Kabanata 17

503 20 1
                                        

Kabanata 17

ISANG puting van ang tumigil sa tapat ng mansion. May isang guard ang agad na nagbukas ng gate para makapasok ang sasakyan. Yumuko pa ito bilang paggalang sa bagong dating. Mula sa entrada ng mansion nakatayo roon ng tuwid ang mga kasambahay sa pangunguna ng mayordoma'ng si Nanay Hilda para salubungin ang panganay sa magkakapatid na Berdin.

Unang lumabas sa sasakyan ang dalawang batang babae na magkapareho ng bestidang suot. Magiliw itong tumakbo papunta kay Nanay Hilda na sabik rin na mayakap ang mga bata.

"Hey! Don't run!" Sumigaw ang isang mestizang babae na kakababa lang sa sasakyan, may karga itong batang lalaki na nasa isang taong gulang. Nawala ang pagkakulubot ng noo nito nang mainit siyang sinalubong ng mga kasambahay. Kanina pa kasi sa byahe nangungunsumisyon na siya sa dalawang bata. Napangiti siya dahil mayroon pang nalalaman na pa 'Welcome Back' tarpulin si Isabelle at Clarity na bigla na lang sumulpot sa harap niya at ginulat siya.

Nakaabot tuloy ng hampas ang dalawa mula sa kaniya dahil muntikan pa niyang mabitiwan ang kargang bata dahil sa panggugulat nito. Matapos ang kumustahan ay agad silang nagsipasok dahil maraming nilutong pagkain si Nanay Hilda. Para makabawi ay nag-unahan pa sila Clar at Belle na kargahin ang isang taong gulang na bata para makapagpahinga na rin raw ang Ate Flory nila.

"Hoy! Payneta, ingatan niyo hindi yan laruan!"

Ang dalawang kambal na anak nito ay kanina pa pumasok sa loob at masayang nagliliwaliw para ikutin ang mansion. Ilang saglit lang natigilan sila, mula sa dining ay rinig na rinig nila ang sigaw ng isang babaeng nangungunsumisyon sa pag-awat. Nagkatinginan silang lahat. Kalaunan ay biglang nagtawanan. Paniguradong si Cara iyon na halatang kakagising lang dahil sa boses nitong medyo paos pa. Mukhang nagising ito dahil sa pambubulabog ng kambal, may pagkapilya pa naman ang dalawang iyon na nasa limang taong gulang na. Ang panganay na anak nila Flory at asawa nitong Italiano. Kapag umuuwi sila ng Pilipinas para sa bakasyon ay si Cara ang mahilig pag-tripan at kulitin ng kambal.

Hindi sumama ang asawa nitong si Enzo Ferrari dahil masyado itong abala sa trabaho ngunit nangako naman itong susunod sa katapusan ng buwan ng Marso bago matapos ang bakasyon nila sa Pilipinas. Nakilala ni Flory ang lalaki nang minsan siyang magbakasyon sa Italy. Mahilig magtravel si Flory bukod sa pagkaadik niya sa online games. Sa kanilang magkakapatid siya lang ang hindi na nakapagpatuloy ng college dahil mas inuna nito ang sariling luho at kagustuhan sa buhay. Makalipas ang limang taon, ngayon ay isa na siyang sikat na vlogger. Kumikita siya ng milyon-milyon sa kada post niya sa YouTube bilang gamer, traveler at content creator.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit siya umuwi ay dahil Graduation na ni Clarity next week sa College. Samantalang si Cara naman ay last week pa bumyahe pauwing Pilipinas. Hindi nito kasamang umuwi ang mga magulang. Hindi rin ito makakaattend ng Graduation sa anak pero nangakong uuwi ito ngayong taon at babawi. Sanay na sanay na ang magkakapatid sa ganitong set-up, sanay sila palaging second priority, sanay na rin sila sa mga pangako nitong hindi naman natutupad. Ngunit ganunpaman never silang nagtanim ng sama ng loob rito, oo madalas silang magtampo pero nangingibabaw pa rin kasi ang pagmamahal nila sa magulang.

Kahit bihira silang magkita at magsama-sama buong pamilya, lahat ng pangungulila at tampo ay agad na napapawi tuwing bigla silang sinusupresa ng mga ito. Isang araw magigising na lang sila na nasa bahay na ang kanilang Mommy at Daddy. Sa tuwing umuuwi ang mga ito ay nagtatravel sila sa ibang bansa bilang bonding nilang pamilya. Sapat na ang dalawang linggo na sila'y magkakasama.

"I'M so proud of you, anak." Pinugpog ng halik ni Mrs Berdin sa noo si Clarity habang nakasuot ito ng itim na toga at abot langit ang ngiting nakapaskil sa labi nito. Nakangiti naman si Mr Berdin habang may hawak na cam at kinukuhanan ng video ang kaniyang mag-iina. Ang sabi nito ay hindi uuwi sa graduation ng anak pero nakahabol sila. Kaya sobrang tuwa ni Clarity. Tapos na ang graduation ceremony, pero naroon pa rin ang mga tao na abala sa pagkuha ng larawan. May mga magbabarkadang nag-iiyakan dahil magkakahiwa-hiwalay na. May mga balak magibang bansa para doon manirahan at tuparin ang mga pangarap.

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon