Kabanata 5

897 39 1
                                        

Kabanata 5

>> Clarity Mae Berdin POV <<

PAG-TILAOK ng isang manok ang dumisturbo sa masarap kong pagtulog. Bagamat nakapikit pa ay nasisilaw na ako sa liwanag. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko ugaling magbukas ng bintana sa kwarto, madalas itong nakasarado dahil tanghaling tapat na ako nagigising dahil sa kakanood ko ng kdrama series. At mas lalong naguluhan ako dahil wala naman kaming alagang manok sa mansion.

Kinusot ko ang mata at bumangon. Gano'n na lang ang pagkabigla ko nang hindi familiar na kwarto ang tumambad sa mata ko. "Ohmyoppa!"

Sa labis na pagpapanic nadapa ako sa sahig, nangalit akong napatingin sa kumot na pumulupot sa paa ko. "Gosh, stupid blanket!"

Nasa gano'n akong posisyon nang bumukas ang pintuan. Tumambad sa akin ang isang dalagita na may pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Señorita! Ano ho'ng nangyari sa inyo? Maayos lang po ba kayo?"

Itinaas ko pareho ang mga kamay nang magbalak siyang hawakan ako. "I'm okay, don't touch me, h'wag mo ko hawakan." Ang pinaka ayaw ko ang kinakaawaan ako. Taas noo akong bumangon at nagpagpag ng damit, pakiramdam ko kumapit doon ang mga alikabok.

Napabuntong hinga na lang ako, alright, nasa weirdong panahon pa pala kami. Muntik ko pang makalimutan. Gosh!

"Nasaan ang mga kapatid ko?"

"Maaga ho umalis sina Señorita Isabela at Señorita Caramia, dadalawin po nila ang inyong kapatid sa San Filipos," nakayuko ito habang nagpapaliwanang.

"Mga walang manners, bakit hindi nila ako ginising? Paano kung iniwan na nila ako, w-what if nakabalik na sila sa present? Tapos naiwan ako, OMP it cannot!"

"Señorita huminahon po kayo, ang habilin nila oras na magising ka ay h'wag raw ho kayong mag-alala dahil agad din naman silang babalik——"

"No! Kahit na hindi dapat nila ko iniwan," inikot ko ang mata para maghanap ng tsinelas. "Nasaan ang slippers ko?"

"H-ho? Ano ho iyon señorita—?"

"Gosh! Stupid kasambahay, I said where's my tsinelas," itinuro ko pa ang paa ko para magets na niya dahil nanatiling nagtatakang ekpresyon ang pinupukol nito sa 'kin.

"A-ang ibig niyo ho bang sabihin ay ang iyong sapin sa paa?"

Pagak akong natawa, "hindi sapin sa kamay nasaan?"

"H-ho?"

"Gosh so slow—"

"Pasensya na ho Señorita, hindi po ako marunong umintindi ng wikang ingles," nakagat ko ang labi at hindi ko na natuloy ang dapat na sabihin.

Gosh! Napaka poor pala ng mga Pilipino noon

Nakayuko ang kasambay sa akin, pakiramdam ko napakamaldita ko na naman. Napakamot ako sa bawat parte ng katawan dahil sa makating suot ko. Bakit ba napaka weird ng damit noon?

"Haay, samahan mo na lang ako, susunod ako sa kanila,"

"Ngunit malayo-layo ho ang San Filipos, Señorita. Ang isa pong kalesa ay ginamit ni Don Mario papunta sa hacienda San Juan, hindi natin kakayanin maglakad papunta roon," napabagsak na lang ako sa kama sa pagkadismaya. Kaso wrong moved, hindi pala kasing lambot ng kama ko sa present. Napahawak ako sa pwet dahil sa impact nang pagkabagsak ko.

Gosh! Poor asshole!

DAHIL sa pagka-bored ko sa pamamahay na ito, napag-interesan kong ayusin ang damit na suot. Masyadong mahaba ang saya at nakakasagabal sa bawat hakbang ko. Pakiramdam ko ay madadapa ako.

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon