Kabanata 27

595 16 3
                                        


Note:

Dito pa lang nais ko nang humingi ng pasensiya, huhu. Ito na ata ang pinakamabigat na kabanata na naisulat ko. Sorry in advance po.

Kabanata 27

"OHMYGOSH! Hindi ako makapaniwala, Cara left us!" Dismayadong naglalakad sa lupang kalsada ang magkapatid na sina Clarity at Flory. Panay ang lingon ni Flory sa pag-asang may kalesang dadaan para makasakay sila pauwi.

"What's happening ba talaga. Do you have a clue, ate?"

"Ako pa talaga ang tinanong mo! Punyeta, nakakabaliw sa panahong 'to. Gusto ko na lang umuwi!" Napapikit si Flory para ikalma ang sarili. Hanggang sa humina ang kaniyang boses. "Miss ko na ang mga baby ko."

"Same vibes." Nagusot ang mukha ni Flory at may mapanghusgang nilingon ang nakakabatang kapatid.

"Baby mo, si Jethro? Yuck!" Umaktong nasusuka pa si Flory para asarin ang kapatid. Sa totoong mundo ay kasintahan ni Clarity ang binatang si Jethro na ubod ng hangin sa utak. Madalas itong gumimik at maluho ngunit sweet na boyfriend at tiklop pagdating kay Clarity.

"Duh! Ibang usapan si Jethro. I mean I miss my babies oppa!" Nakanguso itong nagbibilang sa daliri habang sinasambit nito ang mga koreanong pangalan na ikinarindi ng tainga ni Flor.

Nauna na itong maglakad at iniwan ang kapatid na nagdadrama na naman. Nagrereklamo dahil miss na miss na nitong manood ng kdrama, at concert ng paborito niyang kpop.

Sa kalagitnaan ng tahimik n kalsada, malayo sa mga kabahayan, nakarinig sila ng paparating na kalesa na nagmamadali.

"Omg! Ate flor may dadaang kalesa, sakay na lang tayo, medj masakit na paa me."

Pareho silang nagulat nang tumigil ang kalesa. Ang kutsero ng kalesa ay walang iba kundi si Genesis, nakasuot pa ito ng puting lab amerikana (Lab coat). Mabilis itong lumundag, aligaga, at may bahid na matinding pag-aalala sa mukha.

"Genesis! Anong.... may dugo ka!" Gulat na gulat na saad ni Flor nang makita na dumudugo ang kanang balikat nito ngunit parang wala lang sa lalaki.

Bakas sa mukha ang pag-aalala ni Clarity nang makita ang dugo sa damit ng lalaki sa parteng balikat nito. Hindi sila maayos ni Genesis kaya hindi niya magawang itanong rito kung ano ang nangyari. Ang nais niyang itanong ay si Flory ang naging bibig niya.

"Hoy Genesis, anong nangyari sa 'yo?! May nangyayari bang hindi namin alam!"

Tumataas baba ang dibdib ng lalaki, hapong-hapo ito na animo'y meron siyang tinakasan. Nagsimula itong maglakad papalapit kay Clarity na hindi magawang makapagsalita.

Napasinghap si Clar nang bigla siyang niyakap ni Genesis habang hinahaplos nang marahan ang kaniyang buhok ngunit ramdam na ramdam niya ang panginginig ng mga kamay nito. Napaawang naman ang bibig ni Flory. Alam naman niyang may something sa dalawang ito pero may asawa na si Genesis!

"G-genesis?" Ngayon ay nagawa nang makapagsalita ni Clarity. "Kailangan mong magamot. Anong nangyari sa 'yo?!" Hindi na nito napigilan ang maiyak habang yakap siya ng lalaki. Sobra siyang nag-aalala para rito, pero normal lang ba ang maiyak siya? Normal lang ba ang mag-alala siya sa lalaki? Normal lang bang yakapin niya ito nang mahigpit na animo'y ayaw na niya itong pakawalan pa? Dahil baka may mangyaring masama.

Kumawala si Genesis sa pagkakayakap at hinarap siya nito. Ito na mismo ang nagpunas ng kaniyang mga luha sa hindi niya maintindihan kung bakit siya naiiyak.

"Papa!" Napalingon silang tatlo sa kalesa nang dumungaw sa bintana ang batang babae na umiiyak, si Luna. Agad itong nilapitan ng ama at niyakap.

"Genesis ano ba talaga ang nangyayari? Bakit pati ang bata may mga dugo rin sa kamay?!" Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ni Flory. Awang-awa at nag-aalala siya para sa bata na hindi matigil sa pag-iyak. Inagaw niya ito kay Genesis, at siya na mismo ang kumarga dito na agad naman yumakap sa leeg niya. Samantalang si Clarity ay unti-unti nang nauunawaan ang lahat.

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon