Kabanata 18

460 28 0
                                        

Kabanata 18

LIMANG TAON na ang nakalipas ngunit sa mga alaala ni Santiago ay tila kahapon lang nangyari ang lahat. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nangungulila ang kaniyang puso sa kaniyang iniirog, magpahanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanilang lahat ang biglang paglaho ng magkakapatid na Galaciano noong araw na iyon.

Hindi rin maintindihan ng lahat kung bakit sila biglang nawalan ng malay at nagising na lamang na nawawala na ang mga anak ni Don Mario. Iyon din ang naging dahilan para atakihin sa puso ang Don. Lumipas ang mga araw, buwan hanggang sa inabutan ng ilang taon ay hindi na muling nagpakita ang magkakapatid. Walang makapagsabi kung sila ba ay patay na o tumakas lang ang mga ito at nagpunta sa ibang lugar. Sa kasamaang palad hindi na kinaya ng Don ang paghihintay na muling makita at maksama ang mga anak. Binawian siya ng buhay dalawang taon na rin ang nakararaan dahil sa sakit sa puso.

Mula sa balkonahe sa kaniyang kwarto, nakatanaw si Santiago sa labas habang pinagmamasdan kung gaano kapayapa ang paligid ngayong gabi. Sumimsim siya sa hawak na tasa ng kape. Hindi na mabilang kung ilang ulit na siyang humiling na sana bumalik na si Florida, na sana isang araw ay makikita na lang niya ang asawa na nagluluto na sa kusina habang makapal ang usok, nagsasampay sa likod-bahay kasama ang kaniyang dalawang kasambay, at sa hapag kung saan nakakasalo niya ito tuwing umaga at gabi.

Ngunit suntok sa buwan ang kaniyang hiling. Animo'y tala ito sa gabi na impossibleng maabot. Umabot na ng limang taon, nakapag-asawa na rin si Genesis at isa na rin itong ganap na doktor, isa na ring ganap na Pastor sa simbahan si Solomon, at namamayagpag na rin ang pangalan ni Exodus sa larangan ng musika sa bansang Europa, ngunit si Santiago ay tila nananatili pa rin sa nakalipas na kahapon. Hindi pa rin niya matanggap. Patuloy pa rin siyang umaasa, aasa hanggang sa kaniyang kamatayan.

Napagpasiyahan na niyang pumasok sa loob ng kwarto. Isinara ang pinto na namamagitan sa balkonahe at sa kaniyang silid. Dahan dahan niyang tinungo ang lamesita upang ilapag ang tasa ng kape'ng ubos na. Mabagal at nahihirapan siya sa bawat paghakbang, may saklay siya sa kanan upang maging suporta sa kaniyang paglalakad. Naputol ang kaniyang kanang binti dahil sa pag-aalsa ng digmaan ng mga kastila upang sakupin ang Pilipinas, tatlong taon na ang nakararaan. Ngunit sadyang malakas ang pwersa ng Pilipinas dahil suportado ito ng bansang Amerika. Nabigo at umatras ang mga kastila na masakop ang Pilipinas. Ngunit nanalo man sila ay nakakalungkot pa ring isipin na maraming namatay na civilian at mga sundalo sa digmaang iyon.

Tinungo na niya ang kama at handa na sanang matulog. Mula sa ibaba ay naririnig na naman niya ang alagang si makisig na tumatahol. Sanay na siya sa alaga. Sa isip niya ay baka isa sa kaniyang mga kapatid ang dumalaw ngayong gabi, o di kaya'y isa sa mga kasambahay ng kaniyang ina para hatiran siya ng ulam. Madalas rin mangyari iyon lalo na't masyadong maalalahanin si Doña Esther sa panganay na anak dahil mag-isa na lamang ito. Pinilit na nila na bumalik na sa mansion si Santiago ngunit mas pinili nitong tumira mag-isa.

Kinuha niya ang lampara bago tinungo ang labas ng silid. Habang pababa siya ng hagdan ay mas lalong naririnig niya ang lakas ng tahol ng alaga. Sa tahol nito ay nagduda siya, animo'y may taong magnanakaw ang nakapasok sa kaniyang pamamahay. Nahihirapan man sa paglalakad ay sinikap niyang bilisan upang maabutan ito. Muntik pa siyang dumulas sa huling baitang ng hagdan dahil sa boses na narinig. Nabitawan niya ang kaniyang saklay at nakalimutan na siya ay hindi makalakad gamit iyon. Kaya ang resulta lumagapak siya sa sahig. Habang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ahh! Punye*toot* animal ka! Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng galit mo sa 'kin!" Patuloy ang pagtahol ni makisig habang nakatingala ito sa ibabaw ng lamesa kung saan naroon ang isang babae, bagama't halata ang pagkatakot ay nangingibabaw pa rin ang lakas ng boses nito. Boses na matagal nang gustong marinig muli ni Santiago.

"Ako ba'y tila nananaginip ng gising?" Hindi makapaniwala sa sariling sambit niya. "Kung panaginip na naman ito nais kong manatili na lamang rito at huwag na sanang magising pa."

"S-santiago! Ikaw ang mapapatay ko kung hindi mo itatali itong alaga mo!"

Napakurap si Santiago nang balingan siya ng tingin ni Florida. Natauhan siya, nahihirapan man maglakad ay nilapitan niya ang babae. Sa isang salita lang niya ay napatigil sa pagtahol ang aso at lumabas. Ngayon, nakakapanindig balahibo ang katahimikan habang natingin sila sa isa't isa. Mula sa maliit na liwanag ng lampara na bitbit ni Santiago sa kaliwang kamay, sapat na iyon para makita niya ang hitsura ng babaeng matagal na niyang hinihintay.

Mahaba na ang buhok nito na umabot hanggang dibdib, ngunit napansin niyang hindi pa rin nagbabago ang babae sa hilig nitong suotin, black tshirt at pants ang suot ni Florida. Ngunit kumpara dati, mas babae na ngayon si Flory sa mata ni Santiago.

"F-florida? Bakit bigla kang nawala? Bakit ngayon mo lang ako binalikan?"

Napahawak sa noo si Florida at hindi makapaniwala na nakikita si Santiago kung paano ito magbreak down sa harapan niya mismo. Na kilala niyang masungit at mabagsik na Heneral.

"Anong... Punye*toot* bakit umiiyak ka?!"



Epilogue

Mula sa pagkakatingala niya sa madilim na langit kung saan naroon ang pulang buwan, nang magbawi ng tingin ay napasigaw si Flory. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang mapagmasdan ang paligid. Wala na ang kotse nila na dapat sa tabi niya, wala na rin ang mga ilaw at nagtataasang mga gusali at mall. Higit sa lahat wala na ang sementadong kalsada at mga sasakyan. Gulat siya at animo'y mababaliw nang hindi makita ang kanilang sasakyang kung saan naroon ang kaniyang mga magulang na nagsusuyuan, at ang kapatid niyang si Clarity na katabi niya lang kanina. Ngayon ay mag-isa na lang siya sa dilim.

Sa kaniyang harapan ay isang familiar na bahay na walang kailaw-ilaw. Natatakot na naglakad siya papalapit. Kagat niya ang ibabang labi at nakakuyom na kamao. Handa siyang manuntok kung sakaling may panganib sa paligid. Ganon na lamang ang gulat niya nang makarinig siya ng tahol ng aso sa kaniyang likuran. Hindi na sita nakapag-isip pa ng maayos. Dahil sa takot at taranta ay pinihit niya ang pinto ng bahay at nagtitili na pumasok roon. Patuloy siyang hinabol ng aso hanggang sa makarating siya sa kusina at naisipan niyang tumongtong sa ibabaw ng mesa.

Gusto niyang isumpa ang aso ni Santiago maging ang may ari nito.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin niya itinatali!"

"Hindi ako makapaniwalang nakabalik ako dito, sa tapat pa talaga ng bahay ni Santiago?" Napahawak siya sa ulo hanggang sa nauwi na hinihila na niya ang sariling buhok. "Nananaginip lang ako! Panaginip lang ito! Pwes gusto ko nang magising!"

Nilibot niya ang tingin sa paligid, kahit lampara ay wala siyang nakitang nakasabit. Sa isip niya ay baka natutulog na ng mahimbing si Santiago dahilan para hindi nito marinig ang tahol ng alaga.

"Punye*toot* tumahimik ka!" Kung hindi ako magising baka tuluyan na akong bangungutin nito!

Gulong-gulo ang isipan ni Florida, sa dami ng katanungan ang hirap iproseso ng utak. Animo'y ang nangyayari sa kaniya ngayon ay kabaliwan. Paanong naalala niya si Santiago, ang punyetang aso nito at ang nabaon niyang nararamdaman para sa binata? Paanong nangyari ang lahat! Paano siya nakabalik at maalala ang lahat na kapag sa totoong mundo siya ay wala siyang bakas na alaala sa mga taong nakasalamuha niya sa loob ng libro.

Pero sa dami ng tanong niya isang tanong lang ang nangibabaw sa isip niya.

"Ang tanga mo Tiyago, bakit hindi ka naglolock ng pintuan?!"

_____________________________

#WPMP

Paalala: ang kwentong ito ay isa lamang "fiction" lahat ng mababanggit sa kwento ay purong walang katotohanan na ginawa ng may akda. Maraming salamat sa pagiging maunawain, mga Bituin!

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon