Kabanata 25

437 18 0
                                        

Kabanata 25

MABILIS na nagsibabaan ang mga pasahero sakay ng malaking barko na nagmula pa sa Europa. Ilang araw rin ang nilayag ng barko sa karagatan bago ito dumaong sa bayan ng San Juan.

Bitbit ang itim na maleta, isang makisig na ginoo na nakasuot ng abong amerikana, at abong sumbrero ang huling bumaba sa hagdan ng barko. Mga binibini sa paligid ay hindi maiwasang mapalingon at mapatitig sa kaniya.

Nagkalat sa daungan ang mga taong abala sa paghihikayat ng mga mamimili tungkol sa kanilang mga paninda. Mga bagong dating na galing pa sa ibang bansa na masayang sinalubong ng kanilang pamilya na ilang taong nangulila.

May mga grupo ng mangisngisda na tulong-tulong na hinihila ang bangka upang iahon matapos ang paglalayag sa dagat.

Napatigil si Exodus sa paglakad at sinariwa ang huling alaala niya bago siya nagtungo sa Europa. Mahigit limang taon na rin ang lumipas nang lisanin niya ang kaniyang bayan. Ginawa niya iyon para sa pangarap, at upang makalimot sa babaeng kanyang sinisinta na biglang naglaho, limang taon na ang nakararaan.

Alam niya sa kaniyang sarili na marami man siyang makitang magagandang tanawin sa Europa ay hindi pa rin niya magagawang kalimutan ang kinagisnang bayan. Matagal man ang ipinamalagi niya roon at nakagawa ng masayang alaala, hindi pa rin siya makakalimot na umuwi sa sarili niyang tahanan.


Natauhan siya pagmamasid sa paligid nang may marahang tumapik sa kaniyang balikat. Sinalubong siya ng masayang ngiti ng kaniyang ama. Mabilis naman siyang niyakap ng ina at napahagolgol pa dahil sa wakas magtatapos na ang pangungulila nito sa anak.

"Sa wakas at nagbalik ka na sa amin, anak. Hindi mo lubos alam kung gaano ako kasabik na makauwi ka. Huwag ka na ulit lumisan, aking bunso."

"Ina, masaya akong nayakap na kitang muli. Tumahan ka na riyan, at baka magising ka na lang na isa lang pala itong panaginip na kayakap mo ako."

Natawa si Don Yno sa pagmamasid sa kaniyang mag-ina habang nagbibiruan ito. Hindi nagtagal ay inaya na niya ang mga ito na sumakay na ng kalesa at nang sila ay makauwi na. Agaran namang kinuha ng kutsero ang maleta ni Exodus.

Isang malalim na pagbuntong hininga ang pinakawalan ni Exodus sa kalagitnaan ng kanilang byahe pauwi sa mansion.

"Aking nararamdaman na ikaw ay kabado, bakit kaya?" May pagkapilyong ngumiti ang kaniyang ama kahit na nakapikit ito sa kaniyang tabi. Sa kaliwang banda nakaupo ang kaniyang ina na kanina pa nakamasid sa kaniyang reaksiyon nang mabanggit nito ang dalagang si Caramia.

"Lumipas na ang ilang taon, siya pa rin ba, anak? Wala ka bang binibini na nasumpungan sa Europa na mas hihigit sa kaniya?" Tanong ng kaniyang ina na nagbigay dahilan para mapaisip siya kung bakit nga ba siya pa rin?

"Sinubukan ko po kaya lang siya pa rin talaga. Ang hirap kalimutan at kailanman ay hindi ko nagawa." Hinawakan ni Exodus ang kamay ng kaniyang ina at dinala ito sa tapat ng kaniyang puso. Nagulat si Doña Esther nang maramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ng kaniyang anak.

"Pangalan palang niya ang marinig ko ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Ina, sa tingin ko ay dapat na muli akong manligaw sa kaniya."


Mas lalong lumapad ang ngiti ng kaniyang mga magulang. Senyales na ito ay suportado sa kaniyang panliligaw. Kaya naman hanggang sa makarating ay hindi na nawala ang ngiti sa labi ni Exodus, ngunit hindi maipagkakaila na sa lawak ng kaniyang ngiti nakukubli ang kabadong damdamin. Hindi niya alam kung paano kakausapin ang dalaga. Bukod roon ay nananabik na siyang muling masilayan ang mukha nito.


"EXODUS!"

Mula sa sala ay masayang sinalubong siya ng kapatid niyang si Santiago na halos madapa pa para lapitan siya at yakapin.

"Kuya!"

"Kumusta na? Matagal akong walang balita sa iyo. Madalang ka lang kasi magpadala ng liham."

"Ikaw ang mas higit kong inaalala. Kumusta na ang lagay ng iyong paa?" Inalalayan niya ang nakakatandang kapatid upang makaupo sa sopa. Nagpahanda naman ng meryenda ang kaniyang magulang para sa anak na bagong dating.

Samantalang wala sa bahay si Solomon dahil may gawain ito ngayong araw sa simbahan kasama nito si Belle. Samantalang si Genesis naman ay kasalukuyang nasa ospital.

"Malayo ito sa bituka."

"Malayo nga ngunit hindi ka na rin naman makakabalik sa hukbo."

Sandaling natahimik ang kaninang nakangiting si Santiago. Halos mawala siya noon sa katinuan nang dahil sa pagkaputol ng kaniyang paa matapos masabugan ng bomba sa kasagsagan ng gyera. Iyon na din ang naging dahilan upang bitiwan na niya ang propesyon.

"Ngunit huwag kang malungkot. Alam mo bang may lunas pa riyan sa paa mo?" Nag-angat ng tingin ang naguguluhang si Santiago.

"Sa bansang Europa may mga nakilala akong may kapansanan sila sa paa ngunit hindi iyon naging hadlang upang tumigil sila sa kanilang pangarap. Nagagawa nilang sumayaw kahit hindi totoo ang knilang paa."

"Paanong nagagawa nila?"

"Sa pamamagitan ng pagpapagawa ng sarili mong paa. Nang mabalitaan ko ang nangyari, kuya, nais kitang dalhin roon nang makalakad ka ulit." Ginulo ng marahan ni Santiago ang buhok ng kapatid bilang panlalambing.

Ilang sandali lang ay ipinatawag na sila ng kanilang ina dahil nakahanda na sa hapag ang tanghalian. Hindi na nahintay ang dalawa pa nitong anak dahil nagpaalam ang mg itong gabi na makakauwi.

Sa kalagitnaan ng salo-salo hindi na napigilan ni Doña Esther ang punain ang hindi mapakaling si Exodus na tila may hinahanap sa paligid. Hindi man ito nagtatanong ay batid nilang lahat na gusto nitong magtanong kung nasaan ang dalagang matagal na nitong sinisinta.

"Mamayang gabi mo pa siya makikita," ngumisi si Santiago. "Sila ay nagtungo sa libingan ng kanilang mga magulang kasama niya ang aking asawa."

"Maayos na ba ang pakikitungo ng iyong asawa kuy——"

Isang malakas at nakakayanig na pasabog ang gumulat sa kanilang lahat. Mabilis na napatayo si Don Yno upang alamin kung ano ang nangyayari sa labas. Pinapakalma naman nina Santiago at Exodus ang kanilang ina na ngayon ay nanginginig sa nirbyos dahil sa pagkagulat.

Ang akala nila iyon na ang pinakakagulat na mangyayari. Sunod-sunod na putok ng baril ang namayani sa buong kabahayan at mga sigawan ng mga katulong sa bawat sulok ng mansion.


"OMG! Look, may paru-paro." Sabay- sabay na napalingon sina Cara at Flory sa itinuturo ni Clarity. Nasa malawak sila ng libangan ng San Juan. Nasa tapat sila ng lapida ni Don Mario Galaciano sa tabi nito ay lapida ng asawa. Napatayo si Clarity para sundan ang kulay asul na paru-paro na patuloy lang naman ang pag-ikot sa kanila.

"Noong isang araw mayroon din akong nakitang blue butterfly. Ang ganda niya!" naturuwang saad ni Clarity.

"Hoy 'wag mong lapitan baka kagatin ka niyan."

"Eh? May butterfly bang nangangagat, ate Flor? I'm curious."

Napatayo ang kanina pang tahimik na si Cara. At nagulat ang dalawa sa biglang sinabi nito. Sa orihinal na kwento ng WPMP na isinulat si Cara, may isinulat siyang asul na paru-paro na lalabas lamang sa eksena kapag malapit nang matapos ang lahat. Ang role ng paru-paro ay magdala ng hiwaga, sa katapusan ito ay magpapakilala bilang engkanto na siyang dahilan kung bakit nakapasok ang apat na babae sa kwento.

"The end is near. And someone will die now."


_________________________
#WPMP

When Present Meets The Past | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon