Kabanata 16

614 26 13
                                        

Kabanata 16

MULA sa nakabukas na bintana makikita ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Napahikab si Isabelle na kakagising lang dahil sa lakas ng ulan. Nakatulugan niya ang pagbabasa ng aklat habang nakaupo sa harap ng study table.

Kinusot niya ang mata at nagsimulang mag-inat ng katawan. Tansiya niya ay pasado alas-tres na ng hapon. Dinampot niya ang librong binabasa niya kanina at inilagay ito muli sa bookshelf.

Ang librong iyon ay regalo pa sa kaniya ni Cara. Ang 'When the Present meet the Past' na siyang kauna-unahang libro ni Cara na ipublished noong nakaraang taon lang.

Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na niya ito nabasa. Tunay na bumilib siya sa bunso nilang kapatid dahil sa mura nitong edad ay nakapagpalimbag na ito ng sariling libro. Noong una ay wala silang kaalam-alam na nagsusulat si Cara, saka lang nila nalaman no'ng nag trending sa Twitter ang mukha ng kapatid na nasa book signining kasama ang libo-libo nitong mga fans.

Sa katunayan ay matagal na palang nagsusulat si Cara ng mga kwento sa isang online app, gamit ang username na @ilycaramae. Saka lang na-reveal ang mukha niya sa fans noong nakaraang taon sa book signing. Maraming nagulat at namangha dahil isa palang dalagita ang manunulat na hinahangaan nila.

Lumabas ng kwarto si Belle dahil nakaramdam siya ng pagkagutom. Nadatnan niya sa dinning si Clarity na kumakain ng ice cream habang abala sa panonood sa cellphone nito. Sumulpot mula dirty kitchen si Nanay Hilda na may dalang turon.

"Oh, Belle, sakto ang dating mo. Kumain ka ng turon," aya sa kaniya nito. Sandaling napabaling ng tingin sa kaniya si Clarity pero muli rin itinuon ang mata nito sa pinapanood.

"Ate Belle, na-sstress na ako dito. Gusto ko na lang magback-out. Why naman kasi sa dami ng mga characters si Sisa pa ang gagampanan ko? Ugh! I hate Mr. Aquiro talaga! Okay sana if si Maria Clara ang magiging role ko," busangot ang mukha nito. Nang lumapit si Belle sa kapatid ay doon niya lang nalaman na pinapanood nito ang scene kung saan nababaliw si Sisa. Tumatawa siyang kumuha ng turon na nakalapag sa mesa at umupo sa tabi ng kapatid.

"Napakadali ng problema mo, ede huwag kang sumali para wala kang problema"

"Gosh, lumayas ka na nga diyan!" Inis nitong bulyaw sa kaniya. Patawa-tawang kumakain lang si Belle, palibhasa graduated na siya sa college noong nakaraang taon lang. Alam niya kung paano mabiyak ang utak ng isang college student, lalo na't graduating na din this year si Clarity. Sa ngayon si Belle ay tumutulong na sa pagpapatakbo ng kompanya ng kanilang magulang. Samantalang si Flory na dapat ito ang nasa posisyon niya ay nasa ibang bansa na ngayon, may sarili ng pamilya at tatlong anak. Doon na nanirahan sa Italy kasama ang asawa nitong doctor.

Si Cara naman ay first year college na, pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagsusulat. Nasa America ito nag-aaral kung saan naroon din ngayon ang mga magulang nila para sa trabaho. Tanging sina Clarity at Belle ang naiwan sa Pilipinas sa kadahilanang ayaw nilang iwan si Nanay Hilda na matanda na rin. Piniling mag-aral ni Clar sa pilipinas sa kursong fashion designer kahit na may malalaking opportunity sa ibang bansa.

"Hindi ka ata kinukulit ngayon ni Jetro," naningkit ang mata ni Clar dahil sa sinabi ni Belle. Hindi pa rin mawala ang inis sa mukha nito dahil sa problema nito sa pagganap bilang si Sisa. Nilapag ang cellphone sa tabi at kumuha rin ng turon.

"Busy ako. Wala akong time sa mga kalukuhan niya. Saka na niya ako kulitin kapag di na ako stress"

"Ang pait mo sa boyfriend mo, Clar. Pasalamat ka hindi 'yon naghahanap ng iba--"

"Ah subukan niya lang, para na rin siyang nalugi ng one milyon. Duh, I am gorgeous para ipagpalit niya," napangiwi na lang si Belle sa kahanginan nito. Hindi na siya nagtataka na nagkatuluyan ang dalawa dahil pareho lang ng utak ang dalawa.

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon