Kabanata 20

478 22 1
                                        

Kabanata 20

"OHMYGOSH!" Tiling nakayayanig sa umagang tapat. Kakagising lang ni Clarity nang makita ang sarili na nakahiga sa malambot na kama ngunit pang old style. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Lahat ng nakikita sa loob ng silid ay mga antique. Animo'y muli siyang bumalik sa makalumang panahon.

"It can't be! Kahambugan lang ito. Am I dreaming? If I am, I wan't to wake up na. Myoppa!" Sisilip sana sa bintana ang natatakot na si Clarity upang suriin kung nasan nga ba siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid at niluwa nito ang pamilyar na dalaga.

"Señorita, ikaw'y gising na."

"OMP! Is that you, Mona?!" Napatakip ng bibig si Clarity nang mapagtantong si Mona nga ito. Nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa pagkagulat. Unti-unti na rin nagbabalik sa kaniyang alaala ang lahat, kung saan sa simula kung paano sila nakapasok na magkakapatid sa loob ng isang kwento. Ngayon na muli siyang nakabalik ay napagtanto niya ang lahat. Lahat pala ng galaw niya noon ay nakatakda pala talagang mangyari, itinakda mismo ni Cara na siyang sumulat ng kwento.

"OMP talaga, hindi ako makapaniwala. Mona kilala mo pa ba ako?"

"Señorita, ako'y nangulila sa inyo ng lubos!" Agad siya niyakap ng dalaga at umiyak sa kaniyang balikat. "Saan ho kayo nagtungo? Bakit kayo naglaho ng inyong mga kapatid? Hindi niyo alam kung gaano kami nalungkot at nag-alala!"

Bumitaw sila pareho sa isa't isa. "Pasensya ka na girl. Gusto ko man ikwento sa iyo pero advance ako mag-isip,  I know na hindi mo muunawaan and paniniwalaan."

"H-ho? Bakit ho señorita?"

"You know, medj nakakasira siya ng bait. Anyway, na miss kita Mona! Kumusta ka na, and look you now nagmatured na ang mukha mo."

"Señorita, hindi pa rin po kayo nagbabago. May mga salita pa rin kayong sinasambit na hindi ko maunawaan. Ngunit ako po ay lubos na masaya na muli kayong makita."

"Same vibes! But wait a sec, paano ako nakarating dito sa kwartong ito?" Umusbong ang kaba sa dibdib ni Clarity nang itanong niya iyon kahit na sa totoo lang ay may ideya na siya sa sitwasyon ngayon. Alam na alam niya ang daloy ng kwento. Hindi siya mahilig magbasa ng mga story lalo na kung Historical ang tema, ngunit dahil may kapatid siyang writer sinubukan niya. Hindi niya aakalain na magustuhan niya ang kwentong 'When the Present meets the Past'

Napansin niya ang pagkawala ng ngiti ni Mona at bigla itong napayuko. Sa reaksiyon ng dalaga ay alam naman niya ang rason.

"Señorita, nakita ho kayo ni—— nakita ho kayo ni Señor G-genesis sa labas ng tahanan na walang malay. Binuhat ka niya at dinala sa silid na ito." Nakangiti man ng kaunti si Mona ngunit nababasa ni Clarity ang guilty sa mukha nito. Napabuntong hinga siya, lahat ng mangyayari sa kwento ay batid na niya. Lahat ng ito ay itinakda ng kaniyang kapatid.

"Hindi namin alam kung paano ka nakarating sa labas. Kung paano ka nakabalik muli. Ano ho ang nangyari sa inyo at nasaan na rin ho ang iyong mga kapatid?" Napabuga ng hangin si Clarity at muling naupo sa dulo ng kama.

"I don't know. Hindi ko alam kung nakabalik din ba sila gaya ko, or ako lang itong bumalik? Gosh!"

"Señorita may ipagtatapat ako. Ngunit ako'y natatakot na ako ay iyong kamuhian. Maniwala ho kayo hindi ko pinabayaan ang iyong ama——"

"Shhhh. Don't apologize, hindi mo alam pero nakatakda talaga sa kwento na mamamatay si Don Mario. Nang mabasa ko ang nangyari sa kaniya napaiyak talaga ako. Huwag mo rin sisihin ang sarili mo dahil alam ko na inalagaan mo siya nang mabuti."

"Paano ho nakarating sa inyo ang balita? At tama ba ang narinig ko na tinawag mong Don ang iyong ama?"

Natampal ni Clarity ang sariling noo. Hindi niya namalayan na lumalagpas na ang kadaldalan niya. "Ah, sa tingin ko ay nabingi ka lamang ng narinig. Hindi ko siya tinawag na Don." Upang hindi na magtanong pa si Mona ay napagpasiyahan niyang lumabas ng kwarto. Maging ang surroundings ng mga kabahayan ay nagbago na. Mas lalong gumanda at nagkaroon ng mga dekorasyon na lahat ay antique.

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon