1

995 22 0
                                    

AN:
Hndi po nagkasya yung cover picture. Kaya tgnan na lang sa side. O kung sang lupalop napunta.
Thank you ^_^
------------------------

V's POV

"Hoy babaeng wirdo, bagay to sayo hahaha" tawa ni Louie sa harap ko habang hawak ang kulay pink na dress na pag sinuot NILA ay halos makita na ang kaluluwa mo.

"Wag mo namang asarin ang kapatid ko Lou-Lou" sabi ni kuya Tristan. Yes, kapatid ko sya. Buti naman at may nagtanggol sa akin.

"Mas bagay sa kanya to" sabay kuha ni kuya Tristan ang isang see through na kulay black.

Nakisabay tawa naman ang tatlong mokong na to.

"Tigilan nyo ko, mga ugok kayo na nga tong ililibre ee" sabay apak sa skateboard ko at pinaandar ito.

Kasalukuyan kaming nasa Mall na pagmamay-ari namin. Meron namang pera tong mga mokong na to nagpalibre pa sa akin.

Ako nga pala si V Patterson. Wierd name? Pshh. Ganyan naman laging sinasabi sa akin. Isang 4th yr. College sa school na magmamay-ari ni Jin. Tristan Patterson kuya ko sya, pero pareho kaming nasa 4th yr. College. Nagloko kasi, yan napala. Paano kami nagkakilalang lima? Magkakasama kami simula bata palang.

Sumunod naman ang apat na lalaking mukhang mga pugo sa akin.

Sinabayan ako ni Louie sa pag is-skateboard at umakbay sa akin. Sa kanan ko naman umakbay din si Kirt.

Nakita ko sina Jin at kuya Tristan sa may likod ko. Ano nanamang trip netong mga to.

"Ano nanamang trip nyo ngayon at mga ganyan ang ngiti nyo at-AAHHHH! " sigaw ko ng hawakan ako sa dalawang braso ko at ng may tumulak sa akin. At saktong dito pa sa gitna kung nasan ang fountain na may fishpond sa baba nito.

BOOGGSHH SSPLAASHH

"Bwahaha grabe ka V dyan ka pa nagswimming, meron naman kayong pool sa bahay" sabi netong si Jin. At nagtawanan sila.

At dahil malapit sa akin si Jin at Kirt, hinila ko silang dalawa sa shirt nila at pareho silang nahulog sa tubig.

"Tawa pa kayo ahh. Isa ka pa kuya Tristan." tinalsikan ko sya ng tubig at ganun din ang ginawa nung dalawa at tawa lang kami ng tawa.

PPPPRRRTTTTTT.

"Hoy!! Bawal yang ginagawa nyo! " napalingon kami sa isang guard. Napansin kong dami na palang tao ang nakatingin sa amin. Nakakahiya. Aiistt.

Nakatayo na kaming lima at dahil basa nga kami, itong mga babaeng nasa paligid ligid ay panay ang tili. Porket kita lang ang mala abs nila. Pwe!! Abs ba yun? Abs nga 'A Big Stomach' tsk.

"Oh my G girl. Ang gawapo ng isa. Ang hot nya."

"Oo nga, actually lahag sila gwapo. Panira lang yung babaeng kasama nila"

"Ang swerte naman nung girl, kasama nya ang naggagwapuhan na mga boys"

Lumapit sa amin ang guard. Mukhang bago lang sya. Napatingin ako kay kuya at mukhang alam ko na iniisip neto.

"Masama bang maligo tatang? " at humirit na nga ang magaling kong kuya. At tumawa naman ang tatlong pugo. Skandalero tong mga kasama ko.

"Aba't sumasagot ka pa ah"

booggsh

Sinuntok lang naman ni kuyang guard ang tyan ni Kuya Tristan. Ooopss. Wrong move ka kuyang guard.

At itong si kuya parang hindi naman tinablan. Haha. Nagulat si manong guard dahil wala man lang reaksyon si kuya.

Pumunta naman si Jin at Louie sa gilid ni manong guard at hinawakan ito sa magkabilang braso.

Aba't anong trip netong mga to. Dumadami na ang tao sa paligid.

"Anong gagawin namin dito boss?" sabi ni Louie at nagpipigil ng tawa si Jin. -____-

"Itapon sa ilog pasig at ipakain sa mga isda doon" at nagtawanan silang apat. Mga baliw.

"ANONG NANGYAYARE DITO" sa wakas at dumating na ang manager. Nakilala naman nya agad kami.

"Ah-ee Ma'am V, Sir Tristan. Ma-magandang hapon po. Ano pong nangyare"

"Ahh. Nagkatuwaan kasi kami dito sa fishpond. Nagkabasaan tuloy. Nahuli kami ni manong guard. Itong si kuya pilyo, kaya yun nasuntok ni manong guard sa tyan"

"Naku, pasensya na po Sir, Ma'am. Ako na pong bahala sa kanya"

Binitawan na naman nina Jin at Louie si manong guard. Kawawa naman at tinakot pa nila. Ginagawa lang naman ang trabaho nya.

At pagkatapos ng nakakapagod na araw namin sa Mall umuwi na kaming lima. At sumakay na sila sa kanya kanyang sasakyan. Syempre ako, kay kuya Tristan ako sasakay.

"Dude, bukas ng gabi movie marathon tayo sa inyo ahh?" sigaw netong si Kirt bago pinaandar ang kotse.

"Gusto ko horror movie dre ah?" sigaw din netong si Louie at pinaandar na ang kotse nya.

"Dudes, pagtapos nun. Alam na" sabi naman netong si Jin. At tumingin sya sa akin at inirapan ako bago sumakay sa kotse nya.

Aba't mokong talaga. Bakla ata yun eh.

"Tara na lil, brother" sabi sa akin ni kuya at sumakay na. Late na din kasi.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon