CHAPTER 6

596 14 0
                                        

[CHAPTER 6]

BUONG gabi akong hindi makatulog kaya naman nung bumangon ako ngayong umaga ay masama ang pakiramdam ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko! alam nya na hindi ako ang asawa nya kasalan ko naman ang lahat dahil hindi ako nag-iingat pero hindi ibig sabihin non ay dito na matatapos ang lahat kailangan kung makahanap nang isang bagay na pwedeng ipang-blackmail sa kanya.

Hindi pwede matapos ang lahat dito ang daming paghihirap ang pinagdaanan ng kapatid ko dahil sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Senorito"napalingon ako sa kanya ang kalahati ng mukha nya ay merong maskara kung saan sa parte non ay may bakas ng sunog. Blangko ang mga mukhang tinignan ako naka suit ito matapang ang mga mata kung tignan  sya.

"Just give water"malamig na saad nya at umupo sa harapan ko. Pakiramdam ko ay nagsisimulang lumiyab ang apoy sa pagitan naming dalawa.

"Wala akong pakialam sa mga plano mo!"naibaba ko ang kutsara sa lamesa, sumandal sya sa upuan, pinagsaklop nya ang mga daliri nya nasa ibabaw ng lamesa.

"At wala kang gagawin?"nakangising tanong ko nagulat ako ng ngumiti sya kakaibang ngiti iyon. Linapag ng isang katulong ang tasa na merong tubig at dali-daling umalis na para bang napapaso sa amo nito.

"Bakit naman ako mangingialam!"sabay dampi ng labi nya sa tasa habang nakatingin sa akin.

"Hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo!"inalis nya ang tasa nasa labi nya at ngumisi sya.

"I don't care kung maniwala ka man o hindi marami akong inaasikaso para pag tuunan ka pa ng pansin"linapag nya ang tasa na nasa lamesa at tinamuran ako pero bago sya lumabas ng mansion ay may sinabi pa sya"Tingnan natin kung tatagal ka dito sa poder ko"saad nito napahilamos ako sa mukha ko. Kaasar talaga ang lalaking iyon. Hindi ako pwede maniwala sa kanya na wala syang gagawin sa akin.

Dahil parte na ako sa maduming negosyo nila ay ngayon ay magsisimula ako. Hindi ako makapaniwala na nagha-handle ako ng mga droga at iba pang illegal. Nasa bodega ako ngayon kung saan pinagmamasdan ko ang mga tauhan ko narin na inaayos ang droga para sa transaction na gagawin. Lumapit sa akin ang isang lalaki.

"Madam ayos na po ang lahat hinihintay nalang namin ang utos nyo para i-deliver ang mga ito"saad nito napatingin ako sa brief case na hawak nya malaki rin ang pera na kapalit ng droga sa loob nito. Nasaan kaya ang walanghiyang si Hudson.

"Tapusin na natin ito!"tamad kung saad inalalayan nya ako palabas ng bodega ganun din sa pagpasok sa kotse. Pero habang nasa byahe kami ay merong nakasunod sa amin na mga naka motor.

"Mukhang merong kalaban madam"saad nito tamad akong tumingin sa kanya.

"Gawin nyo na ang gusto nyong gawain matapos lang ito"nakakatamad ang ganito dapat gumagawa na ako ng mga plano sa pagpapabagsak sa kanya at paghihiganti pero hindi ko magawa dahil sa lintik na trabahong ito. Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil ang kasal ng kapatid ko kay Hudson ay mawawalan ng bisa sa oras na tumanggi ako. Pero kung si Maddison ang nasa sitwasyon ko ano kaya ang gagawin nya at malabo ko na malaman dahil patay na sya. Muntik ko ng makalimutan nasan na kaya yung isang bodyguard hindi ko na nakita sa manison baka may ginawa si Hudson sa lalaking iyon.

Masyado malapit ang bodyguard na iyon sa kapatid ko ano kaya sya sa buhay ni Maddison. Napasubsob ako sa upuan sa driver ng matamaan yata ng bala ang gulong ng kotse.

"Wag kayong lalabas madam"utos nito sa akin at dali-dali silang lumabas ng kotse napalingon ako sa labas. Huminto ang mga naka motor at ilang putok ng baril ang pinatama sa kotse. Napamura ako ng makita ang mga bodyguard na nakahandusay sa lupa akmang kukunin ko na ang baril na meron ng nakatutok sa ulo ko.

"Baba"sabay hila nito sa buhok ko. Isang babae na nakangisi ang mga labi. Malakas nya akong tinulak dahilan para mapa upo ako sa lupa at tinutok nya ang baril sa akin napatingin ako sa mg kasamahan nya nyang mga babae.

"Long time no see Maddison  ang tagal narin ng huli ka namin nakita pinagtataguan mo yata kami ano?"nakangising sabi nito.

"Nakalimutan mo na ba ang mission mo?"naguguluhan na ako ano ba ang pinasok ng kapatid ko.

"Bakit buhay parin ang asawa mo?"mahigpit nyang hinawakan ang panga ko.

"Nag tanim na nga kami ng bomba sa sinasakyan nya pero nabuhay pa sya sana habang natutulog ang asawa mo ay pinatay mo na sya pero hindi mo ginawa"sabay malakas nyang sampal sa akin.

"Baka naman umatras na yan!"dagdag ng isa pang babae. Sila pala ang may kagagawan non. Maddison ano bang kalokohan ang ginawa mo.

"Hindi namn siguro diba?"lumuhod sya sa harapan ako. Gustong-gusto kung kalmutin ang mukha nya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto kung malaman ang lahat na tinatago ng kapatid ko. Dahil akala ko ay alam ko na ang lahat pero hindi ko pala alam ang lahat.

"Kailangan na natin umalis dahil nakatimbre na ang mga tauhan nya"dagdag pa ng isa.

"Wag mung kakalimutan ang plano natin Maddison!"pagbabanta nito sa akin. Pagka alis nila ay dumating narin ang mga tauhan ko. Inis ko silang sinalubong. Napahawak ako sa pisngi ko ng makatanggap ako ng malakas na sampal sa matandang iyon.

"Unang mission mo palpak"at lumagatok ang baston nito sa sahig pagkarating namin sa bodega sermon agad ang natanggap ko.

"Rose ayosin mo ang lahat ng kalat nya!"utos nito sa bruhilda.

"What's happening here?"saad ni Hudson nakakarating lamang sa bodega.

"Nakuha ng mga kalaban natin ang droga yang asawa mo palpak"galit na singhal nito kay Hudson. Ayoko kung tumingin kay Hudson dahil nahihiya ako. Dahil naisahan ako at naguguluhan narin ako sa mga nangyayari ang akala ko ay simple lang ang gagawin ko pero hindi pala.

"Ako na ang bahala sa kanya"malamig nasabi nito at hinawakan nya ako sa braso, kinaladkad nya ako palabas. Nang makalabas na kami sa bodega ay binitiwan nya ang braso ko.

"Tsk!"saad nito napalingon ako sa kanya nakaipit sa labi nito ang isang sigarilyo habang hawak nya ang litter nang masindihan nya ito ay tumingin sya sa akin. Inalis nya ang sigarilyo nasa labi nya.

"Hindi madali ang pinasok mo Addison"nanlaki ang mata ko ng tinawag nya ang totoong pangalan ko. Napa atras ko ng hinawi nya ang buhok ko at inipit sa tainga ko sabay buga ng usok nito sa mukha ko.

"I will help you but-"lumapit sya sa tainga ko at bumulong"Be my slave"naramdaman ko pa ang paghaplos nya sa buhok ko.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon