Kabanata 21
NAGISING si Cara na parang binibiyak ang kaniyang ulo. Unang bumungad sa kaniyang paningin ay kahoy na kisame. May naamoy rin siyang kakaibang gamot na iyon ay nagmumula sa halamang gamot na nakatapal ngayon sa kaniyang ulo habang may bendang puting tela. Iaangat niya sana ang kanang kamay para hawakan ang sumasakit na ulo kaso napagtanto niyang may nakadagan rito.
Napansin niya ang nakayukong babae na siyang nakadagan sa braso niya. "Ate Belle?" Gamit ang kaliwang kamay ay marahan niya sana itong tatapikin ngunit naagaw ang kaniyang pansin nang bumukas ang pinto. Pumasok sa loob si Solomon na may dalang agahan.
"Binibining Cara, kumusta na ang iyong pakiramdam?" Paunang bati nito. Naglakad ito papunta sa lamesita sa tabi ni Cara, upang ilagay ang dala. Lumikha ito ng kaunting ingay na dahilan para maalimpungatan si Belle.
Hindi na nakasagot si Cara sa pangungumusta ni Solomon nang agad siyang sinungaban ng yakap ng nagaalalang si Belle.
"Ano, kumusta na nararamdaman mo? May masakit ba? Huwag mo sabihin na nakalimutan mo na ako at hindi mo ako kilala?" Nahihimigan ang kadramahan sa tono ni Belle. Napairap si Cara dahil doon.
"I'm okay, so don't be paranoid. That should be my line," mahinang bulong nito ngunit gindi ito nakalagpas sa pandinig ni Belle. Natawa ito ng mahina at mahinang pinisil ang ilong ng kapatid bilang panlalambing nito.
"Yeah, yeah, yeah. At ako dapat ang nakahiga diyan at hindi ikaw, kung hindi mo sana ako tinulak."
Mula sa pagiging mataray na expression ni Cara ay napalitan ito ng pagnguso. "I can't let my self just watch while my sister bump off of a car or something in danger. Besides, I am the one who set all of this." Napangiti ng matamis si Belle at niyakap ang kapatid na malayang nasaksihan ni Solomon.
"Belle! You're acting clingy!"
"Bawal? Ang sungit mo talaga, magtagalog ka nga." Muli itong lumapit sa kapatid para bumulong dahil napansin nito na kanina pa pala sila pinapanood ni Solomon sa tabi. "Baka dumugo na ang ilong ni Lomon dahil sa 'yo."
Lumingon siya sa binata para batiin ito. "Magandang umaga, Solomon." Ngumiti siya rito, gusto niyang ipakita sa binata na wala lang ang nangyaring pagyakap nito sa kaniya kagabi. Kahit sa kalooban niya ay parang hindi niya kayang harapin ito. Sinong hindi mahihiyang yakapin na lang bigla?
"Salamat pala. Uhm, sa katunayan," napasulyap muna siya sa kapatid at muling binalik ang tingin sa binata na nakamasid lang sa kaniya. "Wala kaming pera——salapi na pambayad dito sa pagamutan. Kung maaari ay," napakamot sa hiya si Belle pero lumapit pa rin siya kay Solomon at ipinagdaop ang mga palad na parang nananalangin.
"Pwede bang umutang sa 'yo ng salapi?" Ikinurap-kurap pa nito ang mga mata. Sa mata ni Solomon ay masyadong nakakaaliw ang dalaga, dahil sa isipang iyon ay napatikhim siya at napalunok.
"Hindi niyo na kailangan problemahin ang gastusin. Sinagot ko na ang lahat." Sa isang iglap lang ay mabilis na lumabas ng pintuan si Solomon. Naiwan ang dalawa sa loob na nagkatinginan. Si Cara na muling napairap, at si Belle na napahagikhik dahil aware na siya ngayon sa kung ano ang nararamdaman ng binata para sa kaniya. Isa sa advantages niya dahil nabasa na niya sa umpisa at wakas ang kwento.
Ngunit agad na naglaho ang kaniyang ngiti nang muling bumukas ang pinto. "Mag-agahan na kayo sapagkat maya-maya lang ay aalis na tayo pabalik ng San Juan."
"Okay, Ginoo!"
SAMANTALA, tirik na tirik na ang sikat ng araw na sadyang mahapdi talaga sa balat. Hanggang ngayon ay nasa kalsada pa rin si Clarity. Magulo ang nakalugay nitong buhok, pinagpapawisan na rin dahil sa tindi ng init. Ang kamalas-malasan ay nabali ang isang takong sa kanyang suot na sapatos. Kaya ngayon ay naglalakad siya ng nakapaa habang bitbit ang sandals. Hindi niya alam kung saan pupunta, pakiramdam niya ay naligaw na siya dahil hindi na niya kabisado ang nadadaanan. Wala nang kabahayan siyang nakikita, sa tingin niya ay papasok na siya sa kagubatan.
BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past | ✓
Historical FictionENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...
