Kabanata 2
MAKUKULAY at ibat ibang uri ng bulaklak ang namumukadkad sa malawak na hardin ng pamilya Berdin. Ang bawat uri ay nagpapaligsahan sa gandang taglay ng mga ito. Maaliwalas ang kalangitan dahil sa magandang sikat ng araw na nagpapatingkad sa kulay luntian ng kapaligiran. Mula sa isang sulok ng mga halaman, sa bawat hakbang na ginagawa ay masayang dinadama ng dalaga ang bawat bulaklak na dumadampi sa kaniyang palad habang ang isang kamay nito ay may hawak na telepono at nakatapat sa kaniyang tainga.
Masaya itong nakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya, kung paminsan-minsan ay ngumingiti at tumatawa. Ang dalaga'y biniyayaan ng katangkaran, magandang kutis, hubog ng katawan at wangis. Nakasuot ng aesthetic dress na kulay puti na may disenyong mga bulaklak. Mas nakaangat ang ganda ng dalaga dahil sa natural na maalon na buhok nito, na ngayon ay malayang hinahaplos ng hangin.
Nakangiting ibinaba ng dalaga ang hawak na telepono matapos nitong makausap ang mga magulang na nasa business trip, out of the country. Halos magta-tatlong buwan na ang mga ito sa ibang bansa at sa wakas ay makakauwi na sa katapusan ng Mayo.
Masayang tumakbo ang dalaga habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa magkabilaang gilid ng bestida dahil sumasayad sa haba nito sa kanyang talampakan. Tinahak nya ang daan papalabas ng hardin habang tumatakbo.
Kinawayan niya sa kalayuan ang mga manggagawa ng kanilang hacienda na handa nang sumabak sa trabaho, binati't nginitian nya rin ang mga katulong na nakasalubong nya sa doorway.
"Good morning Ma'am Isabelle!"
"Nah, magandang umaga Señorita Isabelle, ang dapat niyong pagbati!"
Napakamot ang ilang katulong dahil sa sinabi nya, sinundan sya ng tingin ng mga ito hanggang sa makapasok sya sa loob, animo'y hindi pa rin sila sanay sa mga kakaibang kilos at pananalita nito na nahahawig sa panahon pa ng mga Kastila na ang katotohanan na nasa 20th century na sila.
Muling nagpatuloy ang mga katulong. Mula sa loob, nakasalubong ni Isabelle ang Mayordoma na nasa mid in 60's na. Sya si Hilda Papen ang tumayong pangalawang ina nila, nag-alaga simula pagkabata. Nakasuot ito ng apron at kakalabas lang ng kusina upang tawagin ang mga bata para sa agahan.
"Ako na lang po ang tatawag sa kanila, nanay," magiliw na saad nito na nagawa pang yumakap panandalian sa bewang ng matanda.
Muling nagpatuloy si Isabelle paakyat sa magarang hagdan, nakakalikha ng tunog ang bawat paghakbang nya na animo'y isa syang Royal Princess sa isang pelikula.
Sa unang bungad ng hagdanan, sa tapat nito ang pintuan sa silid ng kanyang mga magulang, sa kanan ay ang dalawang guestrooms na sinundan ng silid Aklatan. Sa kaliwang bahagi matatagpuan ang sunod-sunod na pinto na agad niyang tinahak.
Sa una'y marahan ang pagkatok ngunit kalaunan nakakarinding kalabog ang nagpagising sa isang taong syang natutulog sa loob ng silid. Hindi maipinta ang hitsura nito nang magising, inis na nagtaklob ng kumot dahil naisturbo ang kaniyang pagtulog.
Binuksan ni Isabelle ang pintuan nang mapagtantong hindi ito naka-lock. Malinis ang kwarto, halos nakakasawa sa mata ang kulay pink na kabuoan ng silid.
"Tanghali na Clarity! Bumangon ka na d'yan!" Napailing si Isabelle nang hindi man lang kumilos ang kapatid. Napansin nya ang laptop nito na nasa bandang ulohan at ilang pinagbalatan ng chichirya. Nanood na naman magdamag ng Kdrama ang kapatid.
"Uuwi na sa katapusan sina ina at ama. Isusumbong talaga kita sa mga pinaggaga-gawa mo sa buhay," saad pa nito dahilan para mag-alis ng taklob si Clarity dahil sa rindi ng boses ng kanyang ate Isabelle.
Sa kanilang magkakapatid sila ang madalas magbangayan at mag-asaran. Ang sabi ng iba gano'n daw 'yon kapag magkasunod sa magkakapatid.
Si Clarity Mae Berdin ay labing pitong taong gulang, pangatlo sa magkakapatid. Nahihiligan nito ang panonood ng mga teleserye o pelikula na may kinalaman sa pag-ibig. Dahil sa mga ito ay naipamumuhay na rin nya ang mga napapanood sa social media. Maging sa kilos, pananalita, at sa kasuotan, na masasabing fashionista ang dalaga.
BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past | ✓
Historical FictionENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...
