Kabanata 12

614 39 0
                                        

Kabanata 12

"ANG sabi sa aklat ng Marcos 16: 15-16, at sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan."

"Ang ebanghelyo ay isang salitang hinango mula sa wikang Griyego na nangangahulugang mabuting balita hinggil sa kaligtasan. Ito ay salita ng Panginoon na nararapat ipangaral sa lahat ng dako ng daigdig, mayaman ka man o mahirap, bata man o matanda ay kailangan nilang malaman ang katotohanan tungkol sa kaligtasan. Kailangan nilang maniwala, talikuran ang kanilang mga kasalanan, at simulang lumakad sa kalooban ng Diyos."

Mabagal ang bawat hakbang nila Isabelle at Solomon sa gilid ng kalye, kasabay ang mga mamamayan na may iba't ibang lakad ngayong araw, mga kalesang nagmamadali, at mga manglalako sa umaga.

Sumikat na ang araw ngunit hindi pa mahapdi sa balat dahil sa mga puno sa paligid na nagsilbing harang.

Galing sila sa bahay ni Isabelle, sinundo siya ni Solomon para anyayahan siyang pumunta sa hacienda San Juan. Mula pa man ng mga bata pa sila ni Isabela ay malapit na talaga ang loob nila sa isa't isa, madalas silang maglakad imbes na sumakay ng kalesa. Ang dahilan nila ay mas memorabilia kung sila ay maglalakad, bukod sa nakakapagkwentuhan sila ng mahaba ay nasusulit rin nila ang bawat oras na magkasama.

Tumatango at tutok na tutok sa pakikinig si Isabelle sa bawat sinasabi ng binata. Ang mga bersikulong binibitawan nito na mula sa banal na aklat ng Bibliya ay bago sa kaniyang pandinig.

Alam niya sa sariling madalas naman siyang magsimba. May pananalig siya sa Diyos pero may pagkakataon talagang nawawalan siya ng oras para manalangin. Pumapasok siya sa simbahan dahil iyon ang alam niya, na dapat kapag linggo ay magsimba ang tao. Pero inaamin niya sa sarili na may mga pagkakataon na um-a-aatend siya ng church na wala sa puso niya, para bang kinaugalian niya lang pumunta. Magtirik ng kandila, kunting pikit ng mata, pagkalabas ng simbahan deretso sa galaan.

Parang napadaan lang siya. Parang hindi iyon ang priority ng puso niya.

"Sa tingin mo, bakit kaya kailangan ipangaral ang salita ng Diyos? Kung pwede naman na manahimik na lang ang taong 'yon at h'wag na siyang mag-aksaya ng panahon na ibahagi ang banal na salita dahil kadalasan kakaunti lang ang naniniwala, minsan pa nga hindi talaga. May mga tao na akong nakasalamuha na nagawa akong ipagtabuyan, pinagbabato, at mga nakakatakot na salita ang natanggap ko. Ang layunin ko lang naman ay ibalita sa kanila na ang kaharian ng Diyos ay malapit na." Habang nagsasalita ang binata ay naroon sa labi nito ang mapait na ngiti, dahil sa katotohanan na mangaral man siya ay may mga tao pa rin na sarado na ang puso't isipan.

"B-bakit nga ba?" Tanong ni Isabelle dahilan para lingonin siya ng binata, patuloy pa rin ang marahan nilang paglalakad. Naguguluhan si Isabelle kung bakit pa nangangaral si Solomon kung wala naman naniniwala sa kaniya.

Si Solomon ay isang Kristiyano, isang lingkod ng Diyos. Sa kaniyang murang edad ay pinili niyang maglingkod sa simbahan imbes na makipagsapalaran sa Maynila, mag-aral at maghanap ng trabaho para sa ikakaunlad ng Pilipinas.

Dahil para sa kaniya, mas higit na nangangailangan ang Diyos ng mga manggagawa, mga taong handang tumayo hanggang kamatayan para ipangaral sa lahat ng mga tao ang pagliligtas ng Panginoon.

"Dahil ito ang kalooban ng Diyos. Ang Kaniyang pagparito ay malapit nang mahayag. Kaya nararapat na magsisi na ang mga tao, tanggapin si Kristo sa kanilang puso bago pa mahuli ang lahat. Hindi Siya nagkulang sa pagpapaalala, sa Mateo 3:2 ay nagsasabing mangagsisi kayo sapagkat ang kaharian ng langit ay malapit na. Si Juan Bautista ang nagsabi noon, nangaral siya sa mga tao at nagbautismo sa ilog ng Jordan."

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon