Kabanata 19
"MAHIGIT limang taon na ang lumipas. Limang taon na rin kayong hinihintay ng librong iyan. Ngayon na siguro ang panahon para muli kayong bumalik sa loob ng kwentong iyong isinulat."
Animo'y tumigil ang pagpintig ng puso ni Cara dahil sa tinuran ng lalaki. Hindi niya lubos maunawaan, kung ano ba ang ibig ipahiwatig ng estrangherong lalaki. Sa kalagitnaan ng katahimikan ay biglang natawa si Belle, dahilan para mapabuntong hininga si Cara.
"Huwag mong seryosohin ang mga sinasabi niya, Cara. Mahilig rin kasi siya magbasa ng mga kwento."
Naguguluhan na napatingin muli si Cara sa lalaki, nakangiti na ito ngayon. Gusto sanang itanong ni Cara kung paano ito nakakapagbasa na sa tingin niya ay bulag nga ang lalaki.
"Sa tingin niyo ba ay ako'y nagbibiro?" Muling saad ng lalaki na ipinagtaka ng dalawa. Muli silang natahimik at nagulat na lamang nang iangat nito ang malaking libro at kusa itong nagpalipat-lipat ng pahina kahit hindi ito binubuklat ng lalaki. Nanlaki pareho ang mata nina Cara at Belle nang biglang lumiwanag ang aklat. Isang pamilyar na alaala ang nagbalik sa kanilang isipan. Parehong nagkatinginan ang dalawang magkapatid dahil pareho nilang alam na hindi ito ang unang beses.
"Panahon na para muli kayong bumalik at tapusin ang kwento hanggang sa tunay na wakas nito." Isang ngiti ang pinakawalan ng lalaki. Nabitawan ni Cara ang hawak na libro nang maramdaman ang enerhiya na humihila sa kaniya papasok sa aklat na hawak ng lalaki. Nanlalaki naman ang mga mata ni Belle maging ang bibig nito ay hindi na magawang isara, ngunit hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na siya ay nasasabik na muling makapasok.
Bago sila tuluyang lamunin ng liwanag papasok sa libro ay muling nagsalita ang lalaking nagngangalang Patchot.
"Maligayang paglalakbay sa istoryang iyong inilathala, Cara."
NANG muling imulat nina Belle at Cara ang kanilang mga mata, ay nakita nila ang mga sariling nasa kalagitnaan sila ng lupang kalsada sa gitna ng malamig na gabi. Mga kulilig ng ibon at ingay ng mga sanga na sinasayaw ng hangin ang namamayani sa paligid. Napahimas sa braso si Belle dahil sa lamig ng hangin.
"Is this true? How could we forget about it when we're in our real world? How could I forget them, ahh! I can't believe of these!"
"Me too! Lahat ng nangyari sa atin dito nakalimutan natin nang makabalik tayo sa present. I can't imagine na ang isinulat mong kwento are based on what we experiences inside the book. Cars, feeling ko masisiraan na ako ng bait!"
"Ate Belle..."
"Ano?"
"I think we are in Chapter 20 of the story." Nakatanaw si Cara mula sa dulo ng daan nang biglang may lumitaw na karwahe sa gitna ng dilim na ngayon ay unti-unting papalapit sa direksiyon nila.
"Paano mo nasabi?"
"Do you remember the nighttime scene in which Caramia and Isabella were walking on the road?"
"Oh! Iyon ang eksena kung saan muling nakapasok sa loob ng kwento ang apat na babae. Pero sa pagkakataong ito si Caramia at Isabella lang ang magkasama na bigla na lang sila lumitaw sa madilim na kalsada. Hindi ko maiwasang mamangha dahil parehong-pareho ang nangyayari ngayon!"
"Now that we are both here, can you guess what happens next."
Nanlaki muli ang mata ni Belle nang maalala ang mangyayari. Hinarap niya ang kapatid na ngayon ay nakaharap sa direksiyon kung saan natatanaw na nito ang mabilis na pagpapatakbo ng karwahe papunta sa direksiyon nila.
"Mababanggaan tayo ng——" bago pa man niya masabi at mabalaan ang kapatid na umiwas na ay huli na. Humiyaw nang malakas ang kabayo nang tumagilid ito sa kalsada dahil sa lakas ng impak. Sinubukan na pahintuin ng kutsero ang kabayo para hindi mabanggaan ang dalawang binibini ngunit masyadong imposible ang lahat. Tumilapon rin lahat ng gamit nila sa labas. Maging ang kasama niyang binata ay tumalsik papalabas ng karwahe.
BINABASA MO ANG
When Present Meets The Past | ✓
Fiksi SejarahENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan ng buwan, sa susunod na pagbukas ng libro at paglipat ng mga pahina hangad naming sana ay muli tayo...
