Kabanata 8
>>Flory POV<<
HALOS wala na akong makita dahil sa kapal ng usok. Napapikit na lang ako at napa-ubo nang sunod-sunod. Nabitawan ko na rin ang pamaypay na ginamit ko para maging maayos ang apoy sa pugon. Hindi ko naman inasahan na lumaki ang apoy na halos liparin na ang kaldero, kaya sa taranta ay dali-dali kong binuhusan ng tubig.
"Anong mayroon rito?" Napalingon ako sa kadarating lang, maging siya ay napaubo rin. Halos mataranta naman ang mga kusinera dahil sa presensiya niya.
"S-señor, muntik na po'ng..." Napatingin sa akin ang mga kusinera, nagdadalawang isip pa sila kung dapat ba na isumbong ako sa amo nila.
Haay, hindi ko naman sinasadya.
"Sorry, muntik ko lang naman masunog ang buong kusina. Hindi ko naman sinasadya, gusto ko lang tumulong, isa pa——"
"Lang? Muntik mo na masunog ang buong bahay!"
Nakakainis mang aminin pero totoong nasisindak ako tuwing nagagalit siya. Sarap niya sapakin, ah! Nahilot nito ang sariling sentido, akala mo naman wala na akong nagawang matino sa harapan niya.
"Hindi ko naman kasi sinasadya!"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Puro ka na lang kapalpakan sa buhay! Kung sunogin mo na lang kaya ang buong bahay!"
Parang megaphone na nag-echo pa sa pandinig ko ang sinabi niyang kapalpakan. Biglang umosbong ang galit ko. Ang mga kusinera naman ay nakayuko lang, mga takot na madamay sila sa init ng mga ulo namin.
Hindi ako makapigil sa sarili habang sinusundan siya nang tingin palabas ng kusina. Kumuyom ang kamao ko nang sundan siya.
Sa mga nagdaang araw madalas kaming magkasagutan. Napakatalas rin ng dila niya kung magsalita. May mga nagagawa akong kapalpakan sa paningin niya pero hindi ko naman sinasadya! Minsan akong nakabasag ng plato nang subokan kong tumulong maghanda ng pagkain, nagalit rin siya sa 'kin nang namingwit ako ng isda sa pond at inihaw 'yon kasi 'di ko naman alam na alaga pala 'yon. Tapos ngayon muntik pa lang naman, 'di naman nangyaring nasunog ang buong kusina.
"Hoy! Santiago," Tawag ko sa kaniya, napatigil naman siya at nilingon ako. Saktong paglingon niya sinalubong ko siya nang sapak sa pisngi.
Gulat siyang napaatras dahil sa lakas ng impact nang suntok ko. Napahawak siya sa pisnging nagkaroon na ngayon ng pasa.
Lumuwag ang pagkakuyom ng kamao ko dahil sa sakit, punye*toot* pakiramdam ko sumuntok ako sa pader.
Hindi pa ako nakuntento't kwinelyuhan siya. "Alam mo bang namumuro ka na sa 'kin! Akala mo ba kaya mo ko? Hah! Kayang-kaya kita ibalibag ngayon!" Nag-aral kaya 'to ng martial art!
Nagulat ako sa bigla niyang kilos. Nilapit nito ang mukha habang mariing nakatitig sa 'kin.
"G-gusto mo ng flying kick?!"
"Babae ka ba talaga? Hindi kaaya-aya ang mga kinikilos mo. Hindi ka marunong magpasakop sa iyong asawa!"
"Hindi ako babae! Ikaw lalaki ka ba talaga? Bakit 'di mo ko suntokin para patas tayo rito!" Bahagya ko siyang tinulak para makabwelo siyang suntokin ako. Syempre 'di ako papatalo. Magsusuntokan na lang kami total gigil na gigil siya sa 'kin.
"Punye*toot*! Bakla ka no? Tapos nagkukunwari ka lang lalaki, siguro sa mga kasamahan mong mga sundalo nambubuso ka kapag naliligo na sila!" Pakutya kong saad nang hindi siya kumilos para gumanti. Sa inis ko muli ko siyang sinapak sa kaliwang pisngi. Muli siyang napahawak roon, ang laking tanga dahil hindi man lang nagawang umiwas. Bakla talaga siguro 'to.
BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past | ✓
Ficção HistóricaENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...
