabas ako tsak may bago na namang kalaban. Simula sa mga grupo ng mga kababaihan tungkol sa mission  ng kapatid ko napatiyin si Hudson alam kaya ni Hudson iyon. Pangalawa yung babaeng galit na galit dahil sa secret affair ng kapatid ko sa asawa nya. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin iyon ni Maddison. Sa  aming dalawa sya ang pino kumilos mailap sya sa mga lalaki dahil gusto nya munang magkaroon ng maayos na trabaho at buhay bago pumasok sa isang relasyon. Pero hindi ganun ang nangyari dahil pagkauwi nya noon sa bahay ay sinabi nya sa amin ni Lola ang tungkol sa balak nyang pagpapakasal kay Hudson. Hindi ako umattend dahil sa takot kung makita ng ibang tao ang mukha ko.

Pagkatapos ng ilang taon ay nabalitaan namin ang aksidente na nangyari sa kanya at doon na nga nagsimula ang lahat-lahat. Sa paghihiganti ko kay Hudson at sa mga taong nasa paligid nya ang akala ko ay ganun lang kadali ang lahat pero hindi pala! Hindi ganun kadali ano pa ba ang sekreto mo Maddison na dapat kung malaman. Naghalungkat ako sa mga gamit nya pero wala akong makita masyadong malinis ang lahat hanggang sa may nakapa ako sa ilalim ng kama nya agad ko iyon kinuha. Isang kahon binuksan ko iyon nanginginig ang mga kamay kung hinawakan ang larawan.

Anong ibig sabihin nito bakit kamukha namin ni Maddison ang babaeng nasa larawan. Maamo ang mukha nito at hindi nakangiti ang labi meron syang tattoo sa leeg nya. Kamukhang-kamukha namin sya. Imposible na triplets kami napahawak ako sa noo ko sumasakit na ang ulo ko sa mga nalalaman ko.

Hindi lang dalawa kundi tatlo! Tatlo kaming magkaparehong mukha.

Anong ibig sabihin nito?

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon