[CHAPTER 1]
NAPATINGIN ako sa pinto ng bukas iyon. Namumula sa galit ang mukha ni Hudson mukhang hindi nya nagustuhan ang ginawa ko sa kanilang dalawa ni Rose. Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at matapang na sinalubong ang mga nagliliyab nyang mg mata.
"What the hell did you do!"sigaw nya. Kung kapatid ko siguro ito baka ay nanginginig na ang labi nun sa takot pero hindi naman sya ang nandito. Pinagcross ko ang mga hita ko dahilan para lumantad ang makinis kung hita ganun din ng ginawa ko sa dalawang braso ko pinagcross ko din iyon.
"Are you fucking insane?"lumapit sya sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko imbis na matakot sa kanya ay ngumisi ako. Bakit ako matatakot sa kanya mga barumbado nga at kriminal na nakasama ko sa kulungan ay hindi ko kinakatakutan sya pa kaya.
"Yes I'm fucking insane Hudson nababaliw na ako"singhal ko kanya at tumawa na ikinagulat nya. Marahas kung binawi ang braso kung hawak nya at tumayo ako sabay duro sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit sa kanya at s mga taong nanakit sa kapatid ko.
"Isang taon Hudson maraming nagbago marami"nangingil na singahal ko. Napahawak sya sa leeg nya at bigla syang ngumisi na ipinagtaka ko.
"Lumalaban kana Maddison bakit meron na bang lalaki ang sumusuporta sayo sino yung lalaking bodyguard mo?"hindi ko pinahalata na nagugulahan ako. Meron palang bodyguard ang kapatid ko hindi ko kasi makita dito sa mansion bukod sa mga katulong na mukhang ayaw din sa kapatid ko.
"Wag mo akong itulad sayo Hudson babaero"napahawak ako sa pisngi ko ng sinampal nya ako. Shit masakit iyon ganito pala ang ginagawa nya sa kapatid ko hindi pa sya nakuntento hinayaan nya lang si Rose na saktan ang kapatid ko at ang kotse na ginagamit ng kapatid ko ay tinanggalan nila ng preno kaya nahulog ito sa bangin. Bago sya mamatay ay binilin nya sa akin na gumanti ako sa mga taong nanakit sa kanya lalo na sa asawa nyang gago.
"Bakla ka siguro Hudson dahil pinapatulan mo ako"nakangisi akong tumingin sa kanya. Marahas nya akong hinila at hinawakan ng mahigpit ang panga ko pero ngumisi lamang ako at hindi nya iyon nagustuhan. Napahawak sya sa mukha nya ng dinuraan ko sya ng dugo dahil sa malakas na sampal nya sa akin.
"Tangina"mura nya.
"Iniwan mo ako Hudson bilang babaeng baliw na baliw sayo at hinayaan na saktan ako pero ngayon kaya ko ng maging matapang at ipagtanggol ang sarili ko"sigaw ko. Pinunasan nya ang mukha nya gamit ang necktie na nasa puti nyang polo at parang nababaliw na ngumisi. Para na syang demonyo sa harapan ko. Ano ba ang nagustuhan ng kapatid ko sa walanghiyang ito. Sabihan na natin na gwapo, mayaman pero ang sama ng ugali.
"Tignan natin kung saan yang aabot ang tapang mo Maddison"saad nito bago ako iwan sa kwarto. Nakahawak ako sa leeg ko para pakalmahin ang sarili ko. Shit napatingin ako sa isang kamay ko nanginginig iyon sa galit.
Tangina nya talaga!
Kinabukasan ay nandito ang bruha sinama pa ang mga ala-alay nya ngumisi ito ng mapansin ang pasa sa gilid ng labi ko.
"Are you okey dear?"saad nito ngumisi ako na ikinagulat nya.
"Kanina maayos lang ako pero biglang merong hangin ang pumasok sobrang baho nga nangangamoy basura!"
"Bitch"singhal nito.
"Snake"saad ko lmapit sya sa akin pero pinigilan sya ng mga kaibigan nya.
"Matapang ka ng babae ka sa tingin mo uubra yang tapang mo sa akin"napahawak ako sa bibig ko at humikab.
"Nakakaantok"
"Rose"pigil ng kaibigan nya ng sasabunutan ako nito.
"Sa tingin mo ay nakalimutan ko na ng ginawa mo sa akin kahapon"sigaw nya tamad ko syang tinignan.
"Kung hinahanap mo si Hudson wala sya dito baka nasa opisina nya at nangangabayo ng ibang babae"sabay tawa ko ng umuusok na ang ilong nya.
"Kung ako na asawa nya ay niloloko, ikaw kayang wala namang papel sa buhay ni Hudson mukhang hindi lang ikaw ang kinakabayo nya"sabay hawak ko sa tiyan ko dahil natatawa ako sa mga pinagsasabi ko. Napahawak ako sa mga mata ko dahil naluluha ako.
"Bitch"sigaw nya.
"Kung ako sayo puntahan mo na sya mukhang sexy pa naman yung secretary nya nakita ko sa cellphone ni Hudson na nag send ng panty na pula"natatawang sabi ko padabog syang umalis sa harapan ko habang ako naman ay tumatawa. Naniwala naman ang bruha sigurado akong makatanggap sya ng sermon kay Hudson na biglang papasok sa opisina nya si Rose. Ang pagkakaalam ko ay narinig ko sa telepono na kausap nya ay meron silang meeting ngayon.
Tama lang yun sa bruha na yun!
"Madam ito ka na yung kape nyo"napalingon ako doon.
"Sayo nalang yan"nagulat ito at tumingin sya sa kape.
"Hindi po sa inyo ito"pagpupumilit nito.
"Ako ang amo kaya ako ang masusunod hindi porket sa mga taon na dumaan ay hinayaan ko lang kayo nabastusin ako na nakatalikod ako ibahin nyo na ngayon, ngayon inumin mo yan"sigaw ko dahilan para mapatigil ang ibang kasambahay sa mga ginagawa nila. Akala nya ay hindi ko makikita na dinuraan nya ang kape na hawak nya.
"Madam"nanginginig nyang sabi.
"Iinumin mo o mawawalan ka ng trabaho"nanginginig ang mga kamay nyang ininom iyon.
"Sa susunod na duraan mo pa ang iniinom ko sisiguraduhin ko babalik ang mga lahat ng yan sayo"pagbabanta ko at tinalikuran sila. Ngayon nandito na ako sa mansion ay sisiguraduhin kung babaguhin ko ang lahat-lahat.
Pumasok ako sa kwarto ni Hudson gaganti ako anong akala nya palalampasin ko ang pagsampal nya sa akin kagabi. Pumunta ako sa kusina at kinuha ang toothbrush linublob ko iyon sa bowl at pinaikot ikot pa. Kinuha ko ang toothpaste binuksan ko iyon at kinuha ang glue na nasa bulsa ko at linagay sa loob.
"Namnamin mo ito Hudson"nakangising sabi ko.
Anong akala nya ay hahayaan ko lang sya na hindi ako gumaganti. Enjoy your toothpaste ang toothbrush sigurado akong malalasap mo ang kakaibang sarap. Bigla akong natawa dahil sa iniisip ko.
MoonLoverPrincess2
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

BINABASA MO ANG
SWEET REVENGE
RomantizmSWEET REVENGE [REVENGE SERIES 2] Bumalik sya para kumuha ng hustisya para sa kapatid nya. Nagpanggap sya bilang si Maddison ang asawa ng isang CEO na si Hudson. Sa pagbabalik nya sisiguraduhin niyang lahat ng sakit na naranasan ng kapatid nya ay ipa...